KABANTA LABING-APAT

11.7K 154 4
                                    

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
KABANATA LABING APAT
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

"D-doc bakit niyo po sinabi?."Tanong ko kay doctora mendez na nasa harapan ko ngayon. Gusto kong lumabas dito sa hospital oo sanay ako pero pag nandito ako pinapaalala lang nito na unti-unti na akong mamatay.

"He is your husband Ms. Hernandez. I'm sorry pero kailangan niyang malaman." Sabi niya at umupo sa tabi ko. Wala dito ang asawa ko sabi niya may pupuntahan lang siya madali lang daw. Hindi ko parin nakakalimutan ang sinabi niya sakin kagabi hindi ako mapakaniwalang mamahalin niya ako ngunit natatakot ako na baka pagpapanggap lamang iyon, Na naawa siya sa kalagayan ko tanggap ko kung naawa siya sakin pero ang magpanggap na mahal niya ako para magpagaling ako o kung ano pa man nasasaktan ako sabagay kailan ba ako hindi nasaktan?

"Okay lang po, Tama naman po kayo."Sabi ko. Napabuntong hininga nalang siya at ngumuti ng mapait sakin si Doctora mendez ina na ang turing ko sakanya simula ng maconfine ako dito bata pa hindi ko aakalaing babalik ako sa hospital nato kung saan ako lumaki na may nagpapahalaga sakin, Lahat ng nurse, Doctor dito ay ka-close ko mabait sila sakin. Sila ang mga kalaro kaya hindi ako nabobored dito ngunit hindi ko parin mapigilan ang malungkot sa tuwing naalala ko ang sakit ko.

"Magpagaling ka Vriella."Nakangiti niyang sabi. Sinuklian ko rin siya ng matamis na ngiti kahit na nalulungkot ako. Ayokong may nag aalalang mga tao sakin ng dahil lang sa kalagayan ko. Wala dapat silang ikalungkot dahil lahat ng tao ay mawawala.

"D-doc gusto ko pong magpalipat ng room, Sa dati ko pong room." Sabi ko at ngumiti. Lumaki rin ang ngiti ni doc pagkasabi ko non. Ang silid ko na nakasanayan ko, Nandiyan pa kaya sila? Siguro wala na matagal narin ang panahon simula nagkasama sama kami kaya imposibleng nandito pa sila. Ang mga naging kaibigan ko excited na ako sana nandiyan pa sila kahit na imposibleng mangyari.

"I'm glad you'll stay here. And It's settled now, Vriella."Nakangiti niyang sabi bago lumabas ng silid. Iginala ko muli ang aking paningin sa kwarto at naagaw ang pansin ko ay ang bintanang bukas at umuulan sa labas. Umupo ako sa wheelchair na nasa tabi ko lang. Lumapit ako doon at inilabas ko ang isa kong kamay. Ang saya ng feeling ko tuwing umuulan, Ang ulan ang lagi kong karamay sa tuwing iiyak ako dahil sa mga magulang ko. Naalala ko nong bata pa ako pinalayas ang nina mama at papa. Lumabas ako ng bahay umiiyak ako non kasabay ang pag ulan hindi ko alam kung bakit pero sa tuwing umuulan gumagaan ang pakiramdam ko.

Napatingin ako sa pinto ng bumukas ito. Iniluwa doon ang isang nurse na nakangiti sakin naalala ko siya, Siya yung kakulitan ko ang bata niya pang tingnan.

"Hello po ate Mae."Nakangiti kong bati at lumapit sakanya gamit ang wheelchair ko. Hindi na ako makalakad ng maayos dahil nanghihina narin ang mga buto ko. Napapaupo lang ako pag sinusubukan kong tumayo.

"Namiss kita Amv, Buti nalang bumalik ka."Malungkot niyang sabi at niyakap ako. Bumalik ako na mas lumala pa ang sakit ko hindi gaya ng dati na naagapan pa. Niyakap ko rin pabalik si ate namiss ko rin siya.

"O-opo."Nakangiti kong sabi pagkabitaw niya ng yakap. Wala paring pinagbago si ate siya parin ang ate ko na lagi kong nakakausap. Hindi siya ang nakacharge sakin nong bata ako pero lagi siyang pumupunta sakin dahil may gusto siya sa lalaking nagbabantay sakin dati.

"Halika na, Sabi ni Dr. Mendez ililipat na kita sa room mo."Nakangiti niyang sabi pero mahihimigan ng lungkot ang boses niya. Ngumiti nalang ako para hindi niya mahalata na nalulungkot din ako. Pumunta na siya sa likod ko at tinulak ako papunta sa magiging room ko. Ang dati kong room kung saan ako lumaki. Gusto ko doon dahil may mga nakakasama ako hindi gaya sa isa kong room napakatahimik.

Naalala kaya ako nina mama ngayon? Sana dalawin nila ako gusto ko silang makita ilang araw ko narin silang hindi nakita simula ng paalisin ako ni papa sa kaarawan niya. Kahit na ipagtabuyan nila ako hindi ako magagalit sakanila. Pagmahal mo ang isang tao kailangan hindi ka magtanim ng galit sakanila kahit na ano pa ang ginagawa nila sayo, Iparamdam mo sakanila na mahal mo sila kahit na hindi ka mahal dahil darating ang araw marerealized din nila na mahal nila tayo kaya dapat lagi tayong lumaban ngunit ang paglaban dapat alam natin ang tama dahil kung patuloy tayong lalaban hindi mo namamalayan sa kakalaban mo nakakasakit na tayo.

Nahinto ako sa pag iisip ng huminto kami ni ate sa tapat ng pinto. "Diyan ka muna ha." Nakangi niyang sabi. Tumango nalang ako sa kanyang sinabi bago siya sumilip sa pintuan. Ano kayang meron?Unti unti akong lumapit ng sumenyas si ate na lumapit ako.

Napaiyak ako ng sabay sabay silang sumigaw "Surprise." Wala paring pinagbago. Tumakbo sila palapit sakin at niyakap ako.


"Welcome back payong."Nakangiting sabi ni Jb. Jacob ang pangalan niya pero dahil sa tinatawag niya akong payong, Jb ang tinawag ko sakanya. Hindi ko inaakala na nandito parin siya hindi parin ba gumagaling ang sakit niya? Ang sakit niya ay parang nag-iiba ang katauhan hindi ko alam ano tawag sa sakit niya pero nakakatakot siya pag nag iba. Hindi ko alam bakit nasa hospital siya kung ganyan ang sakit niya.

"Wala ka paring pinagbago payong umiiyak ka parin."Nakangiti niyang sabi at pinunasan ang luha ko. Gwapo si Jb kahit na ganyan siya sana dumating ang araw na gumaling na siya ayokong makikita silang nasasaktan. Mababait sila kaya hindi nila deserve ang magkasakit.

"Aagawin mo na naman samin si ella,ha!japanget?" Singhal sakanya ni Ina. Tumingin sakin si ina at ngumiti bago ako niyakap. Kita ko ang pagbusangot ni Jb sa sinabi ni ina. Wala talaga palagi parin silang nag aaway.

"Kailan ba kayo titino?" Singit ko ng sasagot si Jb. Napanguso nalang sila sa sinabi ko. Ang saya ko sila ang naging pamilya ko simula ng tumira ako sa hospital ang sakit ni ina ay cancer din pero pagkakaalam ko hindi gaanong malala iyon ngunit nanatili siya dito dahil gusto niyang magpagaling para sa pamilya niya. Masaya ako para sakanya ang tapang niya hindi gaya ko.

"Titira kanaba ulit dito ella?."Nakangiting tanong sakin ina habang hawak hawak ang kamay ko. Wala namang masama kung tumira muli ako dito kasama sila at isa pa hindi ako papayagan ni Doc. Mendez na umalis ng hospital gayong lumalala na ang brain cancer ko. Sa tuwing naalala ko ang sakit ko hindi ko mapigilang malungkot pero ng dahil sakanila nakakalimutan ko na may sakit ako, Na malapit na akong mamatay.

"Oo. Dito na muli ako."Nakangiti kong sabi. Sabay sabay silang sumigaw ng yes dahil sa sinabi ko. Sana ganito nalang lagi ang buhay ko masaya kasama ang mga mahal sa buhay.

"Oh pano bayan dating gawi!"Nakangiti naming sabi. Ito ang buhay ko malungkot pero sumasaya dahil sa mga kaibigan kong tinuring akong pamilya kahit na kailan hindi ko pagsisihan ang bumalik ako dito dahil dito talaga ako nararapat. Ang buhay ko ay walang kasiguraduhan ang mga buhay natin maari tayong mawala na hindi natin nalalaman. Maaring hindi natin kontrolado ang mundo pero ang buhay natin ay makakaya nating kontrolin. Masisilaya­n ko ng muli ang mga kalokohan ng mga kaibigan ko. Hindi sila nakapag aral sa labas dahil bata palang sila ay nasa hospital na sila gaya ko kaya mahal namin ang hospital dahil dito kami unang nagkakilala at naging matalik na magkaibigan. Welcome back Vriella.

Her LifeWhere stories live. Discover now