[22] VIGINTI DUO

821 45 1
                                    

Sebastian and Alec made their way back into the attic.

Iniingatan nilang walang mabunggo na kahit na sino, lalo't ngayon pa lang humuhupa ang mga tao sa bahay. Nailibing na kanina ang pinsan ni Oriana and her relatives were just wasting all their dramas and tears downstairs. Ang ilan sa kanila umuwi na. Tuwing naiisip ni Sebastian na bukas na ang uwi nila Oriana pabalik ng Maynila (at na hanggang ngayon, hindi pa rin siya nito kinakausap), hindi niya maiwasang kabahan.

'Ano bang plano ni Oriana sa'kin? Kasama ba ako sa mga plano niya?'

When they finally reached the dusty old attic, agad na naupo si Alec sa lumang silya na kasing-tanda na yata ng lola ni Oriana. Alec smiled and leaned his head back.

"Not like my throne back at the warehouse, but this would do."

Pero hindi na nakikinig sa kanya si Sebastian. His dark eyes narrowed when he realized it was still raining hard outside. Agad siyang tumalikod sa kasama.

"I need to find Oriana. Baka natatakot na naman siya sa dilim."

Sa mga salitang ito, napasimangot si Alec. Hindi pa rin niya maintindihan kung bakit hindi na lang nito patayin ang dalaga para makalaya na siya sa pagiging isang imahinasyon.

"Time is ticking, Sebastian. No use denying it. If you don't kill her now, one day, she'll kill you."

Natawa si Sebastian. "Don't be ridiculous."

"Want a bet?"

Walang emosyong nilingon niya ang lalaking nakaupo. His eyes were glaring at him with so much intensity that it can actually burn the attic at any moment.

"Hindi gagawin ni Oriana ang bagay na 'yan, at mas lalong hindi ko siya sasaktan. Huwag mo kaming igaya sa kapalaran mo." Mababakas ang pagkaseryoso sa boses ni Sebastian.

When it came to Oriana, he was more than serious. He's dead serious.

Napapailing na lang si Alec. "Suit yourself."

*

I went straight to Oriana's bedroom. Hindi ko na rin nakakayang makasama si Alec sa iisang silid. Nababaliw na talaga ang isang 'yon. Whoever his shitty human is, he better notice the crimes Alec is doing and meet him. That way, Alec could finally be human and never bother me again.

Mas nagiging makasalanan lang ako nang dahil sa kanya.

"Oriana?"

Wala siya rito.

Napabuntong-hininga na lang ako at naupo sa gilid ng kama niya. Nakakalat pa rin ang mga gamit niya sa sahig. A few magazines and some books. Napangiti ako. She's always like this. Sweet and messy. Sinimulan ko nang ligpitin ang gamit niya. Maingat kong sinalansan sa bookshelf ang mga libro at magazine. Halfway through cleaning, whilst I was folding her bedsheets, may napansin pa akong libro na nakaipit sa ilalim ng unan niya.

Agad kong kinuha at binasa ang titulo.

Sana pala hindi ko na lang 'yon ginawa.

I blinked my eyes for a few times pero hindi nga ako nagkakamali. Hindi nagbabago ang mga letra. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong isipin sa pamagat ng librong ito.

"Paranormal Series: How to Cast Away an Evil Spirit?"

Evil spirit?

Mapait akong ngumiti. Is she referring to me? Am I an evil spirit for her?

Naalala ko tuloy ang kasasabi lang sa'kin ni Alec. Ayokong maniwala. Maybe this is all some twisted mistake. Yeah. Hindi naman siguro ako gustong paalisin ni Oriana sa buhay niya, 'di ba? Kailangan niya ako... or that was what I have assumed since she was thirteen.

I shook my head vigorously. This is bullshit.

Pero nang inangat ko ang unan niya, mas marami pa akong nakitang ebidensya.

There were several more books. Puro tungkol sa pagpapaalis ng masamang elemento slash unwanted spirit slash bad omen. Gusto ko sanang pilitin ang sarili ko na maniwalang para sa iba 'to... ang kaso nang basahin ko ang pinakahuling page sa journal niya, siya na mismo ang nagsabing sana hindi na lang niya ako binuhay.

Kampon daw ako ng kasamaan.

Pagak akong natawa sa naiisip. Tangina, kailan pa ako naging masama sa paningin niya?

And just like that, I feel my heart breaking into a million little pieces. Mali ba 'tong nararamdaman ko? Siguro nga kalokohan lang ang lahat ng 'to. Kalokohan lang ako.

I have been her mistake from the very beginning.

Pero kahit na anong sakit ang nararamdaman ko ngayon---sa hindi ko maipaliwanag na dahilan---mas pinili kong ibalik sa dati nilang pwesto ang mga libro. I closed her journal and covered it again with her pillow. I'll just act like I haven't seen anything.

Just like how I act like she never left me for six years in that cold and empty attic.

---

✔ Killer in the AtticWhere stories live. Discover now