[10] DECIM

1.2K 52 3
                                    

Saturday.

Oriana decided to fetch some items at the grocery store. Habang namimili siya, nakabuntot lang ako sa kanya. Tuwing magtatama ang mga mata namin, nababakas ko ang iritasyon sa kanya.

"Why can't you just stay at home?"

"I like watching you."

"Well, why can't you be farther away?"

"I like being near you."

Napasimangot siya. "Sebastian, mas malala ka pa sa anino ko! Sunod ka nang sunod!"

"Shhh. At this rate, you'll be admitted into an asylum." I smiled innocently at her. Nakita kong naguluhan siya sa sinabi ko kung kaya't tinuro ko ang mga taong nasa paligid niya.

They were staring at Oriana like she grew another head.

Realization finally hit her, namula siya sa hiya. Wala akong nagawa kung hindi tumawa. Kung alam lang sana ng babaeng 'to kung gaano siya nakakaaliw. After that incident, she proceeded with her shopping list habang ako naman ay palinga-linga sa paligid. Ang daming tao, at medyo naiirita na naman ako.

Maybe my irritation towards human beings originated from the fact that they hurt Oriana, but another part of me just naturally dislikes them. Minsan kasi, sila pa ang mas dapat katakutan kaysa sa kung anumang mayroon sa dilim. Phobias are unnecessary fears compared to mankind's wickedness.

At least phobias can be treated.

Nang papunta na kami sa cashier---gustuhin ko mang itulak ang grocery cart niya, ang kaso magmumukha itong minumulto kapag ginawa ko 'yon---I noticed someone watching us behind the shelves. Nang tingnan ko itong mabuti, nakita ko ang puting maskarang nakaharap sa direksyon ko.

Following my every move.

The hell? And I thought I was creepy.

Iniwan ko muna si Oriana at hinabol ang bultong papalayo na. Ang mga nababangga niya ay wala nang nagawa dahil sa bilis nito. I managed to pick up the pace and chase him down the streets. Napadpad kami sa wet and dry market at nakita kong tumawid ito ng kalsada. I stopped in my tracks when I stepped on something. As I picked the object up, namalayan kong isa pala itong patalim.

A dagger to be exact.

Kuminang ito sa liwanag at nang tingnan kong muli ang direksyong tinahak ng lalaki, I saw him standing on the other side of the road.

Nakatayo lang siya roon at nakatingin sa akin. If I were human, I'd feel a chill run down my spine at this very moment. May mali sa kanya. Nakakabagabag. Nakakabahala.

When a bus passed by, just like that, he vanished in thin air, like he never existed at all.

Humigpit ang hawak ko sa dagger but as I studied its lovely blade, I saw peculiar engraving on it.

IN FLAGRANTE DELICTO

Nice.

*

Nang makabalik na ako sa grocery store, nakita kong may kausap si Oriana sa cellphone niya. I'm not into eavesdropping pero dahil wala rin naman akong ibang magawa, pinakinggan ko na rin ang one-sided nilang pag-uusap.

"Oo na! Ugh. Honestly, you can't boss me around like this, I'm not a kid anymore... Yeah, I'll be there tonight... Bye."

Para siyang naiirita sa kausap. Hindi ko maintindihan kung bakit naga-aksaya pa siya ng panahong kausapin ito kung naiirita lang din naman siya sa kung sinumang nasa kabilang linya. When she saw me, Oriana immediately glared like the flames of the Underworld suddenly resurfaced.

"At saan ka naman nanggaling?"

Lumapad ang ngiti sa labi ko. Is that concern lacing her sweet little voice?

"Just did some window shopping. I never expected you cared enough to wait for me, but thanks. Sino yung kausap mo?"

Napabuntong-hininga siya nang magsimula na kaming maglakad pabalik sa apartment. "My worthless brother. He's in town at pinapauwi niya ako kina lola."

"May kapatid ka pala?"

"Kuya ko."

Mula noon, hindi ko naisip na may nakatatandang kapatid pala si Oriana. Ang buong akala ko, nag-iisa siyang anak. She never told me about her sibling before, and now I'm wondering why. Nabasa siguro niya sa mukha ko ang labis na pagtataka kaya't sinagot na lang niya ang tanong.

"He's been studying in Manila for as long as I can remember and we're not in good terms."

Mukhang ayaw na niyang pag-usapan kaya hindi na rin ako nagtanong. Patuloy akong nagpapalinga-linga sa paligid. I can't be too sure if he's hiding in the shadows or what. Marahan kong kinapa ang dagger na nakatago sa pantalon ko. Hindi pa rin maalis sa isip ko ang ibig sabihin ng mga salitang 'yon.

It made no sense.

Because if I'm not mistaken, it's a Latin phrase that means "In the act of committing a crime".

---

✔ Killer in the AtticWo Geschichten leben. Entdecke jetzt