KABANATA LABING-SIYAM

11.2K 131 0
                                    

~~~~~~~~~~~~~
DALAWAM-PUT
~~~~~~~~~~~~~





NApatingin ako sa mama ko ng magsalita siya. Simula ng kahapon napakaalaga nina mama at papa sakin. Sobrang saya ng ko dahil naranasan ko na kung papaano mag-alaga ng isang ina. Ngunit mas gugustuhin ko pang wag nila akong pansinin dahil masasaktan lang sila pag lumisan na ako. Buo na ang pamilya ko excited na ako sa paglabas ng baby ko. Baby excited na si mommy na makita ka. Ipaparamdam ko sayo ang pagmamahal ko.

"Anak kamusta ka? Okay kalang ba?"

"P-po?."Tanong ko muli. Nawawala ako sa wisyo sa kakaisip ko ng kung ano anong bago.

"Ang sabi ko, Okay kalang ba? Wala bang masakit sayo?"Nag aalala niyang tanong. Napakasaya sa pakiramdam kapag mahal ka ng taong mahal mo.

"Opo ma, Okay lang po ako."Nakangiti kong sabi. Umupo siya sa tabi ko at marahang hinimas ang mahaba kong buhok.

"Patawad sa mga nagawa namin anak. Hindi ko sinasadya na saktan ka. Sorry sa mga nagawa ko sa hindi ko manlang nagampanan ang pagiging ina ko sayo. Kung hindi sinabi sakin ni Ry ang tungkol sayo baka hindi pa ako matauhan sa mga ginagawa ko. Patawad anak."Humihikbing sabi ni mama. Hindi ko namamalayan na lumuluha na pala ako, Napakasarap pakinggan na mahal ka ng magulang mo. Hindi ko inaakala na sa puntong ito aabot kami sa ganitong buhay. Marahan kong hinaplos ang pisngi ni mama para punasan ang kanyang luha.

"W-wag ka pong umiyak, Ma. Okay lang po, Ma. Tsaka sinabi ni Ry?"Sabi ko. Marahan ding pinunasan ni mama ang pisngi ko dahil sa luha kong lumalandas.

"Oo anak, Sinabi niya sakin ang tungkol sayo. Humingi rin siya ng tawad samin ng papa mo, Hindi ko alam kung bakit."Sabi ni mama pero may pagtatanong. Ngumiti nalang ako kay mama ng sabihin niya iyon.

~~~~


"Hindi mo sinabi sakin na ikaw pala ang nagsabi kina mama at papa ang tungkol sa sakit ko."Nagtatampo kong sabi. Nasa rooftop kami ngayon nag s-star gazing ang ganda ng kalangitan napakaraming star. Nakaunan ako sa dibdib niya habang siya naman nakayapos ang kanyang mga braso sa aking bewang.

"Sorry, Gusto ko lang sanang bumawi sa lahat ng nagawa ko."Mahina niyang sabi. Nanahimik nalang ako ng sabihin niyang iyon. Ayong masanay na ganito kami lagi dahil ako/kami lang din ang nagbibigay sakit sa sarili namin.

"Hindi mo naman kailangan gawin yun."Nakangiti kong sabi. Napangiti siya ng sabihin ko iyon ngunit hindi parin maitatanggi ang lungkot ng kanyang mata. Kahit na ako nasasaktan dahil sa sitwasyon namin kung maari kulang pawiin ang sakit na nararamdaman namin gagawin ko para hindi na kami masaktan. Ngunit wala dahil ito ang nakatadhana samin.

"Mahal na mahal kita mahal ko."Nakangiti niyang sabi. Ibubuka ko palang sana ang bibig ko ng may biglang sumingit sa usapan namin.

"Tama ka-sweetan baka langgamin kami nito."Singit ni Ina. Bigla namag yumapos si Jb kay ina at ngumiti ng malawak.

"Naiinggit kaba inay? Gusto mo gayahin natin?."Nakangiting sabi ni Jb. Tinulak naman siya ni ina kaya napahiwalay ito sakanya. Kahit na kailan asaran lang ang alam nilang gawin sa isat isa sa tuwing nagkikita sila.

"Gawin mo mag isa mo! Panget!."Bulyaw niya dito. Ngumuso nalang si Jb at lumapit sa tabi ng asawa ko.

"Tss, I'm just asking."Cold na sabi ni Jb. Ito ayaw ko sakanya ang nagbabago ng mood niya. Nakita ko naman ang pagbago rin ng ekspresiyon ng muka ni Ina sa inasta ni Jb.

"S-sorry."Paumanhin niya habang nakayuko. Nagmuka tuloy kaming nanonood ng live-romance dahil sa kanilang dalawa. Magkaharap kami ng asawa ko at nasa magkabilang gilid naman sila.

Her LifeWhere stories live. Discover now