PROLOGUS

2.3K 113 6
                                    

She's nyctophobic. 

Little Oriana had always been afraid of the dark. Bukod diyan, wala na akong ibang alam sa kanya. Sabihin na nating kaya kong maramdaman ang takot na nararamdaman niya kada sumasapit ang gabi o dumidilim ang paligid pero hindi ko kayang makita ang mundo sa mga mata niya.

Which, in turn, frustrated me.

Para lang akong nakakulong sa isang sulok ng utak niya, naghihintay ng tamang pagkakataon.

"Mommy, I'll be fine. Big girl na po ako."

Hindi ko makakalimutan ang araw na 'yon. Ang araw na ginustong bumukod ni Oriana ng kwarto. From inside her head, naririnig ko ang encouragement at pagpapakalma niya sa sarili.

'Kaya ko 'to. I can't let my fears get the best of me.'

Napangisi ako. Does she really think that getting over her fear of the dark would be that easy? Ibang klase rin ang batang 'to. Mapanlinlang. She's trying to act so fucking brave even though I can feel her terrified self at the very core of her being.

Isang pagsara ng pinto ang narinig ko.

"Kaya mo 'to, Oriana... It's not like something's gonna emerge from the dark."

Naririnig ko ang pagkikipag-debate niya sa sarili. She was pondering whether to turn off the lights or not. Napahalakhak ako. She's really amusing. Akala ba niya maitatago niya ang takot niya sa'kin? Living inside her mind for thirteen years only led me to one conclusion: Oriana is a pretentious little brat playing the role of the main character.

If you wanna turn off the lights, then do it.

Do it.

Pero bago pa man niya ito magawa, she heard harsh winds and monstrous sound of thunder outside her room's window. Napuno ng takot ang utak niya at kamuntikan pa akong malunod dahil dito. "The fuck?!" Naririnig ko ang pag-iyak niya. Naririndi na ako. Her breathing's becoming a little bad too.

Umaatake na naman ang kondisyon niya. The lights must've gone off with that storm.

"A-Ayoko na... P-Please, help me! Anyone...?"

A devious smile curled on my lips.

This little girl is now desprate to grasp to anyone for comfort. Sino ba naman ako para tumanggi? After being cooped up in her messy thoughts, I finally gained a chance to materialize in front of her. Alam kong naramdaman din niya ang pagtugon ko sa tawag niya. Oriana tried to concentrate and the next thing I knew, I was being pulled out of her.

At sa kauna-unahang pagkakataon, naimulat ko ang sarili kong mga mata.

Ang una kong nakita ay ang umiiyak na batang babae sa harapan ko. She was hyperventilating at magulo ang hitsura niya. Nang kumidlat sa labas, nakita ko nang mabuti ang mukha ni Oriana.

And she saw me too.

Napasinghap siya nang makita niya ako. "S-Sino ka? Y-You're just a product of my imagination, right?" Nanginginig na sabi niya. Napangiti ako nang makita kong na-divert ang takot niya sa kuryosidad nang hawakan ko ang kamay niya.

"What if I am?"

I saw the hesitation and confusion in her eyes. Nang titigan niyang mabuti ang mga mata ko, she finally calmed herself. It was like she understood what was happening even though I know that she can't. I doubt anyone can understand the bond Oriana and I have. Nanginginig niyang ipinatong ang kabila niyang kamay sa pagkakahawak ko sa kanya.

The dark no longer lingering in her thoughts.

She's finally facing her fears.

"T-Thank you. Whoever you are, i-ipangako mong hindi ka aalis, ha? You see, I-I'm scared of the dark---"

"I know."

Kumunot ang noo niya. I move a little closer and sat beside her on the bed. "Would it help if I stayed by your side?"

Inilibot niya ang mga mata sa madilim na silid at pilit na itinago sa'kin ang luhang namumuo sa mga mata niya. She took in a deep breath and turned to me. Marahan siyang tumango.

"Y-Yes, please."

Napangiti ako. This little girl is naive enough to entrust herself to a stranger. How amusing.

I stayed by her side all night long hanggang sa makatulog siya. Tinitigan ko ang maamo at inosente niyang mukha. Tears dried on her cheeks and for an instance, I knew that she had been fighting to compose herself in front of me. Napapailing na lang ako.

At least she's getting by her fears.

Humiga ako sa tabi niya. Tumitig sa kanya.

"Hindi mo na kailangang matakot sa dilim. I will always lurk in the dark just to keep you safe from harm, Oriana... As I am a part of you, I will never leave you."

At iyon ang araw na nabuhay ako mula sa imahinasyon niya. Ang nag-iisa niyang kaibigan sa dilim. When she opened her eyes the next morning, agad siyang nagtungo sa isang madilim na sulok ng kwarto niya dahil alam niyang doon niya ako mahahanap.

She will always find me in the darkest places, waiting for her.

"May pangalan ka ba?"

"Wala."

Oriana reached out and took my hand. An ownership I am more than willing to acknowledge.

"From now on, your name is Sebastian."

---

✔ Killer in the AtticTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon