Chapter 4

215 106 27
                                    

Cheska.

Mabilis lang kaming nakarating sa school dahil maaga pa at wala pang traffic masyado. Pagpasok namin sa gate ay nadaanan pa namin sila Minchie, Tyler, at Clarisse na naglalakad. Siguro ay kadarating pa lang din nila.

"Hoy! Sabay kayo? Yiee, ship!" pang-aasar sa amin ni Tyler. Ouch.

"At mukhang sabay rin sila nag breakfast. Yiee!" gatong pa ni Minchie. Ngumiti na lang ako para 'di nila mahalata ang totoong nararamdaman ko. Palitan na dapat pangalan nito ni Tyler, e. Tyler Ian 'Manhid' Gonzales, 'yan dapat pangalan niya!

Habang nagkukwentuhan kami ay may babae at lalaking lumapit sa amin para magtanong. "Hello, alam niyo ba kung saan ang STEM building?" tanong ng babae sa amin.

"Ah, opo. Sino pong kailangan nila?" Ako na ang sumagot.

"Ah, naiwan kasi 'to ng anak namin." Pinakita niya sa amin ang isang flash drive.

"Tito Raymond, kayo po pala 'yan. Sorry po, 'di ko kaya napansin. May tumawag po kasi sa akin." Nabigla ako nang magsalita si Tyler bigla. "Ah, guys. Ito nga pala ang papa ni Coleen," pakilala niya.

"Coleen? Yung maliit?" mahinang wika ko pero siniko ako ni Tyler kaya inis akong lumingon sa kaniya.

"Ayan ang tatay, oh," gigil na bulong niya sa akin. Buti ay hindi narinig nung magulang ni Coleen dahil busy sila mag-usap.

"E 'di matangkad, tss!" asik ko.

"Ako na lang po ang magbibigay sa kaniya. Ako rin po kasi ang partner niya."

Silang tatlo na lang ang nag-usap at naitsapwera na ako. Matapos nila mag-usap ay bumalik na sa amin si Tyler. Ang nakakainis pa lalo ay bukang bibig niya si Coleen. Parang tanga. Ako kasama pero iba gustong makita. Napakapangit mong ka-bonding, Tyler!

Pagkarating namin sa room ay kaagad niyang tinabihan si Coleen at ako naman ay parang tangang nakatingin lang sa kanila.

"It's okay. Okay lang 'yan," mahinang ani ko sa sarili ko.

"Hey, babes! Labas tayo mamaya?" aya sa akin ni Jack.

"No, thanks," matamlay na sagot ko.

"Nagtatampo na ako sa 'yo." Ngumuso pa siya at parang batang 'di nakuha ang gusto.

"Not now, Jack, please?"

"Mag-usap tayo mamaya," seryosong ani niya pero inirapan ko lang siya.

Nagsimula na ang klase at pinilit ko na lang ang sarili na makinig sa mga lesson na tinuturo ng teacher namin. Happy crush lang kasi dapat. Bakit naman gan'to bigla? God, please, help me remove these unwanted feelings.

"Tara?" Nawaglit bigla ang mga iniisip ko nang biglang ayain ako ni Jacob.

Tumayo na lang ako, saka kinuha ang wallet at phone ko sa bag bago ako tuluyang sumama sa kaniya. Nadaanan namin si Jack at ngumisi lang siya nang makita ako. Problema ba nito? 'Di naman siya inaano, e.

"You okay?" maingat na tanong sa akin ni Jacob. Ngumiti lang ako sa kaniya para 'di na siya mag-alala pa or ewan sa kaniya.

"Friendly lang talaga si Tyler kaya 'wag ka nang magselos kay Coleen," mahinang ani niya.

"Kung nauutusan lang ang utak na 'wag na magselos, e, kanina ko pa ginawa," mapait kong wika na kinatahimik niya.

"Cheska?" Tumingin ako sa kaniya nang tawagin niya ako.

THE MAN WHO CAN'T BE MINEWhere stories live. Discover now