EPILOGUS

1.3K 101 11
                                    

'You are not a killer, Sebastian.'

Hanggang ngayon, parang naririnig ko pa rin ang boses niya. Ngunit habang tumatagal, parang lumalayo na ito. Naglalaho na para bang guni-guni ko lang ang lahat. It was as if everything that had happened was just product of her twisted imagination.

Huminga ako nang malalim ngunit natigilan ako nang mapagtanto kong wala nga palang hangin sa lugar na ito.

I roamed my eyes around, only to meet the endless pit of darkness engulfing the place. Mapait akong napangiti. Matapos akong patayin ni Oriana, ang buong akala ko ay tuluyan na akong maglalaho.

But it turns out, I was just forced back inside her mind.

Tulad ng dati.

Parang bumalik lang ako sa simula.

Then again, her face is still freshly imprinted on my mind. Her eyes were of the richest brown I have ever laid my gaze on. Her touch is as delicate as her heart, and I knew for a fact that it will never be the same again. Because I remember her. Every single detail of my human. I've seen her, like a prisoner who saw the first ray of sunshine after serving his sentence in darkness.

Pero siguro nga, lahat ng bagay ay may hangganan.

At hindi talaga itinakdang hawakan ko ang kamay niya sa kadiliman. Even though I really want to hold her hand in the dark again...

"I miss her already."

Naupo ako sa pinakasulok ng kanyang utak. Ngunit 'di tulad ng dati, hindi ko na naririnig ang mga gumugulo sa isipan niya. Wala akong marinig. May nangyari ba? Napailing ako sa naiisip. Baka ganito talaga kapag pinatay ka ng lumikha sa'yo. Mawawalan na kayo ng koneksyon sa kahit anong paraan.

And I guess, I can consider this as my afterlife.

What happens after this? Nothing.

I pulled my knees towards me and rested my head against them. I'll spend the rest of my existence here, but I wouldn't want it any other way. I'd rather be stuck here than see her suffering. At sa dinami-rami na rin ng naging kasalanan ko sa kanya, mula sa pagsaway ko ng mga utos niya hanggang sa pagpatay ko sa mga kamag-anak niya, ngayon lang lumabas sa mga bibig ko ang mga salitang hindi ko kailanman inaakalang masasabi ko...

"I'm sorry."

Pero syempre, hindi na niya maririnig ito.

Kung hindi ko siguro pinatay noon si Jonathan, hindi siguro hahantong sa ganito ang lahat.

Maybe I really am just a killer.

"Sebastian?"

Pagak akong natawa. Bakit parang naririnig ko pa rin siya? Tangina naman.

Pero nang mag-angat ako ng tingin, kamuntikan na talagang lumaglag ang panga ko nang makita ko ang imahe ni Oriana na papalapit sa akin. She was in a white hospital gown and her long hair was a mess. Though, when our eyes met, I saw the familiar warmth in those coffee brown eyes.

Ngumiti siya sa akin.

Nagha-hallucinate rin ba ang mga imahinasyon?

"O-Oriana? Imposible. P-Paano ka napunta rito?" Hindi pa rin ako makapaniwala sa nakikita ko. How the fuck could this girl be inside her own head?! At paano naman niya ako nahanap?

Iisipin ko na sanang tuluyan na rin akong nawala sa katinuan, katulad ng nangyari kay Alec, pero nang abutin ni Oriana ang kamay ko... alam kong totoo ito. Hindi pa rin nawawala ang ngiti sa mga labi ni Oriana at para bang paiyak na rin siya.

"It's been a year since you vanished, Sebastian... At sa isang taon na 'yon, hindi ko nagawang mabuhay nang normal, even though I should be fighting for my life against cancer." Lumandas na ang mga luha sa mukha niya, "H-Hindi ko alam kung paano, pero naramdaman kong nandito ka. I felt that somehow, somewhere, deep inside me... You're still alive."

"But how... how did you get here?"

She avoided eye contact. "To make the long story short, on your death anniversary, minaneho ko ang sasakyan ni Daddy. I sped up and crashed into a sixteen-wheeler---"

Oh, shit.

"NABABALIW KA NA BA?!" I can't believe her! Kailan pa siya naaliw sa ideya ng pagpapakamatay?! Why would she do something so reckless?

Pero marahan lang siyang umiling. "I'm now three months in coma... because I refuse to wake up."

Hinigpitan niya ang pagkakahawak sa kamay ko. Hindi ko alam kung matutuwa ako o hindi sa mga sinabi niya. Pero nang titigan kong maigi ang mga mata ni Oriana, wala akong nakitang bahid ng pasisisi. Lihim akong napangiti. Nangyari na eh, ano pa nga bang magagawa ko?

"You're insane, little girl."

"Insanity is contagious at this point, I guess."

Binitiwan niya ang kamay ko at nanghihinang naupo sa aking tabi. Oriana still had that genuine smile on her lips. As if she was finally free from everything holding her back before.

"Bakit?"

There are so many questions running inside my head, but on top of all that, I wanted to know why she did this. Bakit mas pinili niyang talikuran buhay niya? Bakit niya pinipiling iwan ang pamilya niya? Bakit siya nandito ngayon sa tabi ko? Pero natigil ang pag-iisip ko nang maramdaman ko ang mga labi niya sa aking pisngi.

Her soft lips left a warm feeling in its wake. Something I have longed for.

"Sa pagkakataong ito, hindi na kita iiwan, Sebastian."

My eyes widened as I stared at her in disbelief. Nakaramdam ako ng labis na saya. I forced myself to not smile like an idiot, pero hindi ko magawa. Nakakagago. Hindi ako nagsakripisyo para lang sundan niya ako rito, but in the end, it was never my decision in the first place. She made her choice. Napabuntong-hininga na lang ako at pinagmasdan ang walang-hanggang kadiliman sa harapan namin.

"Are you sure about that? We'll spend the rest of the eternity sitting here, staring at the darkness. In the void inside your own head. There's nothing else to do."

Naramdam kong hinilig ni Oriana ang kanyang ulo sa balikat ko.

She gently took my hand and intertwined our fingers.

"That's just perfect."

At hindi na namin kailangan pang magsalita. Wala na rin kailangan pang sabihin. Magkasama kaming nakamasid sa kawalan, magkahawak-kamay. The emptiness no longer haunted me. The darkness no longer bothered her.

She is no longer nyctophobic.

At magpagsawalang-hanggan, magkasama na kami.

It's like being in that old attic again.

Only better.

*

"O-ORIANA! ANAK!"

Humagulgol ng iyak ang kanyang ina nang ideklara na ng doktor na hindi na magigising pa ang dalaga. Sinubukan siyang pakalmahin ng kanyang asawa, ngunit maging siya ay wala na ring lakas. Ngayon, parehong anak na ang nawala sa kanila.

Inside the Eastwood General Hospital, the white walls were already suffocating them. Sumilay ang unang sikat ng araw mula sa bintana ng silid, pero kulang na ito para pawalain ang nararamdamang sakit ng mag-asawa.

Pero nang titigan nilang maigi ang mukha ng kanilang anak...

They saw that Oriana was smiling.

And by then, they knew that their daughter is already in peace and that she is now happy...

Wherever she is.

THE END.

✔ Killer in the AtticWhere stories live. Discover now