EPILOGUE

13.4K 143 16
                                    

~~~~~~~~
EPILOGUE
~~~~~~~~






[Play the song before I let you go]






8 Months had passed~~


Walong buwan na ang nakakalipas. Napakaba­lis ng pahanon. Parang kahapon lang nagsasaya pa kami pero ito ako ngayon nakahiga. Marami narin ang mga nakakabit sakin ng kung ano ano. Masyado na akong nahihirapan ang sakit ng mga katawan ko ang ulo ko naka bonet na ako. Ang payat ko sobra parang malnourish na bata. Ang laki na ng tiyan ko isang buwan nalang lalabas na ang anak ko. Ngunit hindi ko na kaya pagod na ako. Gusto ko ng magpahinga.

"Wife magpakatatag ka, Lalabas na si baby, Laban lang tayo, okay? Kaya natin 'to mahal ko, malalagpasan natin 'to, naniniwala ako sayo." Malambing sabi ng aking asawa. Napapikit nalang ako ng marahan niyang haplusin ang tummy ko. Gusto kong umiyak sa sakit para sa asawa ko. Hindi ganon kadali ang mag alaga sakin masyado na siyang pagod sa trabaho ngunit pagpunta niya dito aalagaan niya ako.


"M-mahal t-tingin mo sino ang magiging kamuka niya." Nakangiti kong sabi. Habang marahan kong hinahaplos ang aking umbok na tiyan. Napangiti ako sa aking iniisip sana maging kambal ang anak ko. Ngunit nalulungkot ako sa tuwing iniisip ko na hindi ko manlang masisilayan ang baby namin hanggang sa paglaki niya. Gusto kong nasa tabi niya lang ako palagi kung kailangan niya ng tulong. Ako ang dadamay sakanya.

"I want our baby to be look like you wife."Nakangiti niyang sabi. Hindi pa namin nalalaman ang gender ng baby namin dahil gusto kong surprise kaya hindi ako nagpapatingin kung ano ang gender ng anak ko.

"M-masaya akong nagkaroon ng asawang kagaya mo, M-mahal ko." Nakangiti kong sabi. Wala dito ang mga mgulang namin dahil nasa kompanya ito nagkaproblema daw. Si Ina naman gusto ko siyang makita ngunit bawal. Nagpapachemo siya ngayon.Sana gumaling na si ina para hindi niya na maranasan ang paghihirap sa tuwing dadaan siya sa chemotheraphy.

"And I'm beyond greatful to have you my wife." Nakangiti niyang sabi. Kahit na walong buwan na ang nakakalipas hindi parin ako nagsasawang makita ang mga ngiti niya. Napaka suwerte ko at nagkaroon ako ng asawang katulad niya. Nagsimula kami sa sa awayan na hindi ko aakalain na aabot sa ganito ang buhay namin.

"Life is unconditional, M-maha­l. Hindi natin inaakalang magiging ganito ang buhay natin pagkatapos ng mga masasakit na araw." Nakangiti kong sabi. Ang buhay ko ay napaka unconditional kung kailan naging masaya kami tsaka lang nangyari ang buhay kong ito. Napaka komplikado ng sitwasyon namin dahil kahit na anong oras pwede akong mamatay.

"Tama ka wife. S-sinong mag-aakala na a-abot tayo sa ganitong sitwasyon. Hindi ko inaakala na ang kinamumuhian ko dati ay ang minamahal ko ngayon ng lubusan." Nakangiti niyang sabi. Napangiti rin ako ng marinig ko sinabi niyang iyon. Napakasarap pakinggan na minahal niya ako ng lubusan.

"I lo— Arghhhh! Ahhhh!"­Sigaw ko ng makaramdam ako ng sakit sa bandang tiyan ko. Parang may kung ano sa tiyan ko ang sakit. Parang binibiak ito.

"W-wife anong masakit sayo? Damn."Hindi ko na masyadong marinig ang sinasabi ng asawa ko dahil sa sakit ng tiyan ko dumagdag pa ang pagsakit ng ulo ko. Hindi ko na mapigilan at napaiyak ako.

Ryker's POINT OF VIEW

Damn it! Nagmadali akong tumawag ng mga Doctor at Nurse. Masyado akong nag aalala ngayon para sa asawa ko. Baka kung ano ang mangyari sakanya.

Mabilis na tumakbo ang mga doctor papunta sa room ng asawa ko. Inilabas nila ito at nakita ko ang asawa kong namimilipit sa sakit. Kung maari ko lang tanggalin ang sakit na nararamdaman niya ngayon gagawin ko mismo.

Her LifeWhere stories live. Discover now