[17] SEPTENDECIM

919 40 3
                                    

By dawn, I silently slipped into Oriana's bed. Sinigurado kong wala siyang makikitang kahit anong bahid ng dugo sa katawan ko. I can still hear her even breathing pero noong akala kong mapapanatag na ako, bigla na lang siyang nagsalita.

"Saan ka naman galing?"

Shit. Kanina pa kaya gising ang isang 'to? Hindi ko ipinahalatang nagulat ako sa tanong niya. Surely, I can't tell her that I've massacred a whole family with that awesome chainsaw that is now covered in their blood. Baka hindi na talaga ako patawarin ni Oriana kapag nalaman niya ang ginawa ko.

"Nagpahangin lang ako. Why, did you miss me?"

Sa dilim, naaninag ko ang pagtalim ng tingin niya sa'kin. I knew she was growing suspicious of my actions. "Nagpahangin? I doubt that you need that. And no, I didn't miss you."

At tumalikod na siya ng higa.

Hindi ko alam kung matatawa o masasaktan ako sa pagsusungit niya. She has always been like this, even as a thirteen-year-old girl. Hindi niya maiwasang maging maldita, lalo na kung naiistorbo ang pagtulog niya. She's a ray of sunshine, but only when she gets enough sleep at night.

I guess some things will never change.

Niyakap ko na lang siya mula sa likuran. I felt her tense under my embrace, but that's the least of my worries now.

*

When the sun finally appeared in the horizon, agad na binulabog ng masamang balita ang bahay. Ang isa sa mga tiyahin niya, ninenerbyos na ikinuwento ang tsismis ng kapitbahay.

"Kanina raw sa police station, may nakita silang braso! Puro dugo raw tapos may itim na ribbon pa!"

Black ribbon? Ibang klase rin ang trip minsan ni Alec. A madman who cares for the aesthetics.

Halos masuka ang mga taong kumakain pa lang ng almusal sa narinig. Oriana forced herself to swallow her food, gulat siyang napabaling sa kamag-anak na hinihimas na ang mga braso sa pangingilabot. "T-Talaga? May patayan na naman?"

Sinulyapan niya ako at inakusahan ng tingin. I just shrugged. Wala naman talaga akong kinalaman sa patayan na 'yan. Doon sa massacre pwede pa.

"Oo! Naku, diyos ko po... Lumalala na talaga ang panahon ngayon! Mas nagiging mapanganib na sa Eastwood! Dati noong panahon namin---"

Hindi ko na pinakinggan ang mahaba nitong litanya ng kasaysayan. Her aunt's damn history lessons can't even help save the earth. Nang matapos ang mainit nilang diskusyon sa balita, sinundan ko si Oriana na nagtungo sa hardin sa likod ng bahay.

Again, she asked me.

"Wala ka talagang kinalaman doon? Be honest."

Napasimangot ako. "Wala. Inosente ako diyan." Well, I did kill several people last night but I didn't kill that one.

We finally reached the garden.

There, I saw a man talking to someone on the phone. Nilapitan siya ni Oriana nang ibinaba na nito ang telepono. "Kuya, narinig mo na ba 'yong balita?"

Kuya?

I studied his face. Oriana's brother is tall and had a built body. Magulo ang itim nitang buhok. He had this scar that ran from his left cheek down to his chin. Matalim din ang mga mata nito. He almost looked intimidating. Almost.

"Yup. Tinawag na sa'kin ng mga kasamahan ko. I better check that out, pati yung nangyaring massacre kaninang madaling-araw."

"M-Massacre?" Parang nanghina pa lalo si Oriana sa narinig.

Oops.

I slowly stepped away so she won't suspect a thing about my involvement.

I'm guilty, yes. But I don't feel remorse for what I did. Why? I am not human.

"Oo. I need to go, see you later."

Pero bago pa man ito makaalis, pinasadahan niya ng tingin ang paligid. His dark eyes then stayed in my direction for a moment longer, na para bang nakikita niya ako. Matagal siyang nakatitig sa akin. Hindi ko mabasa ang iniisip niya. Ilang sandali pa, may binunot siyang baril at itinapat ito sa gawi ko.

"K-Kuya?!"

BANG!

Dumaplis sa'kin ang bala ng baril at natamaan ang isang ibon sa 'di kalayuan. My eyes widened in shock at what this man did.

Fuck! Was that just a coincidence?

Lumingon siya kay Oriana na halatang natakot sa ginawa ng kanyang kapatid. "Wala pala. Anyway, I gotta go." And with a swift motion, he went off with his still smoking gun.

Nagkatinginan lang kami ni Oriana. "A-Are you okay?"

Tumango ako. Hindi ko pa nga pala nasasabi sa kanyang hindi naman ako mapapatay ng baril o anumang likha ng tao. Lumingon muli ako sa direksyong tinahak ng kuya ni Oriana.

Sino ba talaga siya?

---

✔ Killer in the AtticOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz