KABANATA-TATLO

10.1K 176 3
                                    

~~~~~~~~~~~~~~
KABANATA TATLO
~~~~~~~~~~~~~~

NANDITO ako ngayon sa kwarto ko ikinulong ako ni mama dito dahil daw sa nakakawalang gana ang pagmumuka ko. Alam ko sa tuwing nakikita nya ako, nag-iinit ang ulo nya, gusto nya akong ipatapon sa kung saan pero ayaw nyang gawin dahil gusto nya na makita akong naghihirap, hindi ko alam kung ano bang masama ang ginawa ko sa pamilya ko para ganto ang itrato nila sa'kin, gusto ko lang naman maging masaya kasama sila pero bakit ganto nalang pagkamuhi na natatanggap ko?

"Napakawalang kwenta mo talaga!" Sigaw ni mama. Napahawak ako sa kamay ni mama na nakasabunot sa buhok ko. Kung hindi si Mama ang mananakit, si Papa naman, para akong punching bag na pinagpapasahan nila na sa tuwing wala silang magawa ibubuntong nila ang galit nila sa'kin.

"M-ma, tama na po." Pagmamakawa ko dahil ang sakit ng anit ko sa kakasabunot ni mama sakin.

"Napakawalang kwenta mo talaga! Nagawa mo pang manglandi huh?!" Sigaw muli ni mama at dinala ako sa may pool area. Naiiyak ako habang nakatingin sa pool sana hindi tama ang hinala ko please lord!.

"A-achhh t-tulong." Naiiyak kong sabi at pilit na umahon sa pool. Pilit kong lumangoy kahit na hindi ko kaya. Hindi ako marunong lumangoy.

"Mamatay ka hayop ka! Wala kang utang na loob!" Rinig kong sigaw ni mama bago niya ako iwan.

Napabalikwas ako ng bangon ng hindi ako makahinga. Napatingin ako sa katawan ko ng basang basa ako. Tumingin naman ako sa asawa ko na nakatayo sa gilid ng bed ko masamang tingin ang pinukol niya sakin. Yung masama na nga yung panaginip ko, sinasaktan na nga ako sa panaginip ko pati ba naman sa realidad ganun rin? Wala ba talaga akong karapatan sumaya?

"Fix yourself, Dad wants to see you." Malamig niyang sabi bago ako iwan. Napanaginipan ko na naman ang araw nayon yung muntik na akong malunod. Hindi ako marunong lumangoy kaya simula nong muntik akong malunod nagkapobya na ako sa mga beach o sa pool dahil takot akong malunod. Kinuha ko ang cellphone na nasa maliit na table sa uluhan ko. Alas syete na ang haba pala ng tulog ko. Tumayo na ako at dumiretso sa banyo para maligo.

Natapos na akong maligo. Nakasuot ako ng floral dress na off-shoulder at flat shoes. Hindi na ako nag make up dahil gusto ko maging simple ayokong mag mukang clown ang muka ko ng dahil sa make-up. Tsaka kahit naman na mag-ayos ako ganun parin naman tingin nila sa'kin, maduming tao, wala parin magkakagusto sa'kin kahit na ilang paligo pa ang gawin ko, kahit ilang ayos pa ang gawin ko.

"Faster Vriella!" Rinig kong sigaw ng asawa ko. Nagmadali akong lumabas sa kwarto at baka iwan niya ako. Inis niya akong tiningnan pagkababa ko.

"S-sorry." Hingi kong paumanhin kahit na hindi niya ako pansinin. Wala na akong nagawa kundi ang sumunod nalang sakanya sakanyang sasakyan.

Nag bya-byahe na kami ngayon papunta sa mansion nila. Nakaka awkward ang tahimik sa pagitan namin. Walang imik tanging aircon lng ng sasakyan ang naririnig namin at ugong ng sasakyan. Kahit papaano naging masaya ang ang buhay ko dahil nakilala ko si Ry kahit na hindi o wala siyang pakealam sakin atleast kahit papaano nararamdaman niya ang pagmamahal ko. Ramdam niya nga ba? Baka naging manhid narin siya dahil sa sakit na naidulot ko sakanya. Kung sana namuhay nalang akong payapa siguro hindi ako makakaramdam ng sakit pero gaya ng sabi ko wala akong pakealam kahit na masaktan ako basta ako ang magiging protector ng pamilya hanggang nabubuhay ako. Walang pwedeng manakit sakanila ganon ko sila kamahal.

"We're here." Malamig na boses ang nagpabalik sakin sa reyalidad ganon ba kalalim ang iniisip ko at hindi ko na namamalayan na nandito na pala kami?. Bumaba na ako ng sasakyan at baka pagalitan na naman ako ng aking pinakamamahal na asawa. Nauna siyang pumasok sakin na akala mo ay wala siyang kasama. Alam ng dad ng asawa ko na hindi ako mahal ni Ry yun lang ang alam niya hindi niya alam na sinasaktan ako nito. Naawa siya sakin at humingi siya ng tawad sa ginawa niya. Ang sinabi ko lang sakanya ay 'okay lang basta maiparamdam ko sakanya na mahal ko siya' masaya siya dahil ang swerte daw ng asawa ko sakin dahil nagkaroon siya ng asawang mapagmahal. Ako maswerte ba? Oo maswerte din ako kahit papaano dahil bukod kina mama may minamahal akong iba.

Her LifeWhere stories live. Discover now