[5] QUINQUE

1.3K 66 3
                                    

Mula sa madilim na kalye, nakita kong palinga-linga sa likuran niya si Oriana. She had these suspicious eyes whenever they met dark places na para bang alam niyang sinusundan ko siya. Well, she has every reason to think so. I am guilty as charged, anyway.

After several minutes, nagmamadali siyang tumawid ng kalsada.

I easily blended in with the shadows and followed her. I knew she wouldn't spend the night at her grandmother's house after that outburst.

If she's scared, why is she running away from me and not towards me? Hindi ba't ako naman ang sandalan niya noon tuwing natatakot siya sa dilim?

Si Oriana lang ang taong gusto kong maintindihan. Fuck everyone else.

In fact, kaunti na lang ang mga taong nasa lansangan. This wasn't odd since I knew people of this neighborhood often went on vacations during summer. Mabuti na lang at hindi nila ako nakikita. I can slaughter them all without even getting arrested---okay, I'll shut up. Tutal, wala pa naman akong rason para makakita ulit ng dugo.

Nag-aalangang dumaan si Oriana sa isang madilim na eskinita. Mahigpit ang pagkakahawak niya sa shoulder bag niya at para siyang nagmamadali.

Why is she being so foolish?

Oriana stopped in her tracks.

I was around ten yards away from her kaya nakikita ko pa rin ang mga nangyayari.

Suddenly, a man who walked like he had a limp came into view. Nang pagmasdan ko itong mabuti, napagtanto kong para itong lango sa alak dahil sa namumula niyang mukha. I can smell the alcohol reek from this drunken man as he neared Oriana and I've instantly got a bad feeling about this.

I can feel Oriana's anxiety rising, reminding me of my connection with her.

She immediately got out of the dimly lit alley pero bago pa man siya tuluyang makaalis sa lugar, hinatak siya sa braso ng lalaki. Mahigpit niyang hinawakan sa braso ang dalaga. Agad kong napansin ang takot sa mga mata ni Oriana.

I balled my hands into fists.

What the hell is happening?

Seeing her scared face made me murderous and psychotic all at once. Agad akong naghanap ng pwedeng gamitin para patayin ang hudas na 'to at napangiti ako nang mapansin kong katabi lang pala namin ang isang furniture factory. Heavy machinery and tools seduced me into madness.

This is gonna be fun.

*

"P-Please! Bitiwan mo 'ko!"

I heard Oriana's voice once again. Sinusubukan niyang tanggalin ang pagkakakapit sa kanya ng lalaki pero masyado itong malakas. Nakikita ko mula rito sa dilim ang mga luhang namumuo sa mata niya.

"Wag ka nang magpakipot, miss.. Sumama ka na lang sa---AAAAAAH!"

I smashed his spine with a hammer.

Napalunod ang lalaki at agad na binitiwan ang braso ni Oriana. Nakita ko ang agad niyang paghawak sa parteng tinamaan at mas lalong napadaing sa sakit nang parang may nag-crack sa kanyang likod.

Good.

Bumaling sa'kin ang lalaki pero namayani ang pagtataka at gulat niya nang wala siyang makita.

"PUTANGINA, SINO 'YON?! LUMABAS KA!"

Napangisi ako. Agad kong binato ang martilyo sa kung saan. I then grabbed something that obviously caught my attention when I walked into the shop to burrow some equipment. Napaatras sa takot ang lalaki nang makita ang hawak ko.

I have an axe in hand and I think I'm gonna like every second of this...

"M-Multo...?!"

Hindi ko na siya hinintay na makasigaw pa at dali-dali kong pinatamaan sa leeg niya ang patalim. Natumba ang katawan niya kasabay ng pag-agos ng dugo sa sugat. I took pleasure in literally chopping his head off his body like a log. Tuwang-tuwa ako sa naririnig kong paghampas ng talim sa mga buto niya at ang pagtilamsik ng dugo sa maruming pader ng eskinita.

I inhaled the scent.

Fresh blood smelled nice.

Nang makita kong gumulong ang ulo niya, agad kong ibinaon sa katawan niya ang axe at binalingan si Oriana. To my surprise, she just stood there and watched in horror. Her pupils dilated and blank, as if processing what happened. Nakatakip ang bibig niya gamit ang mga kamay at para bang nanginginig siya sa takot. I can hear her struggling to breathe at the sight of the man.

I smiled despite the blood stains on my face.

"Are you okay?"

"....."

Hm? No response.

"Just in case some bastard attempts to take advantage of you again, mas mabuti na sigurong samahan na kita sa uuwian mo."

Medyo natagalan bago siya makasagot. "B-But..." When I stared closely at her face, agad na akong napailing. Walking closer to her, I carefully wiped the blood off her cheeks using a rag I found in the attic earlier today. Para siyang nanlamig sa hawak ko sa hindi malamang dahilan...

Nagulat lang siguro siya. No big deal.

We were illuminated by the light of the lamp post when I finally got to stare at her innocent face.

Ang laki na rin ng ipinagbago ng hitsura ni Oriana. She no longer had chubby cheeks that I kissed many times before. Mas humaba na rin ang mga pilik-mata niya at napansin ko agad ang mapupula niyang labi. Tumangkad rin siya. My gaze fell down to her body that now had lovely curves in all the right places. She also seemed more mature and well-dressed.

She's a woman now. Still,

"No buts, little girl."

"S-Sebastian..."

Bumalik ang tingin ko sa mga mata niya. Those sinfully beautiful and expressive eyes that told me a thousand stories all at once. God, I am willing to chop the heads of all the rapists in the world just to keep her safe. Marahan kong hinawakan ang kamay niya at kumindat.

"Let's get you home."

Hindi ko alam kung saan kami papunta, pero ang mahalaga kasama ko siya.

Kasama ko na siya sa wakas.

---

*the rest of the edited chapters will be updated today 5/5

✔ Killer in the AtticWhere stories live. Discover now