Chapter 8

155 102 18
                                    

Cheska.

It felt so surreal to be this close with Tyler again and Jack also. We had a misunderstanding yesterday and now we're good. It's much better for my condition to be surrounded by people like them.

"Oyy, Cheska. Sure ka ba na ililibre mo 'tong mga mokong na 'to?" pabulong na tanong sa akin ni Jack.

"Oo naman. Saka isa pa, masaya ako ngayon, e." Binigyan ko siya ng pinakamaganda kong ngiti.

"Oyy, maraming thank you sa libre, Cheska." Pagkatingin ko kay Tyler ay ngiting ngiti na ito. Ang cute, 'yan ang isang bagay na nagustuhan ko sa kaniya noon. Oo, noon. Dahil nagsisimula na akong mag-move on.

"Oy, Coleen. Nasa'n si Shan?" I tried to approach her in a friendly way dahil parang gusto ko na rin makipagkaibigan sa kaniya. After all, wala naman siyang ginawang masama sa akin at hindi naman niya hawak ang isip ni Tyler.

Kaibigan ko rin sina Shan at Lyn kaya mas makabubuti na rin ang makipagkaibigan sa kaniya lalo na't kaklase ko siya. She deserves better, anyway.

"Ay, 'di ko alam, e." Ngumiti siya nang hilaw at hindi rin siya makatingin sa akin nang maayos. Hindi siguro siya sanay na nakikipag-usap ako sa kaniya.

"Friends na kayo, Cheska?" tanong ni Tyler habang sumusubo ng carbonara.

"Pwede naman. Isa pa, bakit? 'Di ba Coleen?" Binalingan ko ng tingin si Coleen at saka siya nginitian.

"Oo naman, pwedeng pwede." Ngumiti rin siya sa akin.

Nakahinga 'ko nang maluwag nang tanggapin niya ang pakikipagkaibigan ko. Nakagagaan din ng pakiramdam, hindi tulad noon na tuwing makikita ko siya ay parang gusto kong hilain ang buhok niya sa sobrang selos.

"Hoy, Tyler manhid, paabot nga ketchup," biglang sabi ni Jack na siyang ikinabigla ko.

"No'ng isang araw niyo pa ako tinatawag na manhid. Bakit ba kasi?"

Sa itsura ng mukha ni Tyler ay parang gusto na niyang mainis kay Jack pero pangiti-ngiti pa rin siya. Napakapikunin talaga ng mga magkakaibigan na 'to. Wala akong ibang nagawa kun'di ang umiling.

"Care to tell something, Ches?" mapang-asar na wika ni Jack.

"What the hell? Bakit ako nadamay r'yan?" Tinaasan ko sila ng kilay.

"Come on, sabihin mo na tutal naman ay moved on ka na kamo, 'di ba?" Ngayon ay nakisabat na sa usapan si Jacob na kanina ay tahimik lang na kumakain.

"I like Tyler but that was before. I only see him as a friend now," I honestly said without bitterness.

"What?!" he exclaimed. "All those years, gusto mo pala 'ko? I didn't know. I'm sorry, Ches," he said and reached my hand.

"That's in the past, Ty. I'm okay now and I have already moved on."

"Baka bumalik yung feelings, P're. Bitiw na." Si Jack na ang humila ng kamay ko para mabitiwan ni Tyler. Nagtawanan pa kami dahil inaasar siya ng mga kasama namin na nagseselos siya.

"Why would I be jealous? I know naman na akin ka?" pagbibiro ni Jack kaya malakas akong napahagalpak.

"That was a nice joke." Hinampas ko siya habang patuloy pa rin ako sa pagtawa.

"That's enough, pinatatawag na tayo," maawtoridad na sabi ni Jacob at saka siya naunang umalis papunta sa court.

At the court...

THE MAN WHO CAN'T BE MINEWhere stories live. Discover now