[29] UNDETRIGINTA

843 36 0
                                    

Oriana glared at me.

Napakamot ako ng ulo. Mukhang hindi niya palalagpasin ang nangyari. I can't charm my way out with this one. Iginiya ko siya papasok ng attic at binuksan ang ilaw. I felt her relax with the lights on. She sat on the old chair (kahit na gusto ko siyang sawayin dahil baka magwala si Alec) and roamed her eyes around the room before settling on mine.

"Explain."

Napabuntong-hininga ako. "Alec's staying here for a while."

"Sinong Alec?"

"The hottest serial killer in town! Oh, c'mon? 'Di mo 'ko kilala?" Biglang sabat ng lalaking nakasandal sa may doorframe. Sinamaan ko siya ng tingin. Mabuti na lang at hindi siya naririnig ni Oriana.

"He's a... friend. A product of someone's imagination too."

Oriana blinked. "Lalaki ang kaibigan mo?"

"Aba, oo naman! Ano bang gusto mong ipahiwatig, ah?! Halikan kita diyan, eh!" Pag-ta-tantrums ng kasama ko. Nasaktan yata ang ego niya sa tanong.

Hindi ko na lang siya pinansin at binalingan ko na lang si Oriana. "Yeah."

"Bakit siya nandito? He should be with whoever imagined him, right?" Nagpalinga-linga pa siya sa silid na para bang hinahanap si Alec.

I shrugged. "It's complicated."

Syempre, hindi ko rin naman pwedeng sabihin na tinutulungan ko siyang hanapin at patayin ang lumikha sa kanya para maging tao siya. Baka mahimatay pa si Oriana kapag nalaman niya ang impormasyon na 'yon. This girl actually has a tendency to faint during certain occasions.

Nakita ko siyang huminga nang malalim. "Fine. Just as long as he doesn't bother anyone."

"Honey, I don't bother people, I kill them." Naningkit ang mga mata ko nang tumabi si Alec kay Oriana.

He then kissed her cheek na naging dahilan kung bakit ko halos kaladkarin papalayo si Oriana roon. Naguguluhan niya akong tiningnan habang nakahawak siya sa parteng hinalikan ni Alec.

Yup. She felt it.

"Si Alec ang---?"

"Oo." I cut her off at hinila na siya palabas ng attic. Narinig ko ang mapang-asar na tawa ni Alec sa likod kaya marahas kong ibinagsak pasara ang pinto. I led Oriana back to her room. "If you don't want another pervert attempting to get his hands into your pants, I advise you to stay away from the attic. He's a lunatic."

She rolled her eyes at me. "Noted. Your friend sounds awful, by the way."

*

It was midnight.

Dinala namin ang limang lalaki sa gitna ng covered court ng paaralan. Nakagapos ang mga kamay at paa nila ng lubid habang ang bibig naman nila ay may nakatapal na packing tape. Nang magising sila, Alec motioned me to grab the container of gasoline.

He was wearing that ridiculous white mask again along with his other get-up. Ang ipinagkaiba nga lang, mayroon rin siyang suot na top hat at kapa, like a magician who was about to present his final act.

Well, in a way, this is his final act.

And he's making sure his creator will notice this.

"Ladies and gentlemen!"

The spotlights were on them. Naguguluhan at natatarantang tumingin kay Alec ang limang lalaki na pawang hindi makakilos. Alec waved his hand and spoke in his irritating voice, "For my final magic act, I will make these motherfuckers..."

Iminuwestra niya ang isang kamay sa mga bihag namin.

"...disappear without a trace."

Naririnig ko ang pagkaaliw sa tono ng boses niya. Kung tao lang ako, kanina pa ako kinilabutan sa lalaking 'to. I watched with amusement as Alec opened the small container of gasoline. Ipinaligo niya ito sa katawan ng mga biktima namin. Tumawa siya nang mala-demonyo at tumigil sa ginagawa.

He put a hand to his ear. "Ano 'yon? Ah! Sabi ng audience, kulang pa raw. Well, my assistant can take care of that."

Ngumisi ako at inilapit ang malaking drum ng gasolina sa kanya. Nanlaki ang mga mata 'nong mga lalaki at sumilay na rin ang takot sa kanilang mga mukha. Alec clapped his hands twice. Kumuha siya ng tabo at ibinuhos sa kanila ang gasoline.

They tried to break free from the ties but it was no use.

Basang-basa na sila ng gasolina.

"How boring, Alec. Is that all you've got?" Pang-aasar ko kasi... Wala. Gusto ko lang. Makaganti man lang.

From underneath his mask, I saw his heterochromatic eyes flashed with annoyance. "Fuck you, Sebastian."

"Sure, later."

Natawa ako nang puro mura na ang lumabas sa bibig niya. Sunod, tinanggal niya isa-isa ang nakaharang sa bibig ng mga biktima na naging dahilan ng pagsusumigaw nila. Tinatamad akong pakinggan ang mga sinasabi nila.

I just lazily watched Alec cover them with a huge black cloth.

Kinuha niya ang sulo na may design na bungo---totoong bungo---at sinilaban sila. I watched the flames dance in the darkness.

Alec laughed evilly, "HAHAHAHA! ABRA-KADABRA!"

Maya-maya pa, bloodcurling screams filled the air. A spectacle of embers in the middle of the court. The victims helplessly wailed in pain until they can no longer do so. Terrified screams vanished. Nilanghap ko ang hangin na ngayon ay amoy nang sunog na laman. Lechon? Nah. It smelled much more delicious.

"BURN! BURN, BABY, BURN! HAHAHAHAHAHAHA!"

Napapailing na lang ako. Ang bibo talaga ng kasama ko. Sarap ihampas ng ulo niya sa pader.

Alec and I watched the burning bodies like little kids waiting by the chimney for Santa.

Hindi ko alam kung gaano katagal namin pinagmasdan ang apoy.

Namalayan ko na lang ang paglapit ni Alec sa camera habang ipinapakita ang nangyayari. "See? They disappeared."

Mas lumapit pa siya sa camera. His voice now dangerously low... "I know you're watching this. How about we meet up? I've been dying to have a reunion with you. Meet me at midnight on the thirteenth. You know where. I'll be waiting!"

I stopped the video and handed him the camera. Tinanggal ni Alec ang maskara niya at ngumisi sa'kin. Dumako ang mga mata ko sa apoy na patuloy pa ring nilalamon ang mga bangkay.

"So, how was it?"

"Decent. But on the thirteenth? That's---"

"Two days from now. I know."

---

✔ Killer in the AtticWhere stories live. Discover now