KABANATA-APAT

9.7K 165 14
                                    

~~~~~~~~~~~~~
KABANATA APAT
~~~~~~~~~~~~~

Tatlong araw na ang lumipas nong lumipas ang family dinner kina Ryker. Nandito ako ngayon sa kwarto ko. Maliit lang ang kwarto ko isa lang itong maliit na bodega dito sa mansion. Nasa second floor ito sa dulo ng hallway. Dito ang kwarto ko dahil ikinahihiya ako ng aking asawa. Nahihiya siya na baka may makakita sakin na ka business partner niya. Hindi lang pananakit ang ginagawa niya sakin dahil tago lang ang relasyon namin.

Ayaw niyang masira ang pangalan niya ng dahil lang isang tulad ko. Hindi ko alam kung nasaan siya ngayon. Hapon narin pero wala pa siya. Nagpakawala ako ng malalim na buntong hininga bago tumayo sa aking maliit na higaan. Ang aking higaan papag na yari sa playwood at kahoy. Sinasapinan ko ito ng banig para kahit na papano ay hindi sumakit ang aking likod. Madilim itong bodega tanging kandila lang din ang nagsisilbing ilaw.

Hindi naman ako takot sa dilim kaya okay lang din sakin. Sino ba naman ang hindi masasanay kung sa simula bata kapalang kasama mo na ang dilim? Bata palang din ako kinukulong ako ni mama at papa tuwing may okasyon sa bahay. Walang nakakaalam na anak ako ng mga Hernandez dahil tago lang din ako. Mapait akong tumayo at lumabas sa aking silid na bodega.

"N-nakauwi kana p—kayo." nakangiti kong sabi. Dahil saktong paglabas ko ay ang pag akyat ng hagdan ni selena at ang asawa ko.

Ayokong masaktan si selena kung nagpapanggap lang sila ni Ry. Ang gusto ko kung ano man ang totoong nasa puso ng aking asawa.

"Problem with that?" mataray na sabi sakin ni selena. Tanging iling at ngiti lang ang isinukli ko sakanila. Kahit na hindi manlang nila ako magawaran ng isang ngiti.

"Cook us a food," malamig na sabi ni Ry bago nila ako iwan dito.

Nakangiti akong bumaba kahit na ang totoo nasasaktan ako. Bakit ba nagagawa ko paring ngumiti kahit na nasasaktan na ako? Ganito ba ako kabait at hindi nila ako kayang mahalin? Kinuha ko na lahat ng ingredients na gagamitin ko sa pagluluto. Nagsimula na akong mag hiwa ng mga rekados.

"A-ahh," daing ko ng aksedente kong nahiwa ang daliri ko. Hindi naman sa nahiwa nasugatan ko lang pero may dugo na lumalabas sakto namang pagkulo ng nilalaga kong baboy.

Ang sakit ng daliri ko pero hindi ko pwedeng pabayaan ang niluluto ko dahil bubugbogin ako ng aking asawa pag nasira ko ang kitchen.

Natapos ko na ang ginagawa ko at hinain ko na ang mga niluto ko. Ginamot ko narin ang sugat ko. Pumunta na akong sala para tawagin sila. Naistatwa ako sa kinatatayuan ko dahil sa naabutan ko. Kung maari Vriella wag kang umiyak.

Bawal kapang umiyak sa harapan ng asawa mo. Iiyak kalang pag nawala kana. Ang sakit ang paghahalikan nila parang punong puno ng pagmamahalan. Muka akong tanga na nanonood ng romantikong palabas dahil sa harapan ko.

"A-ah nakahain na ang pagkain," nakayuko kong sabi. Naramdaman ko namang tumigil sila sa ginagawa nila at ang paglakad nila papuntang kusina.

Ang sweet nilang tingnan nag muka akong katulong sa pamamahay na ito. Mukang sila ang mag asawa at ako isa lamang hamak na katulong na nanonood pano maglambingan ang mag asawa.

"Someday that scenario will happen to me," nakangiti kong sabi at pinahid ang luhang tumulo. Hindi niya makikitang lumuha ako dahil busy sila. Sana nga yang mga scenrion nayan ay mangyari rin sakin someday.

Naisipan ko nalang na pumunta sa garden ng bahay ng aking asawa kahit na kailan hindi ko ito bahay dahil pera niya ang ginamit niya dito at nakikitira lang ako. Umupo ako sa grass malapit sa mga bulaklak. Gusto kong dalawin sina mama pero wala pa akong pera para makapunta doon. Lagi rin akong pinapagalitan ni ry pag lalabas ako ng bahay.

Masyadong masakit ang mga pinaggagawa niya sakin ngunit wala akong magagawa doon. Ito lamang ang paraan niya para maibsan ang galit niya sakin kaya handa akong tiisin lahat ng mga pananakit niya kahit na magkasakit ako.

Pumasok na ako sa loob ng makaramdam ako ng gutom. Siguro naman tapos na silang kumain. Pumasok na ako sa loob at naabutan ko sila sa sala na nanonood ng movie. Hindi ko nalang sila pinansin at dumiretso na ako sa kusina.

Tiningnan ko kung may natira pa pero nanlumo ako ng wala ng ulam at kanin ang niluto ko kanina. Binuksan ko ang ref at saktong wala rin itong laman. Naalala ko na inubos ko pala kanina ang laman ng ref. Bukod sa walang alam ang tanga ko din. Pumunta ako sa sala para sana humingi ng pambili ng pagkain. Ngayon palang ako hihingi ng pambili sakanya dahil nahihiya ako. Hindi ako yung babae na mahilig mamili ng kung ano ano.

"R-ry pwede bang manghingi ako ng pambili ng pagkain?" nakayuko kong sabi. Mukang a-alis din sila dahil sa bihis na bihis sila.

"Stupid bitch! Sinadya nga naming itapon ang pagkain para wala kang makain tapos manghihingi ka?" mataray na sabi sakin ni Selena habang nakataas ang isang kilay, kaya pala walang pagkain dahil tinapon nila. Sana ibinigay nalang nila ito sakin kesa itapon.

"You have a money right? Why don't you buy some food for yourself?" malamig na sabi ng aking asawa bago nila ako lagpasan. Napaupo nalang ako sa sahig dahil sa iniwan nila ako. Sanay akong iwan nila pero hindi sa ganitong sitwasyon. Wala akong makain.

Tumayo ako at pumunta sa kusina. Tiningnan ko ang basurahan kong may kakaunti pang pagkain na nandon. Masaya ako dahil makakain ako kahit na madumi ito. Bumuntong hininga ako bago kinuha ang manok na adobo na niluto ko kanina. Kinuha ko rin ang kanin na tutong nalang. Kumuha ako ng pinggan at kinuha ko yung kinuha ko sa basurahan.

Umupo ako sa upuan at kinain ang kinuha ko. Napaluha nalang ako habang kinakain ko ang nanggaling sa basurahan. I pity myself. Hindi ko na naalagan pero gaya ng sabi ko wala akong pake kung mamatay ako dahil sa gutom o kung ano pa man ang gusto ko lang ay maramdaman nila ang pagmamahal ko. Pilit kong nginunguya ang tutong na kinakain ko. Napatingin naman ako sa sugat ko ng dumugo muli ito.

"How can I ease my pain?" bulong ko sa aking sarili. Masyadong walang kwenta ang buhay ko para mahalin ng isang tulad nila.

"A-ang sakit Ry. Pero kahit na kailan hindi ako nagsisi na minahal kita. Masaya na ako na naipaparamdam ko s-sainyo kung gaanon ko kayo kamahal. W-wag niyo akong mahalin," sabi ko at sunod sunod na bumuhos ang luha ko.

Gustong gusto kong mahalin nila ako pero pag dumating ang araw na papahalagaan nila ako okay sakin pero ayokong iparamdam nila sakin na mahal nila ako kung hindi naman totoo.

Her LifeWhere stories live. Discover now