Chapter 9

162 100 16
                                    

Dolly.

Nagmamadali akong pumunta sa may court para maumpisahan na ang meeting namin ng mga kasali sa sayaw. Late na ako nang 15 minutes dahil galing pa akong Music Room para tulungan si Eman sa pagbibigay ng instructions sa band ng school.

Pagdating ko sa court ay rinig na rinig ko ang mga pinagsasabi ni Coleen sa akin. Pagod na pagod ako sa pag-aasikaso pagkatapos parang sa kaniya, kaya ako na-late ay dahil nakipaglandian pa ako?

"Let's start," maawtoridad na wika ko.

"It's okay, Sissy. So anong plano natin d'yan?" tanong ni Nadine.

Ipinaliwanag ko sa kanila ang magiging set up at schedule namin this week. At katulad ng inaasahan ko ay marami ang umalma. Bakit ba hindi na lang sila sumunod nang walang sinasabi? Napakadaming alam!

"Hala, busy ako tuwing weekends."

"Dapat pahinga yun."

"Tsk, unfair."

"Guys, kalma lang. Okay lang sana na walang practice nang weekend kung hindi lang two weeks ang preparation na ibinigay sa atin. Kaya, please, kauning pakikisama naman," kalmadong sabi ko kahit kanina ko pa sila gustong sigawan.

"Tama si Dolly. Saka pwede ba, makinig na lang kayo?" aiinis na sabi ni Zannah.

"Okay na tayo ro'n, ha? Ta's ang sasayawin natin ay undecided pa. Kakausapin pa namin ang chereographer at dalawa ang sasayawin natin; isang modern dance at isang interpretative dance," nakangiting sabi ko.

"Bakit dalawa?" tanong ng pakialamerang si Shan na tropa ni Coleen. Pare-parehong ang sasarap pagbuhulin. Kung hindi lang ako pinakiusapan ni Tyler na isama sila sa mga gan'to para hindi mahiya ay hinding hindi ko talaga gagawin.


- FLASHBACK -

"Oh, talaga, Dolly? E 'di ayos pala. Masaya ang month na ito for sure," masayang sabi ni Tyler.

"Yeah. May performance nga tayo, e. Ito yung kan—" 'Di ko na natapos pa ang sasabihin dahil sa biglang pagsingit niya.

"Isali mo yung tatlo, ah? Para hindi na sila maging mahiyain." Yung tatlo? No way!

"Hindi pwede. Baka mamaya, hindi sila marunong sumayaw. Mapahiya pa ang buong strand natin," naiinis na sabi ko.

"Hoy, magaling kayang sumayaw sila Lyn! Isali mo na sila, please?" Nag-puppy eyes pa siya habang nakahawak sa kamay ko. Tsk, paano ko ba tatanggihan 'to?

"Oo na!" sigaw ko sa kaniya at sa sobrang tuwa ay napayakap pa siya sa akin.

"Talaga? Salamat, Dolly."

Kung hindi ko lang siya kaibigan, talagang tatanggihan ko 'to. Unang tingin ko pa lang sa tatlong yun ay iba na ang pakiramdam ko.

— END OF FLASHBACK —

Dapat talaga, hindi ako pumayag sa gusto ni Tyler, e.

"Uhm, Dolly, tinatanong ka ni Shan."

"Ah, oo. Kailangang dalawa kasi dalawa rin yung performance natin," paliwanag ko sa kanila.

"E, bakit pito lang yung kasali sa strand namin?" tanong ng isang kasali.

"'Yan kasi ang napag-usapan namin," paliwanag ko ulit sa kanila, tumango-tango sila bilang pagsang-ayon.

"May idadagdag ka pa ba?" inip na tanong ni Cheska at nahuli ko pa siyang inirapan ako.

THE MAN WHO CAN'T BE MINETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon