[32] TRIGINTA DUO

766 41 0
                                    

When I regained consciousness, I was back in the attic.

Pakiramdam ko nanghihina pa rin ako. Nang inilibot ko ang mga mata ko, I noticed Alec wasn't here. Baka naghanap na naman ng mapapatay? Naalala ko na naman ang video na kinuhanan namin kahapon. Akala ko ba huli na niya 'yon? Kung hindi ako nagkakamali, bukas ng gabi sila magkikita ng tao niya.

Sa wakas, matatapos na rin ang lahat ng 'to.

"Rise and shine, Sebby."

Lumingon ako sa pinanggalingan ng boses. It was Vela, sitting on the worn-out chair like a queen. Humakbang siya papalapit sa akin with that alluring smile. Kumunot ang noo ko. "Niligtas mo na naman ba ako?"

Her smile turned into a playful one. "You could say that."

Tumango ako.

"Salamat."

Instantly, I felt her lips again. Vela started kissinge me. Napapikit na lang ako lalo na noong ipinasok niya ang kanyang dila sa bibig ko. Sino ako para tumanggi? I kissed her back with equal passion and pushed her up against the wall. Napaungol siya sa ginawa ko. Nang maghiwalay ang mga labi namin, bumulong siya, "I told you... You should've just killed that girl."

That broke the spell she had on me.

Nanlaki ang mga mata ko sa gulat. Para bang nabuhusan ako ng malamig na tubig sa sinabi niya. Shit.

"What's wrong?" She mused.

Sumimangot si Vela nang humakbang ako papalayo sa kanya. Nang tingnan ko ang bintana, doon ko lang napagtantong gabi na. Kauwi na ba si Oriana? Damn it. Gustuhin ko mang mawalan ng pakialam sa kanya, hindi ko magawa. Fuck everything.

Iniwan ko si Vela sa attic at mabilis kong tinahak ang pasilyong papunta sa silid niya.

She wasn't there.

Bigla akong nakaramdam ng kaba. Hindi niya ugaling lumabas ng kwarto niya nang ganitong oras. Agad kong inilibot ang buong bahay pero mukhang pati ang lola niya, walang kamalay-malay sa kung nasaan siya. Nakaupo lang ang matanda sa sala at paminsan-minsang dumadako ang mga mata niya sa orasan.

"Tangina. Nasaan na naman kaya siya?" Frustration drove me out of the house.

Sunod kong pinuntahan ang madilim na bakuran. Pero nabigo na naman ako nang hindi ko siya nakita roon. Nag-aalala na ako.

Where the heck could that girl be?!

Just then, I heard footsteps from behind me. Akala ko si Oriana, pero nang maaninag ko ang mukha, it was just her brother.

Apollo was catching his breath. Inilibot niya sa paligid ang kanyang mga mata pero ilang sandali pa, napamura siya na para bang wala roon ang hinahanap niya. I'm guessing he's searching for his sister too. Nagsimula na akong maglakad papalayo sa kanya. I still have bad vibes about this guy. Kung kailangan kong halughugin ang buong Eastwood, gagawin ko. I'll find Oriana myself.

Nakita kong may tinawagan si Apollo. I was about to ignore him when his voice echoed through the stillness of the night..

"Dad... H-Hindi ko mahanap si Oriana... Kanina pa siya nawawala... Opo. But... I-I think I know what's happening. Hahanapin ko siya. I'll do whatever it takes."

He knows what's happening?

Nagtama ang mga mata namin ni Apollo. And now, I'm pretty sure he can see me. Nakita ko ang determinasyon sa mukha niya nang ibaba niya ang telepono. Humakbang siya papalapit sa akin but I stood my ground. Hindi ko na gusto ang mga nangyayari rito.

"You're Sebastian, right?"

Itinago ko ang pagkabigla ko. So he knows my name, too?

"At your service, scar face."

Napabuntong-hininga siya. "Help me rescue my sister."

Kumunot ang noo ko. Hindi ko maintindihan ang sinabi niya. Akala ko ba nawawala si Oriana? Paanong---oh, shit...

Shit. Shit. Shit!

Apollo nodded at nakita ko ang pagkuyom ng mga kamao niya. That only confirmed my realization.

"Alec kidnapped her."

---

✔ Killer in the AtticWhere stories live. Discover now