Chapter 18

96 51 8
                                    

Cheska.

Isang linggo ang lumipas matapos ang nangyari sa akin at ang usapan namin ni Jack. Walang nakaaalam sa totoong nangyari dahil ayokong malaman nila na nawalan ako ng malay matapos naming mag-usap. Ayokong mag-away sina Jack, Jacob, at Tyler dahil lang do'n at ayaw kong isisi nila kay Jack ang lahat.

"Kain na. Kanina ka pa tulala r'yan." Tinapat ni Coleen sa bibig ko ang tuna pie na binili ko. Kanina ay mainit pa 'yan, ngayon ay kasing lamig na nito si Jack.

"You should eat a lot," paalala ni Jacob habang kumakain sa tabi ko.

"You should talk to Anne," bulong ko sa kaniya.

"She doesn't want to talk." Pagkasabi niya niyon ay kinagatan niya ang tuna pie na hawak ko. Ano bang problema ng lalaki na 'to?

Nawala sa kaniya ang atensyon ko nang pumasok si Jack sa loob ng cafeteria. Nang magtagpo ang mga mata namin ay agad siyang umiwas. Kung dati ay parang bata siyang excited akong makita, ngayon, hindi na.

Kung sana, alam ko ang dapat gawin para lang magkabati kami, e 'di sana ay matagal ko nang ginawa. Pero paano? Hindi ko nga alam kung anong kasalanan ko kung bakit siya galit na galit sa akin. Malabo pa siya sa malabo.

"Ayoko na talaga ng subject na 'to! Ito na 'ata papatay sa akin," reklamo ni Tyler habang nakatingin sa notebook niya. May assignment kasi kami, tapos 'di niya matapos-tapos.

"Kung gusto mo, ako na lang gagawa para sa 'yo." Ngumiti ako sa kaniya nang matamis at ngayon pa lang ay nagsasaya na ang puso ko dahil alam ko na 'di siya makatatanggi sa akin.

"Talaga?" paniniguro niya habang ang mga mata ay kumikislap sa tuwa.

"Yes, but in one condition," I smirked but it didn't last long.

"Anything!" Nilapit niya masyado ang mukha niya kaya lumayo ako nang bahagya bago hawiin ang pisngi niya. Napaka-hyper naman.

"You'll know." I smiled meaningfully.

"Okay... here." Inabot niya sa akin ang notebook niya. Tuwang tuwa na siya ngayong kumakain ng lunch.

I'm planning to use him as a bridge to Jack. If Jack won't listen to me, then maybe he'll listen to his best friend.

"Hi. Can I have a word?"

"Yeah, sure. Biglaan 'ata?" Tumayo na ako dahil mukhang hindi niya gustong makipag-usap dito.

"I'm just worried. Coffee?" Umiling lang ako dahil isa yun sa pinagbawal sa akin ng doctor.

Nababagalan 'ata sa akin si Ate Scarlet kaya inakay niya na ako para makasabay ako sa kaniya.

"Naging kayo ba?" pangdidiretso niya sa akin pagkatapos niyang mag-order. Syempre, hindi agad ako nakasagot.

"H-hindi ko po maintindihan," nalilitong wika ko dahil saan ba nanggagaling 'yang tanong niyang 'yan?

"Hindi ka naman siguro aarte ng gan'yan kung hindi naging kayo, tama ba ako?" Ngumiti siya sa akin at ako naman ay lalong nalito sa mga pinagsasabi niya. This is not the Ate Scarlet that I know.

"Jack and I are just friends, Ate," pagsasabi ko ng totoo.

"Oh, come on, Cheska. Friends? So why do you keep on chasing him? When in fact, you are not a dog after all." She smirked and tried to hide it, but I still saw it.

"I treasure our friendship more than what you think. And I have a lot of questions that only Jack can answer." I paused to catch some air. "So please, if you won't mind, I'm going." I didn't wait for her answer. I just stood up and walked out.

She's making me feel stupid. How dare she?!

Plano ko sanang bumalik pa sa cafeteria. Pero sa sobrang inis ko ay dumiretso na lang ako sa room. Hindi ko akalain na pati si Ate Scarlet ay gagano'nin ako.

"Okay ka lang?" Hindi na ako nagulat nang marinig ko ang boses ni Coleen na kapapasok lang din ng room. Kanina ko pa siya naramdaman na sinusundan ako.

"Never better." Umirap ako na siyang kinatuwa niya.

"Maldita ka talaga, 'no?" Umupo siya sa tabi ko at pinabayaan ko lang siya sa trip niya.

Mukhang kakausapin niya ako. Pero sa ngayon, wala ako sa mood makipag-usap sa kahit na sino kaya kinuha ko ang earphones ko para makinig na lang ng music. Nakangiti lang siya sa akin habang pinanonood ako sa ginagawa ko. Nagulat ako nang kunin niya ang isa at inilagay yun sa tenga niya. Pinabayaan ko na lang siya at nakinig na ako ng music.

cheskaleigh : Can you talk to Jack for me, please?

TylerG : sabihin mo muna please master

Napairap ako dahil sa sobrang pagkaisip bata niya.

cheskaleigh : please master 

TylerG : libre mo kwek kwek, thanks! bait mo. Balik ka na dito binilhan ka shake ni Jacob



Tyler.

Nagtaka ako nang hindi na bumalik si Cheska sa cafeteria kaya binalak kong sumunod sa kanila. Pero bago pa ako makarating sa pinuntahan nila ay dumaan muna ako sa room. Nagulat ako nang makita si Coleen na nakadantay sa balikat ni Cheska habang nakikinig din ng music.

"Woah, cute," bulong ko.

"Who?" nakakunot ang noo na tanong ni Jacob sa akin.

"None of your business." Binelatan ko siya at naglakad na ako papunta sa bangko na nasa likod ng dalawa.

Balak ko sanang tanggihan si Cheska kanina pero parang hindi ko kaya 'yon. Baka mamaya, hindi niya na gawin yung assignment at malintikan pa ako. Mamayang uwian naman ay may practice kami kila Jack kaya sisimple na lang ako.

"Ayoko na nang paulit-ulit sa pagtuturo sa inyo kaya gawin niyo kung ano ang sasabihin ko." Ano ba 'yan? Umpisa pa lang, init na agad ng ulo pinaiiral.

Sinubukan ng lahat na 'wag magkamali dahil baka ihataw sa amin ni Jack ang guitara niya.

Nang nagpapahinga na kami ay nagkaroon ako ng pagkakataon na kausapin siya. "P're."

"If it is about her, stop." Tinignan niya ako nang masama at parang pikon na pikon na siya sa akin.

"Hindi ko lang maintindihan." Tumawa ako nang hilaw bago nagpatuloy. Mukha namang nakikinig siya kahit naka-focus siya sa pagtotono ng guitara niya. "Bakit ba biglang gano'n?" Kumamot pa ako sa ulo ko at tumingin pa sa taas para kapani-paniwala.

"Hindi mo rin naman maiintindihan, bakit ko pa sasabihin?" Hindi siya tumingin sa akin kaya umamba ako na babatukan siya.

"E 'di ipaintindi mo." Tumawa ako kahit wala namang nakatatawa.

"Bakit pa? Masaya na siya at nakangingiti na nga ulit, 'di ba?" Humarap siya sa akin at parang naubusan bigla ako ng sasabihin.

"You believe that she's okay now? Not because she's smiling, doesn't mean that everything is okay. Don't let that fool you, look in her eyes. She's still in pain, and who cause that?"

Hindi ko na alam kung saan nanggagaling ang mga sinasabi ko. Pero ang gusto ko lang naman ay ang magkaayos sila. Sa aming lahat ay siya lang ang lubos na nakaiintindi kay Cheska.

"She ruined everything and I will never forgive her."









~Itutuloy...

THE MAN WHO CAN'T BE MINEWhere stories live. Discover now