KABANATA-ANIM

9.8K 178 5
                                    

~~~~~~~~~~~~~
KABANATA ANIM
~~~~~~~~~~~~~~

NAGISING ako sa dahil sa sinag ng araw na tumama sa muka ko. Napatingin ako sa gilid ko ng may maramdaman akong tao na nakahilig ang ulo sa hospital bed. Akala ko ang asawa ko pero hindi si unknown guy pala. Ipinikit ko muna ang aking mata. Naalala ko ang nangyari kahapon. Hinimas ko ang bandang may sakit sakin may benda na doon. Mabuti nalang at buhay pa ako. Hindi pa ako handa para mawala gusto ko pang maiparamdam sakanila ang pagmamahal ko. Hanggang ngayon iniisip ko parin ngayon bakit ang laki ng galit sakin na mama at ni paa samantalang wala naman akong ginagawa. Naimulat ko ang mata ko ng gumalaw yung lalaki.

"Are you okay? Are you in hurt?" Tanong niya agad pagkaangat niya ng tingin. Gusto kong matawa sa sinabi niyang are you hurt? Kung alam mo lang lagi akong nasasaktan.

"Syempre okay ako." Nakangiti kong sabi kahit na ang puso ko ay iba ang sinisigaw. Ang puso ko na laging kasalungat sa bawat lumalabas sa bibig ko. Ang puso ko ay laging tama pero ang bibig ko ay puro kasinungalingan ang lumalabas.

"Don't lie to me Vre." Sabi niya at ginulo ang buhok ko. Gusto ko maramdaman ang saya ng nararamdaman niya. Hindi katulad ko na puro kalungkutan lang ang meroon sa buhay.

"I'm not lying, By the way ano sabi ng doctor?" Alinlangan kong tanong. Natatakot ako na baka kung ano ang sabihin ng doctor na hindi ko makayanan. Ngumiti naman siya sakin at ginulo muli ang buhok ko. Hilig niyang manggulo ng buhok.

"You just need to rest. Kumain ka muna hindi kapa kumakain." Sabi niya. Kukuhain niya na dapat ang pagkain na nasa side lang ng bed ng pigilan ko. Ayoko pang kumain hindi pa naman ako kumakain. Naalala ko bigla ang asawa ko. Tumayo na ako ng hospital bed hawak ang aking tagiliran ng sumakit ito. Kailangan kong umuwi magagalit sakin ang aking asawa.

"You need to rest pero gusto mo ng lumabas." Nag aalala niyang sabi at inalalayan ako pabalik sa higaan. Naalala ko siya ba ang nagdala sakin dito?

"Ikaw ba ang tumulong sakin?" Tanong ko ng makaupo na ako sa hospital bed. Umupo siya sa harapan ko at ngumiti sakin.

"Oo. Sakto kasing napadaan ako hindi ko akalain na nandon ka at ganon ang kalagayan mo. Ano ginagawa mo don?" Lintanya niya. Iniiwas ko ang tingin ko dahil sa tinanong niya.

"Wala. Gusto ko ng lumabas please." Pagmamakaawa­ ko. Kailangan ko ng lumabas. Baka hindi pa kumakain ang asawa ko.

"Hindi pa pwede." Sabi niya. Hindi talaga pwede na magpahinga pa ako dito habang yung asawa ko natratrabaho.

"Please unknown guy." Pagpupumilit ko. Kita ko ang pagkunot noo ng makinis niyang noo sa aking sinabi at bigla nalang natawa.

"Fine."Sabi niya at tumayo. Lalabas na sana siya ng roon ko ng tumingin siya sakin at ngumiti kaya nagtaka ako.

"My name is Warren Vargus, Vre." Sabi niya at lumabas. Napangiti ako sa sinabi niya ang ganda ng name niya, Warren.

~~~

Nakarating na ako sa mansion. Nakita kong bukas ang ilaw ng mansion. Wala na dito si Warren dahil sabi ko sakanya ihatid niya nalang ako sa labas ng Village. Nalulungkot ako dahil hindi manlang ako dinalaw ng aking asawa. Napabuntong hininga nalang ako bago pumasok ng bahay.Hindi ko pa nabubuksan ang pinto ng makarinig ako ng dalawang boses naglalambingan.

"I'm sorry and I love you." Rinig kong sabi ng babae. Alam ko ang boses na iyon yun ang pinakamamahal ng aking asawa. Kung hindi ako nagkalamali si Xena iyon.

"I love you too, my wife." Rinig kong sabi ng aking asawa. Tila nadurog muli ang aking puso sa sinabi ni Ry. Ang puso ko na dati pang durog pero ngayon mukang pinong pino na. Sana pala hindi ko nalang binuksan ang pinto hindi ko aakalain na ito ang sasalubong sakin. Dalawang tao na naghahalikan. Masakit­ sobrang sakit makita na bumalik na ang totoong mahal ng asawa ko. Ang asawa ko ngunit iba ang gusto niyang maging asawa yun ay ang kanyang kapuling nayon.

"S-sorry." Nakayuko kong sabi ng maramdaman ko na nakatingin sila sakin.

"Bakit ngayon kalang?" Malamig na sabi ng aking asawa. Katabi niya ang kanyang mahal. Gusto ko sanang tanungin kung okay lang ba ang nanay niya pero hindi ko magawang maitanong manlang.

"N-nagtr—Ahhh!" Nap­ahawak ako sa aking pisngi ng sampalin ako ng aking asawa. Nakita ko kung papaano pigilan ni Xena si Ry. Kita ko rin dito papaano huminahon ang aking asawa sa pagpapakalma ni Xena.

"You will sleep outside. Go out now." Malamig na sabi ng aking asawa. Hindi ko aakalain na sa unang labas ko sa hospital sa labas agad ako matutulog. Tumayo na ako para sana lumabas ng pinto ng marinig kong nagsalita si xena.

"Babe sana hindi mo siya sinampal." Mahinahong­ sabi ng kanyang mahal. Hindi na ako magtataka kung ganyan siya kamahal ng aking asawa dahil bukod pala sa maganda ito ay mabait din. Lumabas na ako ng gate ng makita ko si Selena. Nandito pala siya kahit na madilim kita kong siya si selena. Tatalikod na sana siya ng hawakan ko braso niya.

"W-wag kang umiyak." Sabi ko at pinunasan luha niya pero tinabig niya lang ito. Alam kung nasasaktan siya dahil ramdam kung mahal niya ang asawa ko. Tiningnan niya ako ng masama sa sinabi kong iyon.

"Ano bang paki mo?" Sigaw niya sakin. Kahit na tinatabig niya kamay ko pinunasan ko parin ito.

"Don't cry. Makakahanap ka ng lalaking para sayo." Nakangiti kong sabi. Nasasaktan din ako dahil sa nalaman ko ngunit ano magagawa ko? Hindi ko iyon katawan.

"Ikaw may kasalanan!" Sigaw niya. Napaupo ako sa semento ng tinulak niya ako at sinabunutan.

"T-tama na please." Pagmamakaawa­ ko. Tumigil naman siya at napaupo rin siya sa semento at doon siya umiyak. Naawa ako sakanya kanya kung pwede lang kuhain ko ang sakit na nararamdaman niya kukunin ko ito wag lang siyang masaktan. Niyakap ko nalang siya para kahit papaano maibsan ang sakit na nararamdaman niya.

"B-bakit ang bait mo kahit na sinasaktan kana?" Umiiyak niyang tanong. Kahit sarili ko hindi ko maintindihan basta ang alam ko lang ayokong may nakikita akong nasasaktan.

"Hindi ko alam." Sabi ko nalang at niyakap parin siya.

"S-sorry kung hindi ko kayang alisin sakit na nararamdaman mo." Sabi ko at pinunasan luha niyang pumapatak. Patuloy parin siyang umiiyak kahit na punasan ko luha niya.

"B-bakit ang bait-bait mo?" Tanong niya at kumakawala ang mga luha niya. Niyakap ko nalang siya muli. Naiingit ako kay selena marami png nagmamahal sakanya kaya dapat hindi siya masaktan ng ganito. Hindi tulad sakin wala.

My heart was made to be broken.

Her LifeWhere stories live. Discover now