Chapter 23

89 35 10
                                    

Jack.

Ang hiling ko lang ngayong araw ay ang hindi makita si Cheska. Kahapon ay sinira nila ni Jacob ang araw ko. Hindi ko alam na gano'n na pala talaga sila kalapit sa isa't isa. Huwag nilang sabihin na parte lang yun ng pagiging mag-partner nila sa bio. Kung hindi lang nila kasama si Coleen kahapon ay iisipin kong lumabas talaga sila.

Pagkarating ko sa room ay nadatnan ko na kinukulit ni Tyler si Coleen pero hindi siya nito pinapansin. Nakita ko rin si Cheska na nakayupyop sa may desk niya at mukhang antok na antok pa. Sana 'di na lang siya pumasok kung gagan'yan lang siya r'yan.

Ano bang ginawa nito para mapuyat siya nang gan'yan? Inabot ba sila ni Jacob hanggang madaling araw sa pag-uusap kaya siya gan'yan ngayon?

"E, ano bang paki ko?" inis na bulong ko.

Inis akong umupo sa upuan ko at padabog ko ring kinuha ang cellphone ko. Dapat ay wala na akong pakialam sa babaeng 'yan!

"Good morning, class," bati ng professor namin pagkapasok niya. Tinignan niya kaming lahat at saka binuklat ang notebook niya.

"So next week, magkakaroon tayo ng isang retreat na magtatagal ng dalawang gabi at tatlong araw. Usually, mga Grade 12 student ang may gan'to para makapag-reflect sila sa sarili nila, but now we made some changes." Tinignan ni Sir ang bawat isa sa amin 'tapos no'n ay tumingin ulit siya sa papeles sa harap niya.

Bago siya muling nagsalita ay inayos muna niya ang salamin niya. "Ang Grade 12 ay magkakaroon pa rin ng hiwalay na retreat bago matapos ang school year pero ang sa inyo ay next week na. Gusto namin na iparanas sa inyo 'to nang maaga para makilala niyo rin ang isa't isa."

Sana ay pwedeng hindi pumunta sa retreat na 'yan dahil kaartehan lang naman yan; imbes na nagpapahinga na lang kami ay gagawin pa talaga namin 'yan.

Titingin sana ako sa labas ng bintana nang mahagip ng mga mata ko si Cheska na nakatingin sa akin. Sinamaan ko siya ng tingin pero binalewala niya ito.

"Mamayang 10 am ay may pagpupulong ang mga class president para sa gagawing retreat sa may faculty."

Pagkatapos ng annoucement ni Sir ay nagturo na siya sa amin pero mas lamang yung sermon dahil kalahati ng boys ay walang assignment.

Parang wala akong masyadong naintindihan sa mga pinagsasabi ng mga teacher namin dahil lutang ako. Hindi ko nga namalayan na uwian na, eh. Kung hindi pa tumunog yung bell ay baka nakaupo pa rin ako rito.

"Jack, can we talk?"

Natigil ako sa paglalakad nang marinig ko ang isang pamilyar na boses. Bakit na naman kaya trip nitong kausapin ako?

"No," maikling sagot ko, saka isinukbit ang bag ko sa likod ko at nagtangkang umalis.

"Please?"

Marahas kong binawi ang braso kong hinawakan niya at parang nagulat siya nang sobra dahil sa ginawa kong 'yon.

"Okay, fine! Just make it quick." Nauna na akong lumabas at sumunod naman agad siya.

Nagpunta ako sa may madilim na parte ng school para walang masyadong makapansin sa amin.

"Jack, I'm sorry." Yun agad ang sinabi niya sa akin nang tumigil na kami sa paglalakad. "I don't have an idea about what I have done but I'm sorry." She tried to hold my hand.

"Paulit-ulit na lang tayo, hindi mo ba napapansin?" Parang gustong pumutok ng ugat ko sa ulo dahil sa sobrang inis. "Matalino ka, Cheska. Pero parang pagdating sa gan'to, nabobobo ka 'ata." Tumawa ako nang mahina pero natigil ako nang marinig ko ang paghikbi niya.

THE MAN WHO CAN'T BE MINEWhere stories live. Discover now