Chapter 12

132 81 12
                                    

Cheska.

Mabilis na lumipas ang mga araw at bukas ay performance na namin sa school. Yung kaba ko ngayon, iba na talaga. I mean, paano kung magkamali kami bukas tapos ang daming nanonood? Pagtatawanan nila kami. Na-i-imagine ko rin minsan na ako yung nagkamali. Naiiyak na 'ko sa sobrang kaba.

"Hoy, bakit ba parang balisa ka r'yan? Chill." Tinapik ni Minchie ang likod ko pero parang mas lalo lang akong kinabahan.

"E, kinakabahan nga ako!" pag-uulit ko. Siguro, sa buong araw na 'to ay ilang beses ko nang nasabi na kinakabahan ako. Mas lamang yung kaba kaysa excitement.

Hindi pinansin ni Minchie ang sinabi ko at basta na lang ako hinila sa mga estante ng make up kasama si Shan. Kasalukuyan kaming nasa mall ngayon para mamili ng mga kailangan at kanina pa rin nila ako pinipilit na bumili ng bagong white dress para bukas. Pakiramdam ko, puputulin na ni Mama ang credit card ko sa kagagastos ko kaya puro pagtanggi ang ginagawa ko sa kanila.

"Hoy sis bagay sa 'yo 'tong red lipstick. Sure akong litaw na litaw ganda mo rito." Nagtangka siyang lumapit sa akin para ipasubok sa 'kin yung lipstick pero lumayo ako.

"E, 'di ba, pintura ipapahid sa muka natin?" takang-taka na tanong ko.

"Sa 'min, Sis. Hindi sa inyo." Ah, okay. Hindi ba ako nakikinig kanina? Oo, parang hindi nga kaya medyo napatawa ako.

Habang nagtitingin ako ng mabibili ay nahagip ng mata ko si Jack kaya nagmadali akong lapitan siya.

"Hoy, Jack!" tawag ko pero mukhang 'di niya narinig kaya para akong batang tumakbo papunta sa kaniya at inangkla ang kamay ko sa braso niya. Ilang araw din kaming walang maayos na communication. Siguro, dahil sa busy rin kami para sa nalalapit na school festival.

"Let go, Cheska!" Nabigla ako nang iwaglit niya ang braso niya, dahilan para mapabitiw ako. Simula nang maging magkaibigan kami ay ngayon niya lang ako sinigawan. Kahit anong lala ng away namin noon ay hindi niya ako ginan'to. Binalot ang katawan ko ng hiya dahil sa ginawa niya. Pinagtitinginan na kami ngayon ng mga tao dahil sa pagsigaw niya.

"W-Why?" I asked while trying to stop my tears to burst out.

"Cheska, what's happening here?" nag-aalalang tanong ni Shan nang makalapit siya sa kinaroroonan ko.

"Jack, bakit?" I asked once again but he still ignored my question. Just like a cue, all my tears suddenly burst out. Pati ang luha ko, trinaydor na ako.

"May kasalanan ka sa akin," walang emosyong sabi niya. "'Wag mo akong kausapin." Tumalikod na siya at nag-umpisang maglakad.

At ako? Naiwang parang tanga rito na patuloy sa pag-iyak. Hindi ko maunawaan ang nangyari. Did I do something wrong? Maayos naman kami pero bakit biglang gano'n? Wala man lang akong kaalam-alam kung anong nagawa kong mali para sana kung meron ay maitama ko. He left me without explaining what exactly happened.

"Sis, tama na. Tara na, umuwi na lang tayo," nag-aalalang sabi ni Minchie, saka ako hinila. Nagpatianod lang ako sa paghila nila sa akin dahil wala na akong lakas para makapag-isip pa nang maayos dahil sa nangyari kanina.

Hindi ko na namalayang nakarating na pala kami sa bahay. Mabuti na lamang at nasa business trip si Mama, kun'di ay mag-aalala pa 'yon. Ano ba kasing kasalanan ko? Hindi ko maintindihan, wala akong maintindihan sa mga nangyayari.

"Cheska, stop crying na." Hinagod ni Shan ang likod ko para iparamdam sa akin na hindi ako nag-iisa.

How? Paano ako titigil? Hindi ko nga alam kung anong nangyayari. Sana man lang ay ipinaliwanag niya sa akin kung ano ang ikinagagalit niya. Hindi yung bigla siyang aakto nang gano'n at pagmumukhain akong tanga sa harap ng maraming tao.

"Ano ba kasing nangyari at nauwi kayo sa ganito?" tanong ni Shan habang hinahagod ang likod ko.

"H-hindi ko a-alam!" humihikbing sabi ko.

Knock, knock, knock!

"Oh my! Nand'yan na 'ata so Ate Scarlet," natatarantang sabi ni Minchie.

Si Ate Scarlet? Pero bakit? Iniwan na muna kami ni Minchie at pinagbuksan ng pinto si Ate Scarlet. Mabuti't wala si Kuya kaya nakaiiyak ako nang ganito sa bahay.

"What happened?" nag-aalalang tanong ni Ate Scarlet.

"Ate, si J-Jack, galit siya sa 'kin," umiiyak na sabi ko.

Sinalaysay ko ang lahat ng nangyari kay Ate Scarlet pero pati siya ay hindi maintindihan kung bakit biglang nagkagano'n si Jack sa akin. Every one knows how close we are and now I don't know.

Matapos nila akong patahanin ay pinilit ko silang iwanan na ako dahil gusto kong mapag-isa. Noong una ay ayaw nila dahil baka may gawin akong 'di maganda pero kalaunan ay napapayag ko rin sila.

~

Pagdating ng gabi ay napagdesisyunan kong pumunta muna sa park para magpahangin. Pati sa park na 'to at sa mismong bench na kinauupuan ko ay may alaala kami.

Muli ko na namang naalala ang mga nangyari kanina na hanggang ngayon ay hindi ko pa rin maunawaan. Nagulat ako nang may nag-abot sa akin ng panyo—do'n ko lang din na-realize na umiiyak na naman ulit ako. Tinanggap ko ang panyo at pinahid ito sa mata ko.

"Can I?" Tinuro niya ang bakanteng space sa tabi ko at tumango ako. Wala akong balak na patayuin lang siya r'yan.

"You should have contacted me. I'm not busy, anyway. I can accompany you." He smiled and reached for my hand to gently squeeze it.

"I left my phone. And how did you even find me? Stalker," I said in an accusing tone.

Tinignan niya ulit ako at tinanguan ko lang siya.

"I'm sorry. I know it's late but I guess, I'm an asshole when we're in high school," he admitted.

Natawa ako nang bahagya pero pinigilan ko rin dahil tumingin ulit siya sa akin nang marinig niya ang pagpipigil ko ng tawa.

"Have I told you that you really look beautiful every time you smile?" I shook my head as an answer. "Don't stop wearing that smile, Cheska."

Pagkasabi niya niyon ay mas lumapit siya sa akin para kunin ang panyo niya at siya na mismo ang nagpunas ng mga luha ko. Naiyak na naman pala ako. Ano ba 'to? Water falls? Nonstop, e.

"My mom used to tell me that it's better to tell the truth than to pretend, and she's right. Pretending is really hard, especially in a situation like this."

Hinawakan niya ang buhok ko at ginulo ito nang bahagya. Hindi na kami nagtagal sa park dahil lumalamig na. Hinatid niya na rin ako sa bahay.

"Thank you, Jacob." I gave him a smile.

"You can always count on me, Cheska."






~Itutuloy...

THE MAN WHO CAN'T BE MINEWhere stories live. Discover now