Chapter 10

159 95 11
                                    

Coleen.

Time Check, 4:30 AM

"Hmm, kailangan ko na palang mag-ready. Baka ma-late pa ko," antok na antok na sabi ko.

Bumangon na ako para maghanda ng umagahan at saka ng babaunin ko. Nagluto ako ng tatlong itlog para sa umagahan at pritong manok naman na dadalhin ko sa school. Pagkatapos kong ayusin ang baon ko, kinuha ko na yung tuwalya at dumiretso sa CR.

After kong maligo, nagbihis na ako." Nag-white t-shirt na lang ako, saka jogging pants. More comfortable kasi 'pag ganito.

Habang naglalakad ako patungong school, nakarinig ako ng boses na tumatawag sa pangalan ko kaya naman hinanap ko kung sa'n ito nanggagaling.

"Coleen! Oyy, Coleen!" Teka, si Tyler ba yun? Nilingon ko kung saan nanggagaling yung boses at doon ko nakumpirma na si Tyler nga.

"Woah, grabe! Ang bilis mong maglakad," hinihingal na sabi niya. Natatawa naman ako sa itsura niya. Haha, aga-aga, haggard agad.

"Bakit ba kasi?" natatawang sagot ko.

"At bakit ka naman natawa?" Ay, ang cute naman niya mainis. Dikit na dikit kasi yung kilay niya sa sobrang pagkakakunot.

"Wala lang naman... Pfft..." 'Di ko talaga mapigilan tumawa.

"Tsk, tara na nga." Ayun na nga at naglakad na kami papuntang school.

At nang makarating kami... "Una na ako. Doon na yung Music Room, oh." Sabay turo niya sa direksyon ng Music Room.

"Sige. Good luck sa practice!" nakangiting sabi ko.

"Naku! Gaganahan ako n'yan. Akalain mo yun? Nag-good luck sa akin ang babaeng mahal ko?"

"Haha, syempre nam— Teka, ano?!" Ayun, hindi ako sinagot. Tumakbo ang mokong.

Hindi ko na lang inintindi ang sinabi ni Tyler. Nang makarating na ako sa stage, halos kumpleto na sila. Isa na lang ang kulang, si Dolly.

"Oyy, Coleen. Good morning," nakangiting bati sa akin ni Cheska, kaya ngumiti rin ako kahit medyo nag-aalangan ako.

"Good morning din." Naninibago talaga ako kay Cheska. Hindi naman kasi s'ya gan'to dati. Noon, halos patayin niya 'ko sa mga titig niya.

"Tsk, 'wag ka ngang ganiyan. Tara na, do'n tayo kila Shan," aya niya sa akin at sumama naman ako para makilala ko siya lalo at maging totoong magkaibigan na kami.

After 15 minutes...

"Guys, tara na. Start na tayo." Pagkarating ni Dolly ay yun agad ang sinabi niya. Basa pa ang buhok niya at mukhang 'di pa natuyo nang maayos. Nagmamdali 'ata pero buti naman ay dumating na siya.

"Thank God, Dolly, dumating ka na." Tumayo si Marie para salubungin ang kaibigan.

"Sorry, guys. Formation na, bilis. Double time, guys," aligagang sabi ni Dolly.

Si Ate Ash ang nag-ayos ng formation namin at inabot kami ng 30 minutes para makabuo lang ng magandang formation.

— Back:
Jacob - Cheska - Manuel - Marie - Mike - Zanah

— Middle:
Ako - Carlo - Dolly - Bob - Janelle - Alexander

— Front:
Shan - Minchie - Nadine - Anne - Lyn

Matapos ayusin ang formation, pati na rin ang sa back up dancer na galing sa isang section, nagsimula nang magturo si Ate Ash. I know her, sikat siya rito sa university.

"Okay, guys, mukhang mabilis kayong matuto. Maganda 'yan!" nakangiting sabi ni Ate Ash habang pumapalakpak. "Now, let's move on. Actually, hindi ko na ituturo yung actual step ng sayaw. Kukuha lang ako, tapos ay dadagdagan na lang."

E 'di good. Nahihirapan ako sa steps niyon, e.

"Dolly and I decided na 'A Thousand Years' ang sasayawin sa interpretative dance," paliwanag ni Ate Ash.

"At ang gagawa ro'n ay yung mga nasa likod, habang yung iba naman, pupunta na sa back stage," sabi ni Dolly.

"Ano?!" Gulat na gulat si Cheska, ah?

"Bakit, Cheska? Is there any problem?" tanong sa kaniya ni Ate Ash nang malumanay.

"Wala po, Ate Ash. Nabigla lang po ako." Tumungo si Cheska at parang hiyang hiya sa ginawa niya. Kahit ako rin naman ay mahihiya, e.

"Alright then, from the top tayo hanggang do'n sa tinuro ko." In-start na ni Ate Ash yung music kaya sumayaw na kami.

Kanina pa ako may napapansin na kakaiba kina Jacob at Anne. Parang nagiging extra close sila or ako lang yun? Sa pagkakaalam ko, si Cheska ang pinopormahan ni Jacob ngayon. O baka naman mali rin ako sa part na yun? Kanina pa ay narinig ko sina Marie at Anne na nag-uusap tungkol sa pagbibigay ng number ni Anne kay Jacob.

"Hoy, okay ka lang? Para kang puppet d'yan na sunod lang nang sunod sa mga ginagawa namin."

"May iniisip lang, Ches."

Pinagpatuloy na namin ang pag-eensayo at kahit papaano ay nakasasabay naman kami. Ngayon ay nakapahinga kami, pinanonood sina Cheska at Jacob na sumayaw para sa interpretative dance nila. Sila yata ang magiging center ng sayaw kaya halos sa kanila naka-focus si Ate Ash.

"Nabalitaan mo ba?" biglang tanong ni Lyn sa akin pagkaupo niya sa tabi ko.

"Oh, ano na namang chismis ang nasagap mo?" walang interes na tanong ko.

"Hindi chismis 'to, 'no! Totoo 'to. Narinig ko kanina sina Anne at Marie na nag-uusap about kay Jacob. And guess what?! Nanliligaw na si Jacob kay Anne. Grabe, 'di ako makapaniwala. Ang buong akala ko, si Trina pa rin."

Natatawa ako sa itsura niya dahil mukha talaga siyang gulat na gulat sa nabalitaan niya samantalang ako, hindi na dahil kanina ko pa napapansin. Napaka-lowkey lang talaga nila dahil si Cheska talaga ang akala ko.

Hindi na ako nagsalita pa at nagpatuloy na lang sa panonood. Sana, pwede nang umuwi dahil inaantok na agad ako. Napuyat kasi ako kanonood ng kdrama. Matutulog na sana ako kaso nag-play yung isang episode kaya nahiya na akong hindi panoorin.

"Si Coleen po?"

Tyler!









~Itutuloy...

THE MAN WHO CAN'T BE MINEWhere stories live. Discover now