Chapter 13

172 85 18
                                    

Coleen.

Bukas na ang school festival pero pakiramdam ko sa sarili ko ay kulang pa rin ako sa practice. What if mapahiya kam—I mean, ako? That'd be a total disaster! Baka magpalamon agad ako sa lupa 'pag nangyari yun.

"Hi! Nandito ka rin pala?" Paglingon ko ay hindi na ako nagulat nang makita si Tyler. Kanina pa lang ay nakita ko na ang sasakyan niya nang nasa jeep ako. Baka mamimili rin siya ng gamit kaya nag-mall siya. Himala na hindi niya kasama si Jacob or kahit si Jack.

"Kumusta ka naman d'yan, angry bird?" pang-aasar ko sa kaniya kaya agad na naglaho ang maganda niyang ngiti.

"Manahimik ka r'yan, liit." Ay, wow. Napakatangkad mo naman, Tyler.

"Ginagawa mo, rito? Date?" tanong ko dahil sinabayan niya rin ako sa paglalakad.

"Easy lang, liit. Parang tunog nagseselos ka, e," nakalolokong wika ni Tyler. Napanganga ako sa sobrang pagkamangha sa imagination niya. Liit na naman! Kaunti na lang talaga, masasapak ko na 'to, e!

"Bumili lang ng gagamitin para bukas." Bumili kasi ako ng long sleeves at leggings na parehong black. Gano'n kasi ang gagamitin namin para bukas dahil napakaraming alam ni Dolly. May pa-paint-paint pa nga siyang nalalaman, e.

"Oh, e, ba't mag-isa ka lang?"

"Ito, kalalaking tao, chismoso!" sabi ko sa isip ko.

"Ano?! Hindi ba pwedeng nagtatanong lang?"

Nasabi ko ba nang malakas? Ay, ang tanga naman, Coleen!

"Uwi na 'ko," pag-iiba ko ng usapan para makalusot sa pagkapahiya ko kanina.

"I'll drive you home," pag-piprisinta niya.

"'Wag na, mag-ji-jeep na lang ako." Ayoko nga sumabay sa kaniya. Baka mag-asaran lang kami sa buong byahe.

Pinilit niya pa rin ako na sumabay sa kaniya dahil gabi na raw at delikado na, saka baka raw umulan. Grabe, hindi ko alam na weather forecaster na rin siya.

~

Habang nasa byahe kami, nagkunwari akong tulog. E, kasi naman, baka kung ano-ano tanungin sa 'kin nito.

"Hey." 'Di ko siya pinansin kasi tulog nga, 'di ba?

"Tulog ka na ba...? I think, oo." Ang daldal talaga nito. Lalaki ba talaga 'to?

"Lo siento, Coleen," biglaang wika ni Tyler at ako naman ay hindi alam ang ibig sabihin niyon. Ipa-mental ko na kaya 'to? Kung ano-ano na ang sinasabi. Mukhang malala na 'to, e.

'Di ko na lang siya ulit pinansin. Pero nang maramdaman ko na may humawak sa kamay ko, agad akong napamulat. "We're here." Ah, okay. Akala ko naman, kung ano na, e.

"Thank you."

Lalabas na sana ako ng kotse nang bigla niyang hawakan ulit ang kamay ko. "B-bakit?" 'Wag kang kabahan, Coleen! Ano ba?!

"Ako na ang magbubukas." Ah... okay? Akala ko talaga, kung ano na naman, e.

"Bye. Ingat ka, ah?"

Dahil maaga pa naman ay dumiretso muna ako sa kwarto para makapagpahinga rin ako at makapag-practice ng ilang steps.

"Makapag-rehearse nga muna."

Nasa kalagitnaan ako ng pag-pa-practice nang biglang sumagi sa isip ko yung ginawa ni Tyler kanina.

Bakit ba kasi siya gano'n? Para naman s'yang ewan, e!

THE MAN WHO CAN'T BE MINEWhere stories live. Discover now