Chapter 5

202 109 29
                                    

Jack.

I'm planning to talk to Cheska but it looks like she's avoiding me. Did I do something wrong? At kailan pa sila naging close ni Jacob? Ako best friend niya, ah? Mamaya ka sa 'kin talaga.

Alam kong may problema siya at sanay naman ako na 'pag ganyan ay ayaw niyang makipag-usap sa kahit sino. Pero 'di ko alam na 'pag si Jacob ay pwede.

"Away kayo?" tanong ni Tyler nang mapansin ang kunot ng noo ko nang dumaan 'yong dalawa sa harap ko.

"Hindi ko alam," pagsasabi ko ng totoo.

"Labo niyo. Ligawan mo na kasi para hindi ganyan na 'di mo alam kung saan ka lulugar." Tinapik niya pa ang likod ko bago balingan ulit si Coleen at ayain mag-lunch. Cheska is just a childhood friend to me at alam kong gano'n din siya sa akin.

Time had passed and finally, dismissal na. Nauna na akong lumabas dahil alam kong tatakasan ako ni Cheska. Gaya ng iniisip ko ay nagmamadali siyang naglalakd pero bago pa siya makalayo ay nahawakan ko na ang braso niya. Hinila ko siya palayo sa maraming estudyante at dinala ulit malapit sa room namin.

"Let's talk," seryosong sabi ko.

"We're talking," pilosopong wika niya.

Parang gusto na agad maubos ng pasensya ko dahil sa inaarte niya sa akin. Hindi naman siya ganito kaya alam ko na may problema talaga.

"I'm trying to be nice here."

"Try harder," she teased.

Ngumiti ako sa kaniya at marahan akong lumapit sa kaniya kaya bigla siyang kinabahan. Sa sobrang kaba niya ay 'di niya namalayan na kaaatras niya ay pader na pala ang sunod niyang aatrasan. Nagulat siya nang ikulong ko siya sa dalawa kong braso.

"Stop playing, Jack!" galit na saway niya sa akin.

"I'm not... Galit ka pa ba sa akin?" kalmadong tanong ko.

"Bakit ako magagalit sa 'yo?" mas kalmadong tanong niya.

"You're ignoring me. Por que close ka na sa ex crush mo, ginaganyan mo na ako. Fake friend," biro ko pa sa kaniya kaya napangiti siya nang bahagya.

"Stupid. I'm just having a hard time kanina pero okay na ako ngayon." Ngumiti siya pero alam kong hindi siya masaya.

"Isaw tayo?" aya ko bigla na pinagtaka niya pero pumayag din naman kalaunan.

"Thank you, ah?" biglang sabi niya habang naglalakad kami papunta sa motor ko.

"No problem. Basta ikaw."

Tahimik lang siya hanggang makarating kami sa isawan na lagi naming kinakainan kaya inakbayan ko siya para kahit papano ay maramdaman niya na nandito 'ko sa tabi niya as a friend.

"Bakit ang manhid ng kaibigan mo?" she suddenly asked.

"Tyler?" paniniguro ko at nang tumango siya ay napabuntong-hininga ako. "Hindi sa manhid siya, sadyang wala lang talaga siyang ideya sa nararamdaman mo. Matalino si Tyler at siguro ay nahahalata rin niya pero binabalewala siguro niya dahil ang alam niya ay kaibigan lang din ang tingin mo sa kaniya," paliwanag ko at pagtingin ko sa kaniya ay pinupunasan niya na ang pisngi niya.

"It's unfair."

"Life is unfair."

"Alam mo, kung ayaw niya sa akin, e 'di wag. Hindi lang siya ang lalaki sa mundo," masungit na sabi niya. Napapangiti na lang ako dahil sa mga pinagsasabi niya, e.

"Ubusin mo na nga 'yan at baka pagod lang 'yan. Ihahatid na kita pagkatapos." Hindi niya ako pinansin at basta-basta na lang kinain ang isaw niya. Kinuha ko ang panyo ko sa bulsa at pinunasan ang gilid ng labi niya. "Tsk! napakakalat talaga kumain." Ngumiti lang siya at parang walang paki sa sinabi ko.

THE MAN WHO CAN'T BE MINEOù les histoires vivent. Découvrez maintenant