KABANATA LABING-DALAWA

11.7K 155 5
                                    

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~­~~
KABANATA LABING DALAWA
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~­~~~

NAGBIHIS ako ng jeans at simpleng t-shirt. Kailangan kong umalis para mamili ng pagkain namin binigyan ako ng aking asawa ng pera para malapambili ako. Hindi niya ako masasamahan dahil busy siya sabi niya sakin. Masaya ako sa pagbabago ng asawa ko ngunit nalulungkot naman ako dahil sa kalagayan ko. Maraming tao ang gustong mabuhay siguro isa ako don ngunit hindi sa lahat ng pagkakataon ay mananatili ako sa tabi nila sapat na ang mga panahon na mabubuhay ako para iparamdam sakanila ang pagmamahal. Okay narin sa akin kahit na saktan nila ako dahil sakaling mawala ako hindi na silang mag a-abalang umiyak sa pagkawala ko. Napabuntong hininga nalang ako bago bumaba ng hagdanan pero agad din ako napahawak sa railings ng mahilo ako. Pansin ko rin ang pangangayat ko kahit na kumain ako wala ng nangyayari sa katawan ko. Mabilis narin ako makalimot ng mga bagay-bagay. Kahit na minsan ay makalimot ako ang puso ko ay mananatiling magmamahal sakanila. Nakababa na ako ng hagdanan. Umupo muna ako sa sofa baka mamaya pagnakapunta na akong market ay mahimatay ako mahirap na. Kinapa ko ang phone ko ng mag ring ito. Labis ang kaba ng nararamdaman ko ngunit kailangan ko itong sagutin.

"Thank god, you answered my call Ms. Hernandez."

"A-ano yun Doc?" Kinakabahan kong sabi. Base sa boses niya kinakabahan din siya. Ang kausap ko ngayon sa cellphone ay si Dr. Mendez siya ang Dr. ko simula bata ako. Dahil bata palang na-confine na ako sa hospital dahil sa aking sakit. Biglang rumehistro lahat nang ng yari sakin nong nasa hospital ako. Sa kwarto ko ay may katabi ako dating babae hindi ko alam kung nakaalis na siya doon matagal narin ang panahon na iyon. Siya ang kauna-unahan na naging kaibigan ko dahil simula ng bata ako walang may gustong makipagkaibigan sakin hanggang sa na hospital ako at nakilala ko siya. Nang panahon na kailangan ko ng lumabas dahil ayokong magtagal sa hospital kahit na hindi pa ako magaling pinilit ko parin k-kasi para sa pamilya ko gusto kong ipakita sakanila na mahal ko sila sakaling mamatay ako. Walang nakakaalam na may sakit ako except sa aking doctor. Noong una hindi ko tanggp na may sakit ako pero ng lumaki ako unti unti kong naintindihan ang lahat na lahat ng pangyayari o ginagawa natin ay may rason siguro nga kaya ako nagkasakit para mabigyan ng kapayapaan ang buhay ko na puro sakit ang idinulot ngunit hindi ako magsisi na minahal ko sila.

"Ms. Hernandez alam mo na siguro kung bakit ako tumawag?" Sabi niya. Oo alam ko ngunit ayokong pag usapanang tungkol sa sakit ko kaya pinapabayaan ko nalang ito kahit na masakit.

"Y-yes po, Doc." Nauutal kong sabi. Ipinikit ko ng mariin ang dalawa kong mata. Gustohin ko mang wag pakinggan ang sasabihin niya pero wala dahil diyos na ang nagbigay nito.

"M-ms. Hernandez your b-brain—"

Mabilis kong itinago ang phone ko ng bumukas ang pinto. Pumasok doon ang asawa ko na nagtatakang nakatingin sakin.

"A-are you okay?." Tanong niya. Pilit na ngiti ang ibinigay ko sakanya. Masaya ako dahil nag bago ang asawa ko kahit na hindi ko ramdam ang pagmamahal niya basta nararamdaman ko ang pagcacare niya sakin malaking bagay na iyon sakin.

"B-bakit k-ka pala m-maaga?" Nauutal kong tanong. Hindi ko ginustong mautal pero ang boses ko talaga ay mauutal na dahil sa aking sakit isa ito sa mga symptoms. Nahihirapan­ narin akong matulog sa gabi lalo na pagnagsusuka ako. Kita ko ang pag kunot-noo niya dahil sa aking itinanong pero nawala rin agad iyon.

"I cancelled all my apointment. Hindi kapa ba nakapamili?" Sabi ng aking asawa. Ang saya nararamdaman ko ang care niya sakin kahit papaano sana balang araw maramdaman ko rin ang pag-aaruga ng isang pamilya. Kahit sa huli kong hininga gusto kong maramdaman ang pag-aaruga ng isang magulang.

Napatingin ako sa asawa ko ng pinunasan niya ang pisngi ko. Nagulat ako dahil ito ang unang beses niyang ginawa sakin. "W-why are you crying?" Tanong niya na may halong pag aalala. Gusto kong maiyak dahil sa itinanong niya. Ito rin ang kaunaunahang beses na nakita niya akong umiyak.

"M-may naalala lang." Mahina kong sabi at yumuko ngunit agad din akong napaangat ng tingin ng hawakan niya ang aking panga at marahan itong iniaangat.

"S-sorry." Nabigla ako sa paghingi niya ng paumanhin kita ko ang lungkot ng mata niya halo halo itong emosyon hindi ko mawari kung ano ang nangingibabaw.

"O-okay lang." Sabi ko at yumuko. Nagulat ako ng hawakan niya ang aking kabilang kamay, Pinagsiklop niya ito at ngumit siya sakin. Unang beses na nginitian niya ako hindi ko makakalimutan ang araw na ito.

"Let's go, I'll come with you." Nakangiti niyang sabi. Nag-aalangan akong ngumiti sa kanyang sinabi dahil hindi parin ako makapaniwala na ginagawa ito ng aking asawa. Gusto ko pang mag tagal ang aming pagsasama pero hindi pwede dahil saking sakit. Tiningnan ko ang kamay naming magkahawak mas makita o maramdaman ko pa ito. Ayoko kayong iwan, ang sakit ng nararamdaman ko tuwing iniisip ko na mawawala na ako, na hindi ko na maipaparamdam sakanila na mahal ko sila pero sana may paraan pa para magamot ang sakit ko. Nag bago na ang isip ko gusto ko ng magpagaling ngunit p-pano?

"W-why did you stop? Is there something bothering you wife?"

Hindi ko alam tumingil na pala ako sa paglalakad tiningnan ko ang paligid nasa labas na kami ng bahay niya. Muli kong ibinalik ang tingin ko sa asawa ko na nagtatakang nakatingin sakin. Iniangat ko ang aking kamay para haplosin ang kanyang pisngi kasabay ang pagtulo ng aking luha. Mas masakit pa ang puso ko ngayon na nalaman ko ang kalagayan ko. Mas masakit ang nararamdaman ko na tuwing iisipin ko na mawawala ako maiiwan ko ang mga taong mahal/mahalaga sakin.

"H-hindi ako magsasawang mahalin ka a-aking m-mahal." Humihikbi kong sabi at tumungo. Ayokong makita niya akong umiiyak pero mukang walang silbi ang akong pagtungo ng itaas niya ang aking muka. Sumalubong sakin ang mata niyang puno ng lungkot. Nalulungkot na naman ang mahal ko dahil sakin.

Her LifeDonde viven las historias. Descúbrelo ahora