KABANATA LABING-TATLO

12.3K 174 6
                                    

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~­~
KABANATA LABING TATLO
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~­~


NAKALIPAS ang ilang araw at masaya akong sabihin na nagbago na ang asawa ko. Humingi siya ng tawad sakin hindi ko ine-expect na hihingi siya ng tawad dahil para sakin wala lang iyon kahit na saktan nila ako mahal ko sila eh. Nakabihis ako ngayon ng floral dress na bulaklak ang mga design sabi ng asawa ko na magbihis daw ako ng dress dahil may pupuntahan kami. Tinanong ko siya kung saan kami pupunta pero wala siyang sinabi tanging ngiti lang ang isusukli niya sakin tuwing magtatanong ako.

"Let's go wife."Nakangiti niyang tawag sakin. Ngumiti rin ako pabalik sakanya bago niya ako alalayan pababa ng kanyang sasakyan. Sumalubong sakin ang simoy ng hangin nasa dagat pala kami. Gabi narin ngunit hindi gaanong madilim dahil sa mga ilaw. Nagsimula niya na akong iginaya papunta sa loob. Ibat-ibang kulay ng ilaw ang sumasalubong samin habang papasok kami kita ko mula rito ang malaking bahay hindi siya bahay dahil mansiyon ito.

"Nasaan tayo?."Tanong ko. Huminto kami sa tapat ng bahay. Mukang ito ang likod ng bahay. Ang ganda dahil ang daanan ay nasa likod ng bahay bago kayo makapunta sa harapan ng bahay na dagat na.

"We're here at our resort."Nakangiti niyang sabi. Pumasok kami sa loob at umakyat iginaya niya ako papuntang veranda sumalubong sakin ang lamig ng hangin kaya napayakap ako sa aking katawan kita ko mula rito ang pag alon ng dagat. Kita ko rin dito ang nag iilawan na mga kabahayan sa kabilang isla.

"Ang ganda."Namamangha kong sabi. Ipinit ko ang mata ko at naramdaman ko ang pagyakap ng dalawang bisig ng aking asawa. Sana ganito nalang ang buhay namin payapa walang masamang nangyayari ngunit hindi ko/namin hawak ang oras. Kung kaya ko lang pigilan ang pag ikot ng oras gagawin ko makasama ko lang ng matagal ang mga mahal ko sa buhay. Ayokong mawalay sa mga mahal ko pero kailangan dahil ang buhay natin ay hindi permamente ang diyos ang gumawa satin kaya ang diyos lang din ang maaring kumuha satin nasa sakanya kung mamatay naba tayo o mabubuhay.

"Masaya ako, Mahal ko."Saad ko at iminulat ko ang aking dalawang mata. Nakasanayan ko narin siyang tawaging mahal hindi naman siya nagagalit sa tuwing tinatawag ko siyang mahal hindi ko alam kung bakit pero sa tuwing tinatawag ko siyang mahal napapangiti siya.

"I'm happy too wife."

Ramdam ko ang saya ng sabihin niya ang mga katagang iyon. Kung kailan mawawala ako tsaka ko pa mararamdaman ang pag-aaruga sana pag nawala ako kung dumating ang araw na mamahalin niyo ako sana hindi kayo mahirapan na kalimutan nlng ako. Wala ring saysay kung aalalahanin niyo pa ako. Humarap ako sakanya at hinawakan ko ang kanyang magkabilang pisngi. Gusto kong maging kanya ako kahit alam ko ang magiging kapalit pa nito ang buhay ko.

"L-lagi mong tatandaan mahal ko, Mahal na mahal kita."Pagsabi ko non pumatak ang mga luha ko. Masuyo ko siyang hinalikan. Hindi ako magsisi sakaling mawala ako basta ang mahalaga naibigay ko sakanya ang sarili ko. Mahal na mahal kita Ryker.

~~~~~~


NAGISING ako sa sinag ng araw na tumama sa aking muka. Tumayo na ako at ramdam ko ang sakit sa pagitan ng hita ko. Tumayo na ako at nagbihis. Wala narin sa tabi ko ang asawa ko nalungkot ako dahil akala ko na siya ang bubungad sakin sa paggising ko. Bumaba ako habang paika-ika. Pumunta ako sa kusina ng maramdaman kong may nag iingay. Nakita ko ang asawa kong nagluluto nakasuot siya ng apron na kulay blue. Nakatalikod siya sakin at mukang seryoso talaga siya sa pagluluto dahil hindi niya pa napapansin ang presensiya ko. Muling sumagi sa isip ko ang tungkol sa sakit ko. I want to cry so hard tuwing naalala ko ang sakit ko. P-pwede bang maging masaya nalang ako? Yung walang halong sakit k-kasi kahit na masaya ako hindi ko parin nararamdaman ang buong saya dahil sa aking sakit. Napaka komplikado ng buhay ko kung kailan naramdaman ko na ang pag-aaruga tsaka naman ako mawawala. Mamimiss ko ang mga araw na lagi akong umiiyak dahil sakanila. Oh lord sakaling mawala ako pwede bang maging masaya sila? Ayoko silang mahirapan sakaling mawala ako.

Napatingin ako sa asawa ko ng makita ko ang pag aalala sakanyang muka at marahan niyang paghaplos sa pisngi ko. Kahit na hindi ko pa nararamdaman ang tatlong salita na gusto kong marinig masaya na ako basta nag c-care siya sakin. "W-wife why are you crying? Are you okay?" Nag aalala niyang sabi. Hindi ko namamalayan na umiiyak na naman pala ako. Ngumiti ako sakanya para hindi siya mag alala.

"Okay lang ako."Nakangiti kong sabi ngunit mukang hindi siya naniniwala sa sinabi ko kaya hinawakan ko ang dalawa niyang pisngi at ngumiti.

"Gutom na ako."Nakanguso kong sabi. Pinisil niya naman pisngi ko at tumawa. Ganyan siya kapag ganito ako hindi ko alam kung nasaan na si selena sana hindi siya magalit sakin.


"C'mon wife, I cooked a breakfast for you."Nakangiti niyang sabi at iginaya ako paupo pero hindi pa ako nakakalapit ng biglang nanlabo ang paningin ko hindi ko maintindihan ang sinasabi ng asawa ko dahil sa malabo kong paningin then black out.

IMINULAT ko ang mata ko at bumungad sakin ang puro puting paligid. Bigla kong naalala yung nangyari kanina. Nahimatay ako at ito na nasa hospital na ako. Sana hindi pa alam ng asawa ko ang tungkol sa sakit ko please lord. Inilibot ko ang paningin ko para kumpirmahin kung nasa hospital talaga ako at nasa hospital nga. Ang hospital na kinaayawan ko dahil dito lagi akong umiiyak. Bumalik lahat ng alala ko ng nasa hospital pa ako. Ang pag iyak ko sa tuwing tinutusukan ako ng cyringe. Sa mga alalang yon gusto kong umiyak ng malakas n-nasasaktan ako.

Napaupo ako ng maayos at pinahid ang luha ko ng bumukas ang pinto. Pumasok doon ang asawa ko na galit at nalulungkot. Sana mali ang iniisip ko.

Napapikit ako ng sumigaw siya. "W-why didn't you tell me vriella?"

Wala akong pakealam kung pagalitan niya ako. Ayoko lang malaman niya na may sakit ako at para saan pa kung sasabihin ko na may sakit ako kung sa simula palang wala silang pake kung mamatay ako kaya bat ko pa sasabihin?

"S-sorry."Hingi kong paumanhin. Hindi ko alam bakit umiiyak ako dahil ba sa nalaman niya na may sakit ako? Nagulat ako ng lumapit siya sakin at hawakan ang kamay ko ngunit mas lalo akong nagulat ng may makita akong tumulong luha sa kanyang mata. Nasasaktan akong makita ang mahal ko na umiiyak ng dahil sa akin. Ba-bakit ka umiiyak mahal ko? Pwede bang pabayaan mo nalang akong mamatay? Ito rin naman hinihiling mo dati ang mawala ako kaya ito na, matutupad na pinapangarap nyong lahat.

"V-vriella, I want you to fight please. I'm sorry for everything, I'm sorry for hurting you. I'm so sorry."Umiiyak niyang sabi. Ang sakit mas masakit pa makita ang mahal mo na umiiyak kesa sa sarili kong mamatay na. Hinaplos ko ang pisngi ko ang pisngi niya kasabay ang pag sunod sunod na pagpatak ng luha ko.

"H-hindi mo naman kailangan humingi ng tawad mahal ko. H-hindi natin kontrolado ang mundo at i-ito ang nakatadhana sa buhay ko, S-sa buhay natin."Umiiyak kong sabi. Sunod sunod ang pag iling niya sa sinabi ko. Mas lalo akong nasasaktan sa ginagawa mo mahal ko. Sana kaya ko ring kunin ang sakit na nararamdaman mo. Lord ayoko pong nakikitang nasasaktan ang mahal ko wag niyo po siyang sasaktan.

"H-hayaan na natin ang buhay ko. W-wala na tayong magagawa doon. We need to stop this dahil ayokong makita kitang umiiyak. T-tsa ito ang h-hiling mo diba?."Umiiyak kong sabi at umiwas ng tingin. Masakit sabihin ang mga salitang iyon. Mahal ko sila pero siguro kailangan na naming tigilan ito lalo na't hindi niya naman ako mahal.

"H-hindi ko alam bakit ka umiiyak gayong hindi mo naman ako mahal. K-kaya itigil na natin to siguro hanggang dito nalang."Humihikbi kong sabi. Ang hirap sabihin ayokong itigil ito ngunit kailangan para hindi na siya mahirapan ayokong nasasaktan ang mahal ko ng dahil sa akin. Kung wala lang ang sakit kong ito ang sakit kong tumor na hindi ko aakalaing lala.

Napataingin ako sakanya ng hawakan niya ang pisngi ko. Malinaw kong nakikita ang pagluha niya at punong lungkof ang kanyang mga mata.

"P-please fight for me Vriella, I need you, I-i love you."

Her LifeUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum