[1] UNUM

1.9K 93 7
                                    

Sebastian.

'Yan ang pangalan na ibinigay niya sa'kin. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o maiinis dahil ipinangalan niya ako sa patay niyang aso. Since then, Oriana had been accustomed to dark places dahil alam niyang doon ko siya laging binabantayan. Every time she'd approach me, aayain niya akong makipaglaro sa kanya.

"Sebastian! Tara, laro tayo."

Hindi ko kayang tumanggi sa kanya. Bukod sa alam kong pipilitin din naman niya ako hanggang sa pumayag ako, I couldn't help but live by the fact that I no longer reside inside her head. For so long, I have been a part of her mind. Now that I'm out in the real world, I know that I only live for her existence. Hindi ko na maaalis sa sarili ko 'yon.

"What are we gonna play, little girl?"

We sat across from each other on her room's floor. Napasimangot siya sa sinabi ko, "Don't call me that!"

I smirked. "Call you what, little girl?"

Oriana puffed her cheeks in frustration. Natawa ako sa hitsura niya. Ganito pala siya mainis.

"Don't call me 'little girl', you bastard! I'm already thirteen!"

Lumapit ako sa kanya at hinaplos ang pisngi niya. She froze on the spot. Kita ko ang kaba sa mga mata niya at ang pamumula ng pisngi niya. She's really entertaining. Bumulong ako, "You don't look thirteen to me." Agad siyang nakabawi at marahas na kinabig ang kamay ko sa mukha niya.

"Hmph! Ewan ko sa'yo, kadiri!"

Napahagalpak na ako ng tawa sa iritasyon niya habang inaayos niya ang chessboard sa gitna namin. Inilibot ko ang mga mata ko sa silid at napansin ang pagtakip ng mga kurtina sa bintana niya. Nang makita ni Oriana na nakatitig ako sa gawi nito, marahan siyang nagpaliwanag, "Napansin ko kasi na ayaw mo sa liwanag... So I decided to pull down the curtains."

Ngayon, ako naman ang napatitig sa kanya.

"Aren't you afraid of the dark?"

Nahihiya siyang tumango. Bahagyang natakpan ng buhok niya ang kanyang mukha, "Not anymore."

"Why?"

She met my eyes. "Because you're here."

Napangiti ako. Siguro nga, tama lang na tumugon ako sa tawag niya noong gabing 'yon. Tama lang nandito ako't binabantayan ko siya mula sa dilim. As long as I am here, she will no longer have to be terrified of darkness. I will live to keep her fears away.

Iyon ang ipinangako ko sa sarili ko.

Pero lumipas ang mga araw, napapansin kong balisa lagi si Oriana kapag nakikipaglaro na siya sa'kin. She looks like she's upset about something kaya hindi ko maiwasang usisain kung ano ang bumabagabag sa kanya.

"Is something wrong?"

Umiling siya. She forced a smile and said that she's just tired, but I knew better. Nagsisinungaling siya at hindi ko gusto 'yon. Just the mere thought of Oriana lying to me and hiding what she feels is making me angry. Hindi ba niya maintindihan na wala na ako sa loob ng utak niya kaya hindi ko na maramdaman ang mga nararamdaman niya? Na hindi ko na malalaman ang mga iniisip niya?

Hindi ko maintindihan ang sarili ko at wala akong balak intindihin ang lahat. Hindi sa ngayon.

Namalayan ko na lang nakamasid na ako sa kanila mula sa bintana ng kwarto niya. Oriana and her playmates were having a game of hide-and-seek when a boy, about her age, suddenly pushed her out of her hiding spot. Nawalan siya ng balanse at napaupo sa lupa. Tumalim ang mga mata ko sa nakikita ko. The boy laughed at Oriana's terrified face. Naiiyak na siya. Fuck!

✔ Killer in the AtticWhere stories live. Discover now