[31] TRIGINTA UNUS

808 37 0
                                    

"Oriana..."

Pakiramdam ko nawalan na ako ng lakas. Ni hindi ko alam kung ano ang dapat kong maging reaksyon sa mga sinabi niya. Nagsisisi siyang binuhay ako? Well, it looks like it. Funny thing is, words cut deeper than chainsaws.

And her words felt like they will haunt my whole existence.

Mapait siyang ngumiti sa akin. Nawala na ang dating batang hinahawakan ang kamay ko tuwing natatakot siya sa dilim. Little Oriana is gone.

"You heard me right. When I was a kid, I was always afraid of the dark, S-Sebastian... back then, you cast away those fears. Ngayon nalaman kong mas dapat ko nang katakutan ang dilim dahil nandoon ka. N-Natatakot na ako sa dilim dahil sa'yo... You're a fucking monster! I wish I never imagined you! I am ashamed that you came out of my head!" Hindi tumigil sa pag-agos ang mga luha sa mata niya.

And I felt myself self-destructing when she called me that particular word.

Monster.

Natatakot siya... Sa akin.

May nagawa ba akong mali? Lahat naman ginagawa ko para sa kanya. I killed people who took advantage of her. Iniingatan ko lang siya. Nakipagkasundo ako kay Alec para lang protektahan siya. Pero siguro kulang pa ang lahat ng ginawa, ginagawa, at gagawin ko. All this time, I believed I was her hero.

Turns out, I'm the villain.

"Oriana, please..."

Sinubukan ko siyang hawakan pero mabilis siyang umatras. "Y-You're a killer, Sebastian... Stay away from me." I never thought I'd see the day she would recoil from my touch. It fucking hurts. Fear is now evident in her coffee brown eyes. Para bang ayaw na niya akong makita.

Kahit kailan.

At wala na akong nagawa nang tumakbo siya papalayo sa'kin.

*

Oriana has cancer and she hates me.

Noong akala kong wala nang mas lalala pa sa mga nangyayari, I just had to take a wrong turn to the marketplace and bump into those white creatures who were after me and Alec. Ni hindi ko nga alam kung bakit ako napadpad doon. Ang naaalala ko lang ay noong tinakbuhan ako ni Oriana, my feet took me anywhere. Wala na akong pakialam kung saan ako papunta.

Pero ngayon, mukhang kailangan ko na talagang tumakbo.

And so I did.

Habang pilit kong tinatakasan ang mga nilalang, may mga nabubunggo akong mga tao sa daan. But that's the least of my problems now. Sinubukan kong magtago sa mga eskinita, pero naalala kong hindi nga pala magandang ideya 'yon dahil may araw pa. It's hard to hide when there's still daylight. And they're after me. Shit! Nasaan ba kasi si Alec kapag kailangan mo siya?!

Lumingon ako sa likod at nakitang ilang dipa na lang ang layo nila sa'kin.

Well, fuck this! Pagod na akong tumakbo.

Huminto ako at hinarap sila. Bahala na.

Sunud-sunod nila akong inatake. Their monstrous claws were hurling towards me at an unbelieveable speed. Nagawa kong umilag at maglabas ng pocket knife. Mabuti na lang at lagi akong handang makipagpatayan. "TAKE THIS, YOU FUCKERS!"

I ran towards them and thrusted the blade to their heads. Ibinaon ko ang patalim sa ulo ng isa at pinagmasdan ang kulay itim na likidong dumadaloy sa sugat. I felt a surge of anger when two of them started holding me back.

Gamit ang natitira kong lakas, marahas kong hinatak ang mga braso nila hanggang sa makalas ito sa mga katawan nila.

I dismembered them, one by one.

The faceless creatures roared in pain at what I did. Nagmantsa sa katawan ko ang dugo nilang mas masangsang pa sa dugo ng tao. I smirked and felt a demonic laugh escape from my lips.

I don't have anything to lose, anyway.

At tuluyan na akong nagwala. I don't even know what I'm doing anymore. Parang wala na akong kontrol sa katawan ko. Gamit lang ang mga kamay ko, pinunit ko ang mga balat nila at pinagkakalas ang mga braso at binti ng iba pa nilang kasama I even beheaded one of them. Puro itim na likido na ang nakikita ko.

I feel delighted in watching them fall to the ground. I can't even erase the wicked smile off my face anymore.

I feel like a demon.

Maybe I am. Tutal, takot rin naman sa'kin si Oriana.

Makalipas ang ilang sandali, napatumba ko na silang lahat. Nababalot ng itim ang buong katawan ko but I don't give a shit.

I'm still smiling.

Dumako ang mga mata ko sa mga bangkay. It's ironic that they have black blood when they're colored white. Parang mga tao lang. Akala mo kung sinong matitino at banal... Pero kung bubuksan mo ang loob, purong kasamaan rin naman ang naroon. Nakakagago lang.

I started limping away when a familiar figure emerged from the ground. I can recognize those twisted little red lips anywhere.

Vela.

She smiled sweetly at me and gestured to the mess I've made. "Don't be foolish, Sebastian. Hindi basta-bastang napapatay ang mga kampon ng Boss." Nanlaki ang mga mata ko. As if on cue, biglang bumalik ang kulay itim dugo sa katawan ng mga nilalang. Unti-unting dumikit ang mga natanggal na parte ng katawan nila.

Fuck no.

I watched in horror when the white creatures stood before me. All in one piece.

Vela walked towards me and pulled me in for a kiss. It was intoxicating, like the forbidden fruit. Unti-unti na akong nanghina.

Iyon na lang ang naalala ko bago nagdilim ang paligid.

---

✔ Killer in the AtticWhere stories live. Discover now