Chapter 1

653 122 34
                                    

Cheska.

Nakatingin lang ako sa labas ng bintana habang umaandar ang sasakyan ng kapatid ko. Ngayon ang unang araw ko bilang isang senior high at hindi ko alam kung anong klaseng enviroment ang sasalubong sa akin. Kinakabahan din ako sa mga terror daw na teacher sa STEM Department. Hindi ko alam kung bakit ko pa ba pinilit ang strand na ito. Gusto ko lang naman maging doctor pagdating ng araw. Jusme!

"What are you thinking?" my older brother asked when he noticed my silence.

"Wala lang, Kuya Justin," maikling sagot ko. Saglit kong pinalis ang mga iniisip ko nang makarating kami sa paaralan na papasukan ko.

Paglabas ko ng sasakyan ay bumungad sa akin ang napakalaking paaralan ng NEU. My dream school...

He is Justin Swansea. Nakatatandang kapatid ko at isa sa mga campus crush pero hindi s'ya tulad ng ibang guy na lolokohin ka lang. Loyal s'ya at  sa 'kin dahil bunso. Matanda siya sa akin nang limang taon at ngayon ay graduating na siya.

"Kanina ka pa kasi tahimik d'yan." Hindi ko na lang ito pinansin hanggang sa hindi ko namalayan na nakarating na pala kami sa University.

"We're here, Cheska." Bumaba na ako ng sasakyan at iniwan si Kuya sa parking lot. For sure naman kasi ay hihintayin niya pa yung mga tropa niya.

Habang naglalakad ako, nakakita ako ng isang pamilyar na mukha. "Clarisse?" malumanay na tawag ko sa kan'ya.

"Hey, Cheska." Ngumiti siya bago lumapit sa akin para bumeso at umakbay.

"Nasan si Minchie?" tanong ko sa kaniya. Si Minchie ang isa pa sa mga kaibigan ko.

"I'm here, sissy."

Nilingon ko ang nagsalita at napangiti naman ako nang makita si Minchie. Pero agad ring nawala ang mga ngiti na iyon nang makita ko ang kasama niyang babae. Who the hell is that?

"Uhm, by the way, si Coleen Ferrer nga pala. Childhood friend ko," pagpapakilala niya sa kasama. Siguro ay napansin niya ang kuryosong pagtingin namin sa kaniyang kasama.

"Hi, I'm Coleen," nakangiting sabi niya sabay abot ng kamay sa akin. Hindi ko sana aabutin pero nakakaawa naman. Ngumiti ako nang peke bago tuluyang inabot ang kamay niya at magpakilala.

"I'm Cheska." Binawi ko rin agad ang kamay ko at nakita ko ang pagdaan ng gulat sa kaniyang mga mata pero agad rin siyang nakabawi at ngumiti.

Hindi rin nagtagal ang pag-uusap namin dahil nag-ring na ang bell at kailangan na namin pumunta sa kaniya-kaniyang room. Akala ko, magkakahiwalay kami. Pero dahil sa listing na pinakita niya sa akin ay mukhang magkakasama lang kami except kay Clarrise na Grade 12 na.

Habang naglalakad ay nakasabay namin si Jacob at si Jack. Si Jack lang ang close ko sa kanila kaya siya lang ang pinansin ko. Umakbay siya sa akin na hindi ko naman pinansin na dahil wala naman iyong malisya pero mukhang sa katabi ko ay mayroon. Kalalaking tao, umiirap. Napaka-mature natin diyan, Villanueva.

"Sabi, may pa-assignment daw agad sa first subject natin. Balita ko lang naman, ha? Kasi malupit 'yang teacher natin d'yan sa Bio," pag-chika sa amin ni Jack.

"Baka naman hindi kasi first day pa lang." Ngumuso ako. Dahil kung totoo yun ay parang gusto ko na agad sumuko at maging pasyente na lang kaysa doctor.

"Napakadali lang ng Biology, P're. Parang study of life lang, kinakabahan na kayo?" Maangas siyang ngumiti na siyang kinainis ko.

"Hambog," bulong ko pero mukhang narinig pa rin niya dahil tinignan niya ako nang masama. Wala naman akong paki, binelatan ko pa siya para lalong asarin.

"Mature," bulong din niya pero halatang gusto iparinig sa akin. Tignan natin yabang mo 'pag sinuntok kita.

Pagkapasok namin ng room ay nagkakagulo pa kaya nagkwentuhan muna kami. Ako naman ay nag-obserba lang muna sa paligid. Napadako ang mata ko kay Jacob na seryosong seryoso na nakatingin sa cellphone niya. Pati ba naman sa cellphone, awayin? Baka LQ sila ng girlfriend niya. Sunod na napadako ang mata ko kay Coleen at tumaas ang kilay ko sa ginagawa niyang pagnanakaw ng tingin kay Jacob.

She likes Jacob? Napakapangit naman pala ng taste niya.

I'm not mad at Coleen, I just don't like her. May gano'n naman talaga, 'di ba? Yung unang kita mo pa lang sa tao ay ayaw mo na.

"Good morning."

Natigil ang pag-iisip ko nang pumasok ang matangkad na lalaki na sa tingin ko ay nasa 40+ ang edad. Siya na siguro ang bio teacher namin. Hindi naman siya mukhang istrikto, sa palagay ko nga ay mabait siya.

"Group yourself into two," punong-puno ng awtoridad na utos niya. Okay, binabawi ko na ang sinabi ko kanina.

"Partner tayo, liit."

What the hell?! Bakit kay Coleen pa?

"Cheska, may par—" Naputol ang sasabihin sana ni Jack nang tumabi sa akin si Jacob.

"Nauna ako, P're."

"Ano?!" Hindi ko napigilan ang pagsigaw at napatakip na lang ako sa bibig ko nang tignan ako nang masama ng teacher namin. "I'm sorry, Sir."

Paanong nangyari na si Coleen ang inaya niya maging partner? E, halos kakakilala niya lang do'n? Ako ang lagi niyang partner nung highschool kaya umaasa ako na ako agad ang una niyang lalapitan. Sa sobrang dalas nga naming magkasama ay nahulog na ako sa kaniya at alam kong halata naman iyon sa mga kinikilos ko. Alam nga ng mga kaibigan namin na gusto ko siya, e. At parang siya na lang ang 'di nakaaalam.

"Huwag mong ibunton sa akin ang galit mo, babae," masungit na wika ni Jacob.

"Ayoko sa 'yo," pagdidiretso ko.

"As if naman gusto kita." Tumingin siya sa akin at nginisihan ako. Kung wala lang teacher sa unahan ay kanina ko pa siya pinatulan.

"May iba naman kasi, bakit ako pa? Bahala ka r'yan. Si ano gusto kong partner."

Tatayo na sana ako para kay Jack na lang pumareha nang bigla niyang hawakan ang kamay ko para pigilan ako. Ano ba ang problema ng Villanueva na ito?

"Alam mo? 'Tang ina mo," gigil na bulong ko sa kaniya. Binawi ko ang kamay ko na hawak niya at tumingin na lang ulit sa unahan para basahin ang sinusulat ni Sir sa unahan.

"Ayaw mo bang gumanti?" maya-maya ay sabi niya.

Napalingon ako sa kaniya at saglit pa akong natulala sa sinabi niya. Hindi naman ako tanga para hindi maintindihan ang gusto niyang ipahiwatig. Is he suggesting na gantihan ko ang kaibigan niya?

"Shut up, Jacob."

"Make me," he said in a seductive way. Halos masuka ako sa tono niya nang sinabi niya yun. Nakadidiri!

"Biology is considered as a major subject so, please, pay attention. Nakikita ko sa mga mata niyo na kinakabahan kayo. Pero ako na ang nagsasabi sa inyo na 'wag kayong kabahan. Makinig lang kayo sa mga ituturo ko at siguradong may maisasagot kayo." Inilibot niya ang paningin sa buong klase bago muling magsalita.

"Siguro ay nagtataka kayo kung bakit unang araw pa lang ay pinahanap ko na kayo ng kapareha. 'Yang mga kapareha niyo ang makakasama niyo hanggang mag-end ang 1st semester. Sa reports, recitation, at iba pa. Sila ang study partner niyo para mas maging madali ang pag-aaral. Pero payo ko lang na 'wag kayong masyadong umasa sa isa't isa. Learn to be independent. Dahil hindi sa lahat ng oras ay makakasama mo sila. Just imagine, may report at absent ang partner mo. See?"

Ibig sabihin ay makakasama ko 'tong Villanueva na 'to hanggang sa katapusan ng first sem? Wala akong problema sa itsura niya dahil gwapo naman siya.  Crush ko nga siya dati, kaso ay isa ring gago. Ma-attitude. Mas maganda sana kung si Tyler na lang kasi! Ano ba naisip nito at ako pa nilapitan!

"Quit staring," kalmadong wika ng katabi ko. Naramdaman niya pa yun? Lakas naman ng pakiramdam nito. Sana, maramdaman din niyang ayaw ko sa kaniya.













~Itutuloy...

THE MAN WHO CAN'T BE MINEWhere stories live. Discover now