Chapter 17

100 49 7
                                    

Coleen.

Nanonood pa rin kami ng mga performance ng ibang strand nang mapansin ko na nagkakagulo sina Jacob at Tyler, kaya naman nilapitan ko sila. Hindi rin kasi maganda ang pakiramdam ko sa nangyayari at parang kinutuban na ako.

"Uhm... anong nangyayari dito?" tanong ko kay Tyler.

"Si Cheska, nagpumilit pumunta kay Jack. Ngayon, 'di na tuloy namin siya mahanap." Napasabunot siya sa buhok niya at sa itsura niya ay mukhang stressed na stressed na siya sa ginagawa ni Cheska sa buhay niya. Naiintindihan ko yun dahil magkaibigan sila.

Ang hindi ko lang maintindihan ay kung bakit pati si Jacob ay inis na inis na. Partner lang naman sila sa bio, 'di ba?

"I can't wait here. I'm going to look for her."

Hindi na kami nakapagsalita pareho ni Tyler dahil mabilis pa sa alas kwatro ang naging pag-alis niya. Wala talaga akong maintindihan sa nangyayari ngayon dito.

"Ayun si Jack!" Tinuro ko agad kay Tyler si Jack nang makita ko itong pumasok sa court.

"P're, si Cheska?" nag-aalalang tanong ni Tyler.

"I don't know and I don't care. Let's go, the band is waiting."

I swear to God, I really want to punch this asshole. He looks like he doesn't care about Cheska.

"Can you hold this? If Jacob calls, please, tell me. Tatapusin ko lang yung performance namin."

Nagsimula na silang tumugtog at aaminin ko, kahit 'tang ina si Jack, 'di ko pa rin maipagkakailang sobrang galing niya. Lahat naman sila, magaling. At alam mo talagang nando'n yung puso nila sa ginagawa nila.

Pero kasi... si Tyler. Sa bawat pag-strum niya sa gitara niya at bawat pagkanta niya ay kasabay ng pagkahulog ko. Parang tanga ako dito habang sinasabayan siya sa pagkanta niya. Hindi na ako nagtataka kung nahulog si Cheska noon kay Tyler because who wouldn't?

"Sis, yung phone mo." Siniko ako ni Lyn at do'n ko lang napansin na may tumatawag na pala sa cellphone ni Tyler.

"Hello?"

"Tyler, I'm on my way to the hospital. Please, hurry up."

"Hey, this is Coleen. Nasa stage pa si Tyler. Just send us your location at susunod kami." Hindi na siya sumagot pero sa tingin ko naman ay narinig niya at naintindihan ang sinabi ko.

Ano kayang nangyari kay Cheska? 'Pag nalaman ko na si Jack ang dahilan kung bakit kinailangang isugod sa ospital ang kaibigan ko, hindi ako magdadalawang isip na ipahiya siya sa harap ng nakakarami.

Simula nang tumawag si Jacob ay nawala na ang atensyon ko kila Tyler at napalitan ang sayang nararamdaman ko kanina ng kaba at pag-aalala para kay Cheska. Alam ko na hindi pa kami gano'n ka-close ni Cheska. Pero alam ko na mabuti siya at hindi niya deserve kung ano man ang ginawa sa kaniya ni Jack.

"Tyler, kailangan na nating sumunod kila Jacob," ay ang agad kong sinabi sa kaniya pagkalapit niya.

"He found her?" Nagliwanag agad ang mga mata niya. Agad niyang kinuha ang cellphone niya na hawak-hawak ko.

Agad naglaho ang kaninang kislap at saya sa mga mata niya nang mabasa ang text message galing kay Jacob at bigla niya na lang akong hinila papunta sa kotse niya. Hindi man lang ako nakapagpaalam kina Lyn at Shan sa sobrang pagmamadali ni Tyler.

"Tyler, ano bang nangyayari?" nalilitong tanong ko sa kaniya.

"I'll explain everything to you later."

Pinigilan ko na lang ang sarili ko na magtanong nang magtanong dahil baka masigawan pa ako ni Tyler dito. Sa totoo lang ay may pumapasok na sa isip kong ideya tungkol sa nangyari pero 'wag naman sana.

Pagkarating namin sa ospital ay agad naming tinanong kung saan ang kwarto ni Cheska.

"Cheska Leigh nga!" galit na sigaw ni Tyler sa nurse na naka-duty.

"Sir, wala nga po. Ano po bang surname?" malumanay pa ring ani ng nurse.

"Aquino. Cheska Leigh Aquino!"

Hinawakan ko na ang braso ni Tyler dahil parang kaunti na lang ay masasapak niya na ang mga nakapaligid sa kaniya.

"Wala po talaga, Sir."

"Tyler, will you, please, calm down?" Jacob said in a low voice.

"Nasa'n si Cheska?" Ako ang unang nagtanong dahil kanina pa ako sobrang nag-aalala para sa kaibigan ko.

Hindi umimik si Jacob at basta na lang siya lumapit sa may green na kurtina. Nang mabuksan niya iyon ay doon namin nakita si Cheska na walang malay. Putlang putla siya at parang kaunti na lang ay mawawalan na talaga siya ng dugo.

"What happened to her?" Marahan akong umupo sa gilid niya at saka ko hinawakan ang kamay niya. Mukha siyang pagod na pagod at parang wala nang buhay dahil sa pagkaputla niya.

"She's gonna wake up soon, that's what the doctor told me a while ago. She just passed out because of..." Pinutol niya pa ang dapat niyang sabihin kaya sabay kaming napatingin sa kaniya. "...stress."

"Jack... It's because of him, right?" mariing sabi ni Tyler saka muling tinignan si Jacob.

"No..."

"Stop covering him up. This is Cheska, our friend" Tumayo na sa puntong ito si Tyler para tapatan si Jacob kaya napatayo rin ako para pigilan sila. Nakahihiya, nasa ospital pa naman kami.

"Sir, lumabas po muna kayo. Marami na po kayong naiistorbong pasyente rito sa ER," mahinahon na wika ng guard kasabay ng paghawak nito sa balikat ni Tyler na agad ring tinabig ng huli at nauna nang lumabas.



Jacob.

I was looking for Cheska when I saw Jack walking toward my direction, I was about to ask him if he saw Cheska or if they have talked already.

"Did you see her?"

"No. Get out of my way, Villanueva." His eyes were fraught with anger when he looked at me.

I just ignored him and continue searching for Cheska. I don't get myself either. This has nothing to do with me and Cheska. She's nothing to me but I don't know why my body does the opposites.

"Cheska?"

I was shocked to see Cheska lying on the ground and unconscious. I quickly approached her and check her pulse. I sighed in relief when I felt her pulse then I gently carried her to my car to take her to the nearest hospital.

When we arrived, the nurse and the doctor immediately attended to us and gave Cheska the treatment she needed. As I wait for them to finish, I tried calling Tyler. It took 3 calls before he finally picked his phone up.

~

"What happened?" he asked, already losing his temper.

"I don't know..."

"Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko sa kaniya. Kaibigan namin si Cheska at babae pa."

Naisip ko na rin na maaaring si Jack nga ang dahilan ng nangyari. Pero sinong nakaaalam? Tanging si Cheska lang.









~Itutuloy...

THE MAN WHO CAN'T BE MINEWhere stories live. Discover now