KABANATA LABING-WALO

10.1K 138 10
                                    

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~­~
KABANATA LABING SIYAM
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~



ISANG linggo na ang nakalipas simula ang mangyari ang date namin ng asawa ko. Iyon na ang isa sa mga masasayang nangyari sa buhay ko akala ko pagnawala ako puro lang sakit ang mararamdaman ko hanggang sa mawala ako ngunit nagkamali ako dapat hindi natin inuunahan ang mga bagay bagay lalona't wala itong kasiguraduhan kong mangyayari ito o hindi. Ngayon patuloy akong nagpapagaling pero hindi ako nakakaramdam na unti unti aking gumagaling dahil ramdam ko ang sakit ng katawan ko sa tuwing may gagawin ako. Pansin ko rin ang pag umbok ng tiyan ko. Napatingin ako kay Ina ng tawagin niya ako.


"Bakit?."Taka kong tanong. Katabi niya si jb na busy sa pangangalikot ng kamay ni Ina. Siguro kung hindi lang mag kakagyera sa pagitan nila sasabihin kong sila na dahil sa madalas silang magkasama ang sweet pa kung gumalaw.

"Buntis kaba?."Nag aalala niyang tanong. Bigla akong natigilan sa tanong niyang iyon. Kusa nalang akong napahaplos sa tiyan kong umbok ng unti. Ito ba ang dahilan bakit nanghihina? Buntis nga ba talaga ako? Madalas din ang pagsusuka ko tuwing umaga na dati ay isa o dalawang araw lang ako kung magsuka pero mga nakaraang araw tuwing umaga nagsusuka ako nag iiba rin ang pang amoy ko at masyado akong sensitibo. Mas domoble ang kaba ko dahil sa iniisip ko posibleng buntis ako dahil may nangyari samin ng asawa ko. Ang araw na ibinigay ko sakanya ang sarili ko. Masaya ako sakaling buntis ako pero alam ko ang kahihinatnan ko pagnabuntis ako kaya ganyan ang tinig ni ina.

"Imposibleng mangyari yon Ina."Nakangiti kong sabi. Ayokong sabihin sakanya na maaring buntis ako. Ayoko siyang mag-alala sa kalagayan ko.

"E-ella alam mo kung ano ang mangyayari sayo."Kinakabahn niyang sabi. Nawala ang ngiti ko ng sabihin niya iyon. Pinasadahan ko ng tingin ang katawan kong nangangayayat na. Hindi ako magsisi kung buntis man ako dahil simula palang ng ibigay ko ang sarili ko sa asawa ko na posible akong mabuntis. Nag pacheck up narin ako kanina kay Doc. Mendez, ang sabi niya ay antayin ko nalang siya dito. Kung ano man ang kakalabasan wala na akong pake ang gusto ko lang sakaling mawala ako mabigyan ko sila ng isang munting regalo. Tumingin ako sa kay ina ng marahan niyang pinupunasan ang pisngi ko samantalang si Jb nakatingin sakin na nag aalala.

"Y-you're crying ella."Nag aalala niyang sabi. Sa kakaisip ko hindi ko namamalayan na umiiyak na pala ako. Napakamanhid ko na kahit na ang luha ko hindi ko na maramdaman. Ngumiti ako sakanila para ipakita sakanila na okay lang ako at para hindi narin sila mag alala sa kalagayan ko.

"Ang lakas ng hangin kaya napuwing ako."Nakangiti kong sabi. Napangiw sila sa sinabi ko kasabay ang pagbukas ng pinto. Tumingin ako doon at nakita ko si Doc. Mendez na nag aalala kaya mas lalo akong kinabahan. Tiningnan ko sina Jb at Ina na umalis muna naintindihan naman nila ano pinapahiwatig ko dahil lumabas sila.

"D-doc ano po resulta?."Kinakabaha­n kong tanong. Bumuntong hininga siya at nag aalalang lumapit sakin. Tanggap ko na ano man ang resulta wala akong pagsisihan sakaling kapalit pa nito ang buhay ko.

"M-mrs. Deguzman, you're 1 week and 2 days pregnant."

Kinakabahan niyang sabi. Mariin akong napapikit kasabay ang paglandas ng luha ko. I'm happy to hear that I'm pregnant. Sorang saya ko ng malaman kong buntis ako tama ang hinala ko buntis nga ako.Marahan kong hinaplos ang tiyan ko Baby ako ang mommy mo,magpakatatag ka lang diyan. Halo-halo ang nararamdaman ko pero mas nangingibabaw ang saya ko. Masaya kong ibinalik ang tingin kay Ms. Mendez.

"Mrs. Deguzman y-you need to abort the child."

Nawala ang ngiti ko ng sabihin iyon ni Doc. Hindi, Hindi ako papayag na ipalaglag ang baby ko ito nalang ang tanging regalo na maari kong ibigay sakanila. Inis akong tumingin sakanya wala akong pake kung siya ang Doctor.

"H-hindi ko ipapa a-bort ang bata."Mariin kong sabi. Nag aalala siyang nakatingin sakin ng sabihin ko iyon. Naiintindihan ko ang nararamdaman niya na nag aalala siya sa kalagayan ko pero hindi ako papayag na ipalaglag ang anak ko.

"P-pero Mrs. Deguzman ang sakit na nararamdaman mo ay dodoble ito. Pag hindi mo ipaabort ang bata maari kang mamatay."Saad niya at tumungo. Nasasaktan ako para sa magiging baby ko hindi ko siya kayang ipalaglag gagawin ko ang lahat mabuhay lang siya kapalit pa nito ang buhay ko k-kahit na hindi ko masisilayan ang anak ko sa paglaki niya.

"B-baby kapit kalang diyan, Magpakatatag ka nandito lang si mommy. Mahal na mahal kita handa akong gawin lahat para sayo. I-i'm sorry baby kung hindi kita masisilayan ang unti-unti mong paglaki pero lagi lang akong nandito, B-babantayan­ ka ni mommy kayo ni daddy."Sabi ko at bumuhos ang luha ko. Ang sakit sakit bakit kailangan pang mangyari ito? Pwede bang lagyan ng extention ang buhay ko hanggang maisilang ko lang ang anak ko?

Pinahidan ko ang luha ko ng bumukas ang pinto. Pumasok doon ang asawa ko na nag aalala ang muka. Nagmamadali siyang lumapit sakin at yumakap.

"W-why are you crying wife? May masakit ba sayo? Sabihin mo, fuck I'm worried."Nag aalala niyang tanong. Hindi ako sumagot bagkus ay mahigpit ko siyang yinakap. Mukang nagulat pa siya ng yakapin ko pero kalaunan ay gumanti rin.

"I-i'm pregnant mahal."Humihikbi kong sabi bago humiwalay sa pagkakayap sakanya. Hindi makapaniwalang nakatingin siya sakin ng sabihin ko iyon.

"Y-you're pregnant? Magiging daddy na ako?"Hindi makapaniwala niyang tanong. Nakangiti akong tumango. Biglang rumehistro sa muka niya ang saya at mahigpit akong niyakap.

"Magiging daddy na ako! I'm excited to see our baby wife."Nakangiti niyang sabi at marahang hinaplos ang umbok kong tiyan. Nakatitig lang ako sa asawa ko habang hinahaplos niya ang tiyan ko. Hindi ko mapigilang umiyak sa nakikita kong saya sakanyang muka ng malaman niyang buntis ako. Ang saya ko para sa asawa ko pero hindi ko din mapigilan ang mag alala. Ang buhay ko ay isang puzzle na hindi mabuo buo ngunit ng dumating ang asawa ko unti unti akong nabubuo. Natutunan kong lumaban para sa sarili ko at sakanila.

"Anyway wife, I have a surprise for you."Nakangiting sabi ng asawa ko.

"Ano?"Nakangiti kong tanong. Nakamgiti rin siyang tumayo at lumapit sa pintuan. Napaiyak ako ng buksan niya ang pinto. Pumasok doon ang pamilya ko at ang pamilya ko. Nakita ko ang lumuluha nilang mga mata ng makita ako. Hindi ko inaakala na dadalawin ako ng pamilya ko. Sa napakatagal na panahon ngayon ko lang silang nakita ang ganyang ekspresiyon ng muka nila. Halo halo ang emosyong nakikita ko sakanila, lungkot, say­a, awa, ngunit wala akong pake dahil ang mahalaga sakin ay ang makita silang nasa harapan ko ngayon.

"M-ma, p-pa."Umiiyak kong tawaga. Umiiyak silang lumapit sakin bago ako dinamba ng mahigpit na yakap.

"A-anak I'm sorry nabulag ako sa galit simula ng mawala ang kambal mo. Sorry kung hindi ka namin napapakitaan ng pag aaruga ng isang magulang. I'm sorry anak sa mga nagawa ko hindi ko inaakalang aabot kami sa punto na masasaktan ka namin. P-princess I'm so sorry, M-mahal ka ni mama."Umiiyak na sabi ng mama ko. Hindi ko mapigilang humikbi ng malakas. Ang saya ko mahal ako ni mama, Humingi siya ng sorry ang saya ko pero hindi ko parin maisip ang lagay ko kung kailan naging masaya ako tsaka pa magiging ganito ang buhay ko.

Nasa huli talaga ang pagsisi no? Kung kailan may mawawala tsaka mo lang marerealized kung ano yung mahalaga sayo.

"O-okay lang po yon Ma. M-mahal na mahal ko po kayo."Umiiyak kong sabi.

"I'm sorry anak sa nagawa ni papa."Humihinging tawad ni papa at mahigpit akong niyakap. Mahigpit ko silang niyakap.Hindi ako magagalit sakanila kasalanan ko rin naman bakit sila nagalit sakin. Siguro nga sa una sobra akong nasaktan pero ngayon sobrang saya ang naramdaman ko lahat ng pinaghirapan ko dati ay hindi nasayang dahil nakamtan ko rin ang pagmamahal ng isang magulang na matagal ko ng gustong maramdaman. Ang buhay natin ay hindi puro saya o sakit ang lagi nating nararamdaman. Ang buhay natin ay hindi unfair because god made us. Hindi ibigsabihin na mahirap tayo o mayaman ay unfair na ang buhay satin hindi sa lahat ng pagkakataon ay magiging mahirap o mayaman ang tao. Walang permamente sa mundo. Gusto kong makasama ko sila kahit na unting panahon lang.

Her LifeOnde histórias criam vida. Descubra agora