Chapter 3

263 110 29
                                    

Coleen.

May na-fi-feel talaga ako rito kay Tyler, e. Parang may iba, may hindi tama. Alam n'yo yung gano'ng feeling? Naku, 'pag ako pa naman nag-feel, laging tama!

Bigla akong napatingin sa bintana ng kwarto nang marinig ko ang busina ng sasakyan sa tapat ng bahay. "Oh, sino naman 'tong dumating?" mahinang tanong ko sa sarili.

Kinuha ko ang cellphone ko at tinignan ang oras bago ako tumayo at lumabas ng bahay para tignan kung sino ang dumating na bisita. Napako ako sa aking kinatatayuan nang makita ang lalaking nakasandal sa kaniyang sasakyan.

"Tyler?" Tumunghay siya kaya confirmed, mga teh! Siya nga! "Anong ginagawa mo rito?" sunod kong tanong.

"Sinusundo ka." Ngumiti siya nang malaki at parang proud na proud pa siya na nandito siya sa harap ko.

Huh? Binigyan ko siya ng what-are-you-talking-about look. Kasi sinong hindi magtataka, e, bigla-bigla siyang sumulpot dito sa amin?

Tinanggal niya ang shade niyang suot nang hindi pa rin ako makaimik. Tinignan niya ako na parang 'di siya makapaniwala sa akin. "Coleen, may research tayo, 'di ba?" hindi makapaniwalang sabi niya.

"Ay, oo nga pala. Sige, wait lang. Kunin ko lang yung notebook ko," paalam ko sa kan'ya. Pumasok na rin ako sa loob, magpapaalam pa 'ko kay mudrabells.

"'Ma, alis lang po ako saglit," agad kong wika nang makita ko si Mama.

"Saan ang punta mo, 'Nak?" Tumingin siya sa akin at tinigil ang kaniyang ginagawa.

"Sa bahay po ni Tyler, 'Ma," maikling sabi ko dahil baka humaba pa ang usapan at matagalan pa ako.

"Oh, sige. Mag-iingat ka, ha?"

Lumabas na ako ng bahay matapos kunin ang mga kailangan ko.

"Ang tagal mo naman, Coleen," bagot na bagot na sabi ni Tyler. Hindi ko siya inimik dahil baka mabatukan ko siya. 15 minutes lang naman, e. Napakaarte.

"Salamat," tanging wika ko nang pagbuksan niya ako ng pinto ng kotse. Baka 'pag pinuri ko pa, e, yumabang.

15 minutes yata kaming nagbiyahe para makarating sa bahay nila. Sa totoo lang, kinakabahan ako. Kasi balita ko, masungit ang nanay nito, e. Bumaba na ako ng kotse. Kasi naman, parang may hinihintay pa 'tong isa, e. Tulala, mga best!

Malayo pa lang, natatanaw ko na ang isang babae. Hmm, maybe nanay 'to ni Tyler.

"Hello po," nakangiting sabi ko. Tumango siya saka binalingan ng tingin si Tyler.

"Oh, Tyler, bilisan mo r'yan. Naghanda ako ng makakain niyo."

"Opo, 'Ma. Pakidala na lang sa study room." Pagkatapos niyon ay pumasok na kami sa loob ng bahay nila.

Ang ganda ng bahay, saka mukhang pang-mayaman ang mga gamit. Dumiretso kami ni Tyler sa study room kuno nila.

"Uhm, ako na lang maghahanap sa libro, ta's ikaw sa Google," suhestiyon niya habang tumitingin ng librong pwede naming gamitin sa report namin.

"Uh, sige," pagsang-ayon ko.

Bago ko itinuon ang buong atensyon ko sa laptop ay pinagmasdan ko muna siya. Ang gwapo pala niya 'pag ganiyan siya kaseryoso. Gusto kong matawa dahil kunot na kunot ang noo niya habang tumitingin ng libro. Nakangiti tuloy akong nag-type sa laptop, pero agad ring napawi iyon nang tumabi na siya sa akin.

Habang tumatagal ay parang naiilang ako kaya ako na ang gumawa ng paraan para mawala yung mabigat na atmosphere dito.

"Uhm, Tyler, bakit ba ako yung pinili mo na partner?" Noong isang araw ko pa yun gustong itanong sa kaniya, e. Nahihiya lang ako dahil baka magtunog ewan yung tanong ko.

THE MAN WHO CAN'T BE MINEWhere stories live. Discover now