[4] QUATTOUR

1.2K 64 0
                                    

Hindi ako nabigo.

Makalipas ang dalawang araw, nagsipuntahan na rito lahat ng nga kamag-anak ni Oriana para makiramay. Pinapakinggan ko sila mula rito sa taas. Kinikilala ko ang mga boses nila. As time passed by, I grew bored because all they did was cry and ask questions about the boy's death.

Questions that not even the Eastwood Police can answer.

Sa pagkakarinig ko, ang hinala raw ng awtoridad ay may drug addict na pumasok sa bahay at pinagtripan si Richard. Hindi raw makatao ang ginawang pagpatay sa kanya, hindi raw pagnanakaw ang motibo dahil wala namang nawalang gamit, mabait na bata si Richard kaya imposibleng may nakaaway siya, blah blah blah. Nawalan na ako ng interes na makinig sa usapan nila.

Where is she?

Baka naman kulang pa ang ginawa ko.

Dumungaw ako sa bintana at pinagmasdan ang chainsaw sa bakuran ng kapitbahay. An idea came to mind. Kung i-massacre ko kaya lahat ng nandito sa lamay, pupunta na kaya siya?

Napangiti ako.

But before I could even plan a way to get that tempting chainsaw, narinig ko ang pagparada ng isang sasakyan at ang boses na nakapagpatigil sa'kin.

"C-Condolences po, tita."

I felt myself grin like an idiot. I can recognize that voice no matter how many years I rot in this attic. Sa wakas, nandito na ulit siya! She finally came back for me.

Naupo ako sa isang sulok at naghintay. I know she would barge into the attic's door any moment now...

Any moment now.

*

Hindi ko alam kung gaano ako katagal nakatunganga sa kawalan. Dumilim na ang paligid at nagsilabasan ang mga bituin sa langit. Tanging ilaw mula sa poste sa labas ang nagbibigay ng kaunting liwanag dito sa tambakan. A few rats came into view and pitied me. The dusty old boxes stood still and stared back.

Where the heck is she?

Maya-maya pa, nakarinig ako ng ingay.

Bumukas ang pinto at kahit hindi pa man pumapasok ang taong naglakas-loob para pumunta rito, nakilala ko na agad ang pamilyar na presensya niya. In the darkness, I felt her ragged breaths and heard the erratic beats of her heart. Mukhang malapit na siyang mag-hyperventilate. She fumbled for the light switch, pero bago pa man niya ito makapa, agad kong hinawakan ang kamay niya.

"It's no use. Hindi gumagana ang ilaw rito."

Napasinghap siya nang marinig ang boses ko. I can barely see her shocked expression pero sapat na ang init ng braso niya para mahigit ko siya at yakapin nang mahigpit. Nang maramdaman ko ang katawan niya sa'kin, napabuntong-hininga ako. Holding her feels like heaven, even though I have no idea what it's like to be there. She feels like home.

"S-Sebastian..."

Nanginginig siya, siguro dahil sa lamig.

I inhaled her sweet scent and kissed her forehead.

"Shh... Don't be afraid, I'm here. You can relax now, Oriana."

Pero naguluhan ako nang itinulak niya ako palayo sa kanya. She forcefully removed my arms around her.

"GET AWAY FROM ME!"

To say I was perplexed by her actions was an understatement. Kumunot ang noo ko sa kakaiba niyang ikinikilos. I even ignored that fact that her voice raised a pitch higher.

"Oriana--?"

"Noong narinig ko ang balita, I knew it was you... YOU FUCKING KILLED MY COUSIN!"

Natahimik ako sa sinabi niya. Alam ko namang alam niya kung bakit ko 'yon ginawa. Hindi ko alam kung ano ang itutugon ko sa kanya. Galit ba na naman siya sa'kin? Iiwan ba na naman niya ako dito bilang parusa? Gaano katagal ulit? Iniisip ko pa lang na ilang taon na naman siyang mawawala, pakiramdam ko hindi ko na kakayanin.

As I've said before, I live for her.

I exist only because of her.

Sa gitna ng kadiliman, naririnig ako ang paghikbi niya. Maybe it's her phobia again? It is quite dark here. Pero nang akmang lalapit na ako sa kanya, narinig ko siyang nagsalita sa isang nanginginig na boses.

"A-Ayoko na sa'yo, Sebastian... Hindi ko na alam ang gagawin ko. Hindi ko alam kung paano ka pawawalain. Just stay away from me and my family!"

After that, she ran away.

Napasimangot ako.

---

✔ Killer in the AtticWhere stories live. Discover now