[2] DUO

1.4K 73 2
                                    

Tandang-tanda ko pa rin ang araw na iniwan niya ako.

It's the only vivid memory I have of her now, and I cling on to it as if my life depended on that memory. Simply because I don't want to forget Oriana's face.

Paminsan-minsan, may mga taong papasok dito. Tuwing bumubukas ang pinto, iniisip kong si Oriana na ang naroon para balikan ako... But I've already been disappointed so many times that I have already lost count of them. Madalas ang lola niya lang ang pumupunta rito sa attic, may kinukuhang mga gamit sa tambak ng mga kahong maalikabok.

One time, the old woman stopped in her tracks and roamed her eyes around the old room. Kung nararamdaman man niya ang presensya ko o sadyang may hinahanap lang siya, hindi ko na alam.

Si Oriana lang naman ang nakakakita sa'kin.

When she was thirteen, Oriana's parents suddenly entered her room. That time, we were in the middle of playing chess so she panicked. What will you tell your parents if they see a man inside your room at 11:00 PM? Pero noong tinanong siya ng "anak, bakit ka naglalaro ng chess mag-isa?" she then understood why I was so calm about the situation.

I am born from her imagination, so only she can see me.

Napabuntong-hininga na naman ako. Tanging kaluskos ng mga daga ang naririnig ko bukod sa malakas na pagbuhos ng ulan sa labas. Tumayo ako mula sa sulok at inilibot ang paningin sa silid. Walang ilaw rito sa loob at nakatambak ang mga pinaglumaang gamit ng pamilya nila. I moved towards the old window that smelled of rust and watched the rain trace the outer glass.

Agad na pumasok sa isipan ko ang gabing binuhay ako ng imahinasyon ni Oriana.

Ngayong wala ako sa tabi niya, natatakot pa rin kaya siya sa dilim?

Iniisip ko pa lang na umiiyak siya't nanginginig sa takot, hindi na naman ako mapakali. Hanggang kailan ba kasi ako rito? Sana man lang sinabi niya.

Dumako ang mga mata ko sa pinto. Nangako ako sa sarili kong hindi ko susuwayin ang kagustuhan niya dahil ayokong magalit na naman siya sa'kin.

Pero sa ngayon, mas nananaig ang kagustuhan kong makita siyang muli. Soon, I found myself silently walking over the wooden floorboards, across the room. Marahan kong binuksan ang pinto at pinakinggan ang paligid.

Nakarinig ako ng mga boses.

Dali-dali akong nagkubli sa mga anino at hinanap ang pinanggagalingan ng mga boses. Oriana... I need to find her. I need to see her again. I fear that the longer we're apart, the more terrible her phobia becomes. Kaya't labag man sa kalooban kong suwayin ang bilin niya, I stepped out of the attic's threshold.

Maya-maya pa, nahanap ko ang daan papunta sa kusina ng bahay. Naglakad ako sa madilim at tahimik na pasilyo hanggang sa makarating ako sa may pintuan.

Maliit lang ang kusina. Isang mesang pabilog, ilang mga upuan at mga gamit pangkusina lang ang nandito. Mayroong mga naka-display na antigong gamit at mangilan-ngilang larawan na nakasabit sa kahoy na dingding. Nang makita kong mabuti kung sinu-sino ang tatlong tao na nag-uusap-usap, nakilala ko agad sila base sa kanilang boses.

When I was still inside Oriana's head, tanging mga boses lang ang naririnig ko sa buhay niya. At the very least, I can now match the voices to their faces.

"La, kailan daw uuwi dito sina Tito Philip?"

Bumaling ang pinsan ni Oriana sa lola nila.

"Sa Biyernes daw. Naku, ang tagal na nilang hindi nagbabakasyon dito! Puro kasi trabaho silang mag-asawa..."

Biglang nag-angat ng tingin ang isang lalaki, sa pagkakatanda ko, nakatatandang kapatid siya ng batang naunang nagtanong.

"Kasama po ba daw si Ate Oriana? Tagal ko na rin 'di nakikita 'yon."

Napangiti ako nang marinig ko ang pangalan niya. I liked Oriana's name.

"Oo nga po... Sabi niya noong isang taon, dito sila magpa-Pasko."

Napahinto sa pagkain ang lola nila at marahang umiling. "Hindi ko alam apo, eh.. Sabi niya busy raw siya. Hay! Magmula noong mag-kolehiyo siya, nawalan na siya ng rason na bumalik dito."

Napasimangot ako. Nawalan ng rason? Hindi ko alam kung matatawa o maiinis ako sa mga sinabi nila.

Hindi ba ako sapat na rason para bumalik siya?

Napasimangot rin ang lalaking apo. "Lola, 'di ba bumabalik na naman ang phobia niya? Baka kailangan niya ng tulong. Nawala ang takot niya sa dilim dati noong nandito siya sa'tin, 'di ba?"

Bumalik ang phobia niya.

Tahimik na sumagot ang matanda, "Matagal ko nang sinasabi sa kanya 'yan.. Ang kaso, ayaw na raw niyang bumalik dito."

Doon na ako natigilan. Why? She needs me! Bumabalik na naman ang takot niya sa dilim at wala ako sa tabi niya para tulungan siyang labanan ito. I remember the first time she asked for my help at ang pinangako ko sa kanyang hindi ko siya iiwan. Ang pangako kong lagi ko siyang babantayan mula sa mga anino.

Ngayong kailangan niya ulit ako, wala na akong planong iwan siya.

Kahit kailan.

She's just in denial. She needs me, I know it!

Suddenly, an idea came to mind. Napangisi ako. "Bibigyan kita ng rason para bumalik dito, Oriana."

---

✔ Killer in the AtticWhere stories live. Discover now