[36] TRIGINTA SEX

881 41 0
                                    

"Oriana?!"

The moment I removed the blindfold off one of her copies, agad na natunaw ang mukha ng dalaga at naging kulay puti ang katawan nito.

Wrong again.

It then attacked me. Mabilis akong umilag sa matatalim nitong mga kuko at itinapat sa kanya ang machine gun. Nakabibingi ang nilikhang ingay ng baril kasabay ng sunud-sunod na pagbaon ng mga bala sa katawan ng halimaw. When I sensed more coming, I turned around and gave them a taste of the massive weapon I was holding.

When I turned around...

"Shit!

Sumugod ang ibang mga nilalang at sinubukan akong patumbahin. Tumalon ako sa ere at pinaulanan sila ng mga bala hanggang bumagsak silang lahat. Dumaloy ang masangsang at itim na likido mula sa mga butas nila sa katawan.

I ran towards the other Oriana figures, but whenever I attempted a rescue, agad na natutunaw ang mukha ni Oriana at nagiging halimaw na umaatake sa'kin. Tumakbo ako papalayo sa kanila. Nang nagkumpulan na ang mga halimaw sa likuran ko, dalian akong kumuha ng mga patalim at ibinato sa direksyon nila.

WHACK!

Several blades embedded in their heads.

Pero hindi pa man ako nakakabawi, mayroon na namang mga tumatakbo papunta sa akin mula sa kaliwa. I tensed and gripped the machine gun in anger. Mukhang mahihirapan ako sa larong ito.

"HAHAHAHAHAHA! ARE YOU HAVING FUN, APOLLO?"

Alec's laughter echoed throughout the still air. Masakit sa tainga at nararamdaman ko ang pagtaas ng balahibo ni Apollo dahil dito. Apollo's body is terrified of his own imagination and that is not a good sign.

Lumipas ang ilang minuto at hindi ko pa rin nahahanap ang tunay na Oriana.

Hingal na hingal na ako. Nararamdaman ko ang pagtagaktak ng pawis sa noo ko. This is what I hate about having a human body. It has its limitations.

"ORIANA?!"

Pero alam kong kahit anong tawag ko, hindi siya makakasagot. Tangina, paano na 'to? Paano ko naman malalaman kung sino ang totoo sa dinami-rami ng kamukha niya?!

Nang nagkamali na naman ako, agad na dumamba sa akin ang nilalang at mabilis na ibinaba ang matatalas niyang kuko. I blocked it off with my arm and regretted it instantly. Marahas kong binalibag ang halimaw na naging dahilan para matumba ang ibang nasa likuran niya.

Napahawak ako sa dumudugo kong braso.

The cut when deep into the muscles and blood trickled down from my arm. Napatitig ako sa dugo Masakit pala talagang masugatan.

And the weird thing is, Apollo's body seems to have a negative reaction with the wound. Ano bang nangyayari sa katawan na 'to?

I tried to catch my breath and calmed myself in the midst of terror. How can I save my human now? Napatitig ako sa ibang mga kamukha ni Oriana. Tahimik lang silang nakagapos sa mga monobloc at ni hindi man lang sila makapagsalita. Frustrated, I heaved out a sigh. Kung may pagkakataon lang talaga ako, papatayin ko na lang si Alec para matapos na 'to.

'Stop being stupid, Sebastian!'

Apollo?

'Oriana is your human, right? You are a fucking part of her. Siguro naman mararamdaman mo ang koneksyon mo sa kanya.'

Even if I'm in your body?

'Even if you take any form, you dumbass. I hate to admit it, pero mas kilala mo si Oriana kaysa sa akin.'

Napangiti ako.

Nanghihina akong tumayo at kinuha ang dalawang Swiss Army knives sa bag. Iwinasiwas ko ito sa ere bago ako tumakbo papasugod sa mga halimaw. I slit open their throats and wiped the blood off the blades. I then roamed my eyes around Oriana's copies and forced myself to concentrate.

I struggled to feel that link. The connection between us. All her life, I've been stuck with her. Kung iisipin kong mabuti, posible ngang makilala ko siya sa gitna ng larong ito.

My eyes momentarily stayed on the girl at the farthest corner.

Kung titingnan mo, walang espesyal sa kanya. She looks just like the others. But somehow, my guts are telling me that she's the real one.

I noticed her subtle trembles, as if being blindfolded affected her. Or maybe it was the darkness of the forest?

'She's nyctophobic,' I realized. 'Of course!'

Lihim akong napangiti at pinasalamatan si Apollo. Nagsimula akong tumakbo papunta sa kanya. Using the knives, I slashed the other Oriana copies' heads off. Agad na natunaw ang kanilang mga balat-kayo at naging puti.

The other white monsters were nearing me again. Sinubukan nila akong huliin pero nagawa kong makakawala sa hawak nila. Puro galos at sugat na ang katawan ni Apollo, pero hindi ko ito ininda. Pinasabugan ko ulit sila ng mga granada hanggang sa makarating ako sa pwesto ni Oriana.

Pagod na pagod na ang katawan na ito pero pinilit ko pa ring abutin ang nakatakip sa mata at bibig niya. And when our eyes met, nakita ko ang labis na tuwa at pagkamangha nang makita ako. I smiled at the sight of her. "K-KUYA!"

Oo nga pala. I'm still in her brother's body.

I hurriedly cut the ropes off her wrists and helped her to stand up. Agad niya akong niyakap at bumulong sa tainga ko. Her voice was barely above a whisper. "I know it's you, Sebastian." Natigilan ako.

She...can recognize me?

Napayakap na rin ako sa kanya. I know it's a bad timing, but this might be the only chance I get. Kung paano niya nalamang ako ito, I guess I will never know. Baka ramdam din niya ang koneksyon namin.

Nakarinig kami ng mahinang pagpalakpak mula sa likuran namin.

We spun around and saw Alec smirking at us. He had this wild look in his eyes.

"Well done! But this isn't over yet... I still need that body." Dumilim ang mukha niya at sa isang iglap, tumama ang katawan ko sa puno at naramdaman ko ang pagkirot ng kalamnan ko.

Screw these human weaknesses! Maya-maya pa, nakaangkla na ang kamay ni Alec sa leeg ko. I gasped desperately for air but he only tightened his grip on me. Nakasalubong ang mga mata namin. His heterochromatic eyes held that same mischief he always had whenever he's gone insane.

"So, what do you say we finish this off peacefully... Just give me that body, and I won't kill Oriana in front of you, Apollo... or should I call you, Sebastian?"

Shit. Sinubukan kong magpumiglas sa higpit ng sakal sa'kin ni Alec pero para bang tuluyan na akong naubusan ng lakas. My eyes then darted to where Oriana was. Hawak siya ni Vela at bumakas sa kanyang maamong mukha ang takot at pag-aalala. I can even see tears in those coffee brown eyes illuminated by the moonlight.

Napapikit ako. I feel so fucking pathetic.

Ano nang gagawin natin, Apollo?

'You know what to do. Pinag-usapan na natin 'to, Sebastian.'

I smiled bitterly. Kakayanin mo bang kalabanin si Alec? You're scared of him, right?

'I'm more scared of the fact that my sister won't get a chance to live her remaining life. Hindi kayo dapat nadamay sa gulo namin ni Alec. It's about time we settle this.'

Pero---

'Shut up and just give me my body back. When worse comes to worst, you know what to do.'

Napasigaw ako sa sakit nang naramdaman kong may pwersang tumutulak sa'kin papalabas ng katawan ni Apollo. His soul was taking over. Namanhid ang katawan ko at hindi ko na maramdaman ang mga sugat na natamo ko kanina. In a split second, I was separated from his body.

---

✔ Killer in the AtticWhere stories live. Discover now