Chapter 20

97 45 1
                                    

Coleen.

This is unbelievable! Hindi ako makapaniwala na mas lalong lalalim ang nararamdaman ko para kay Tyler. Sa araw-araw na nakakausap at nakakasama ko siya ay mas lalo akong nahuhulog.

Nakahihiya dahil gusto lang 'ata niya na 'wag ako ma-out of place sa school na 'to at maging aktibo ako sa mga school event. Tapos sa akin, may iba nang meaning ang lahat.

"Anong iniisip mo?" Hindi ko namalayan na kanina pa pala si Cheska sa tabi ko.

"Everything about him."

"Everything about who?"

"Tyler," wala sa sariling sabi ko.

"Ano?!" Napatayo pa si Cheska sa naging sagot ko at doon ko lang din napagtanto na nasabi ko sa kaniya kung sino ang crush ko.

"Shh!" Hinila ko siya pabalik sa upuan at humingi ng pasensya sa mga kaklase namin na naistorbo niya.

"You like Tyler? I mean, yes, he's attractive... But how?" She looked really shocked and curious.

Napabuntong-hininga ako dahil wala na 'ata akong ibang choice kun'di ang sabihin ang totoo kay Cheska. Dahan-dahan kong itinango ang ulo ko bilang pagsagot.

"Kailan pa?"

"Sa totoo lang, hindi ko alam kung kailan 'to nagsimula. Bigla na lang, e. Isang araw, paggising ko, gusto ko na siya." Bumuntong-hininga ako dahil nahihiya ako maglabas ng saloobin sa kaniya.

"Have you tried telling him?" Lumingon ako sa kaniya at sa itsura at tono ng pananalita niya ay halatang nag-iingat siya sa mga itatanong at sasabihin sa akin.

"Hindi. Kasi ayokong sabihin niya na hindi kami pareho ng nararamdaman kahit mukha namang gano'n talaga ang nararamdaman niya. Ako lang 'tong tangang umaasa."

"Tyler is a nice guy and he would never want to hurt someone. Kaya alam ko na hindi ka niya sasaktan." Ngumiti si Cheska sa akin.

Hindi ko akalain na sa kaniya ko maririnig ang mga salitang 'yon. Parang noon lang, gusto niya akong sabunutan. Pero ngayon, siya na ang karamay ko. And the fact that he also liked Tyler before.

"I know what you are thinking and it's not like that." She sounded defensive.

"Hala, hindi naman sa gano'n. Hindi lang ako sanay na ganito na tayo," paliwanag ko sa kaniya kasi baka mamaya, sampalin ako nito. Laki-laki pa naman niya.

"Stupid. Kaibigan na rin kita kaya sinasabi ko sa 'yo 'to."

"Thanks but no thanks. Ayokong umamin sa kaniya." Bakit ako aamin? Mawawala rin naman 'to.

Alam kong ayaw niya sa akin. At sino naman ako para ipagpilitan kay Tyler ang sarili ko? Isa pa, kaya ko namang tanggapin na hanggang kaibigan lang talaga. Mas maigi nga ang ganoon, pwede ring kalimutan ko na lang 'tong feelings na 'to kuno.

"Liit! Uuwi ka na ba? Sabay ka na sa akin." Inakbayan na ako ni Tyler kaya hindi ko na nagawang makatanggi.

Kasasabi ko lang kanina na magmu-move on na ako pero heto ako ngayon, nasa iisang sasakyan kasama si Tyler.

Napakarupok mo Coleen!

Parang gusto kong ihataw ang ulo ko sa inis sa sarili ngayon.

"Hoy, ang tahimik mo naman 'ata ngayon?" Nagsalita si Tyler kaya parang tinambol ang puso ko. Grabe naman epekto sa akin ng lalaking 'to.

"Coleen, kasama pa ba kita?" Tumingin sa akin si Tyler pero mabilis niya rin namang ibinalik sa daan ang paningin niya.

THE MAN WHO CAN'T BE MINEDonde viven las historias. Descúbrelo ahora