PROLOGUE

1.1K 129 17
                                    

Pain? What does that do to a person? Sometimes, I wonder if I still want to feel love, to be loved, or what. But sometimes, it seems like I just really don't want to. The pain I experienced changed my whole being. I feel like it's not me anymore. One thing I am sure of, the pain I felt before made me stronger.

If the man you love is making you feel insecure and causing you lots of pain, will you continue your relationship or will you let go and let yourself be free?

Every person has a different story and pain to tell. The question is “How bad did it hurt?”

~

"Cheska!" narinig kong tawag ng kaibigan ko.

"What is it?" tanong ko nang hindi nililingon ang ulo sa kaniya dahil ang mga mata ko ay nasa sinusulat ko pa rin. Saka ko lang siya tinignan nang matapos ko na ang sinusulat ko.

"Na-miss kita! Gaga ka, umuwi na nga kayo!" Yumakap siya sa akin habang ako ay nakaupo pa rin sa swivel chair ko. Kasalukuyan ko kasing ginagawa ang patient report ng pasyente ko nang bigla siyang sumulpot dito at kung makahiyaw ay akala mo, walang maaabalang tao.

"God damn it! Can you, please, lower your voice? Nasa ospital po tayo, oh?" Pinandilatan ko siya kaya agad niyang itinikom ang labi niya at umakto pa na parang zi-ni-pper ito.

Sana kasi ay sa condo na lang siya nag-hintay dahil maya-maya ay uuwi na rin naman ako. Tinatapos ko lang talaga ang report na ginagawa ko para makapagpahinga ako nang tuluyan sa bahay nang walang iniisip na trabaho kahit saglit.

"Ang workaholic naman, Sis! You know what? Punta na lang tayo sa bar. Party-party, gano'n!" pag-aya niya sa akin.

"Bawal ako malasing," maikling sagot ko.

"E 'di water ka lang." Inirapan niya 'ko sa pag-aakalang hindi ako nakatingin sa kan'ya.

"Ikaw na lang. 'Wag mo 'ko idamay sa mga kalokohan mo."

"What if i-chat ko ex mo tapos sabihin ko na may—"

Hindi ko na siya pinatapos sa kung anong sasabihin niya. Mabilis kong sinara ang laptop ko at niligpit ang mga file na nakakalat sa table ko.

"Let's go." Nauna na ako sa paglalakad dahil hindi yata ako makapagpipigil at baka maturukan ko pa siya ng pampatulog 'pag nakatabi ko siya.

"Si Jacob lang pala makakapilit sa 'yo. Yiee!" mapang-asar niyang wika at tinusok pa ang tagiliran ko.

"Shut the fvck up, Coleen," asik ko sa kaniya.

Itinaas niya ang kaniyang dalawang kamay, tanda ng pagsuko at ngingisi-ngising sumunod sa akin.

~

"Come on! One shot lang, bilis na." Inirapan ko siya, saka kinuha na lang ang shot glass na hawak niya at ininom yun. Gusto kong maduwal sa lasa nito. Hindi naman ako pala-inom, itong si Coleen lang ang aya nang aya sa akin. Kahit noong nasa Pilipinas pa ako ay siya rin ang mastermind sa mga inuman.

Puro one shot lang, e, nakailang abot na siya sa akin. Sa susunod na abot niya sa akin ay ihahataw ko na sa mukha niya ang baso. Parang 'di professional ang animal. Wala bang trabaho 'to?

Tumayo ako para pumunta sa wash room. Naiinitan na ako sa kabila ng weather dito sa Canada.

Pagkapasok ko sa cubicle ay parang gusto ko nang matumba sa pagkahilo. I swear, I'm gonna pull her hair pagkalabas ko rito.

Pagkalabas ko sa cubicle ay inilapag ko ang handbag ko at naghugas ng kamay.

Phone Ringing...

"Hello?" nahihilong sagot ko. Saka lang ako natauhan nang marinig ko ang boses ng nasa kabilang linya. "Ah, yes. Wait lang, baby. Pauwi na 'ko and I'll buy you pasalubong na lang. Bye! I love you!" Ako na ang nagbaba ng tawag dahil sa pagmamadali.

Paglabas ko ay muntik pang humataw ang ulo ko. Salamat sa bisig na sumalo sa akin. "Thank you so much."

I'm about to walk away when he held me closer. Dahil sa ginawa niya ay kusang napadako ang mga mata ko sa mukha niya. Gano'n na lang ang gulat ko nang makita kung sino ang nakahawak sa akin.

What the hell?! Pinaglalaruan na naman ba ako ng tadhana?!

"Cheska?" Halata sa boses niya ang pagkabigla at... sakit? Bakit may sakit?! Kapal!

"Let me go!" Hinila ko ang kamay ko at lumakad na palayo sa kaniya kahit hilong hilo na ako.

Agad kong hinanap si Coleen pero kinse minutos na ang lumipas at 'di ko pa rin siya nakikita, kaya naman nagdesisyon na lang akong i-text siya dahil kanina pa ako hinahanap sa condo. Sabi na, e. Maling mali ang pagsama ko sa lugar na ito.

Kasalukuyan kong hinihintay ang taxi na b-in-ook ko nang biglang may magarang sasakyan ang pumarada sa harap ko. Hindi na ako nagulat nang makita ang mukha ng ex-boyfriend ko sa loob.

"Get in," pautos na saad niya.

Wow, ha! Hindi ko alam na paladesisyon na pala siya ngayon.

"I said, get in, Ches." Mas nilakasan niya ang boses niya. Akala 'ata ay 'di ko lang narinig.

Nang mapansin niyang hindi ko siya sinunod ay lumabas na siya sa kotse para pilitin ako. As if naman mapipilit niya ako.

"Let me go! Ano ba, Jacob?! 'Tang ina naman, oh!"

Sa sobrang lakas ng pagkasigaw ko ay nilapitan na kami ng dalawang lalaki na papasok sa bar. "Any problem here, bro?" the man asked curiously.

"No, no..." agad na tanggi ni Jacob.

"Help! This man is forcing me to come with him," I said while trying to get away.

"There's no problem here. My wife is just drunk." Ngumiti siya sa mga lalaki at nakumbinsi niya rin ang mga ito.

Tuluyan niya na akong naipasok sa sasakyan at ako naman ay wala nang nagawa kun'di ang tignan siya nang masama.

"'Tang ina mo," gigil na sabi ko.

"Drink." He handed me a bottled water pero 'di ko iyon kinuha. Ano siya, gold? Duh!

"What do you need?" I asked while pulling my hair because of irritation.

"Explanation and the truth."

Parang nabuhusan ako ng malamig na tubig sa narinig ko.








~Itutuloy...

THE MAN WHO CAN'T BE MINEWhere stories live. Discover now