Chapter 2

360 120 33
                                    

Cheska.

Walang gana akong bumangon sa higaan ko nang mag-alarm ang phone ko. Tamad na tamad akong naglakad papasok sa bathroom para makaligo na dahil baka 'pag hindi pa ako gumalaw ay magalit na naman si Mama.

Hindi ko na nagawang i-adjust ang temperatura ng tubig kaya halos mapasigaw ako nang lumapat sa balat ko ang malamig na tubig. Minadali ko na lang ang pagligo at baka mamaya ay 'di na naman ako makapag-almusal sa kakamadali.

"Anak, bilisan mo sa pagbibihis at hinihintay ka na ng kuya mo," rinig kong sabi ni Mama sa labas ng kwarto ko.

Muli kong tinignan ang sarili ko sa salamin bago ko napagdesisyunang lumabas na. Humalik ako sa pisngi ni Mama at saka umupo at kumagat ng pandesal. Balak ko sana mag-rice, kaso ay baka masira diet ko kaya oatmeal na lang talaga. Minadali ko na ang pagkain dahil parang nilalandi ako ng bacon at hotdog.

"Una na po ako." Tumayo na si Kuya kaya napatayo na rin ako habang iniinom ko pa ang tubig ko. Atat na atat naman 'tong pumasok. 'Kala mo naman talaga.

"Hoy! Open mo, Kuya." Kinatok ko ang bintana ng kotse niya at binuksan niya naman agad ang pinto.

"Napakakupad talaga kahit kailan! Magsuklay ka nga r'yan, para kang dinaanan ng bagyo. Tss." Masama ang tingin niya sa akin habang sinesermonan ako. Aga aga, nanenermon agad, hindi na lang i-save para mamaya. Wala talagang patawad kahit kailan.

Pinabayaan ko na lang siya at kinuha ko na lang ang cellphone ko para magbasa sa group chat namin. Hindi na ako nagulat nang mabasa ang chat ni Jack na ma-le-late daw siya ng pasok. Sus, ano pa bang bago ro'n? Gan'to rin naman siya no'ng nakaraan.

JackTheGreat : I'm gonna be late. Don't wait for me.

cheskaleigh : stupid! bilisan mo, antayin pa din kita

Tinignan ko muna ang My Day ni Tyler na sana ay hindi ko na lang ginawa dahil sama ng loob lang pala ang ibibigay nito sa akin. Short video lang naman yun, nasa room na siya at iilan pa lang ang tao, including Coleen. Nadaanan si Coleen tapos nagtago naman agad ang babae. Narinig ko pa ang boses ni Tyler na sinabihan itong cute. Sa buong pagkakaibigan namin ay 'di niya ako sinabihan ng cute.

Mabilis lang kaming nakarating sa school at parang ngayon pa lang ay sirang sira na ang araw ko dahil sa aking nakita. Nagsimula na akong maglakad sa hallway nang madaanan ko si Jacob na parang may hinihintay.

Hindi ko nagustuhan ang ginawa niyang pagtingin sa akin dahil parang hinuhusgahan niya ang buong pagkatao ko. Nang magkatapat kami ay tumigil ako para magtanong. "Did you see Jack?" I asked.

I'm hoping na bibigyan niya ako ng matinong sagot dahil magkaibigan sila at maayos naman ang pakikitungo namin sa isa't isa kahapon. Pero 'di ko akalain na titignan niya lang ako at biglang tatalikuran. Napahiya tuloy ako sa mga taong nakakita. Ang dating sa iba ay may sinabi ako na katangahan kaya gano'n ang ginawa ni Jacob.

"What the hell?!" mahinang asik ko. Naglakad na lang din ako at 'di na lang hinintay pa si Jack. Napakaswerte ko naman ngayon at puro gan'to ang nangyayari. Sarkastiko akong napangiti dahil sa sinasapit.

Pagkarating ko sa room ay pabagsak kong inupo ang sarili ko sa upuan. Ilang minuto na lang ay dadating na ang teacher namin kaya hindi na ako nag-cellphone. Halos kasunod ko lang si Jack at nang makita niya ako ay agad niya akong tinabihan.

"You okay?" he asked with his concerned voice. I just smiled at him and gave him a thumbs up to assure him that everything is okay.

"Good morning." Our teacher entered our room. And as soon as he started talking, everyone paid attention to him.

"Mr. Gonzales? Oh, there you are. May I ask kung sino ang partner mo? Hindi 'ata kayo nag-pass ng paper kahapon." Tumingin si Sir sa papel niya bago tumingin ulit kay Tyler.

"Still hoping that he'll say your name, Ches?" mapang-asar na tanong ng katabi ko.

Nginitian ko siya at ngumiti naman siya pabalik, pagkatapos niyon ay inapakan ko ang isa niyang paa nang madiin na madiin. 'King ina talaga ng gagong 'to.

"Si Ms. Coleen Rachelle Ramos po, Sir Hedera."



Coleen.

Kahapon ay hindi ko akalain na makahahanap agad ako ng kaibigan dahil bago lang naman ako rito. Pero tignan mo, may dalawa na akong maituturing na kaibigan ngayon sa mga kaklase ko. Si Minchie at Tyler. My friendship with Tyler is quiet unexpected. Hindi ko akalain na ako ang pipiliin niya maging partner kahit na hindi pa naman niya 'ko lubos na kakilala. Parang nag-'hi' lang kami sa isa't isa kahapon, pagkatapos ay ayun na.

Nung oras na pinili niya ako ay hindi nakatakas sa aking paningin ang mga bulungan at masasamang tingin sa akin ng ilan sa mga kaklase kong babae. Naiintindihan ko naman kung bakit ganun, saka tama sila. Baguhan pa lang ako at sila 'ata ay matatagal nang magkakakilala. Ang isa pa ay sadyang pinarinig sa akin na dapat daw ay si Cheska ang partner ni Tyler at hindi ako. Si Cheska, nakita ko rin ang tingin niya sa akin kahapon at gusto ko mag-sorry. Hindi ko alam pero gusto ko kasi siyang maging kaibigan sa kabila ng pagsusungit niya sa akin.

"Morning."

Napatingin ako sa may pintuan nang marinig ko ang lalaking-lalaki na boses at halos mahulog ako sa kinauupuan ko nang makita ko si Jacob na kararating lang. Hinagod niya pa ang buhok niya habang siya ay papunta sa kaniyang upuan. Kasunod niyang pumasok si Cheska at mukhang sabay silang pumunta rito. Hindi ko tuloy maiwasan na hindi malungkot dahil sa sariling inisip.

Totoo ngang tayo rin ang nananakit sa ating mga sarili.

Naalala ko noong una kong makita si Jacob. Enrollment yun at nasa may labas ako ng faculty dahil hinihintay ko ang kaibigan ko nang makita ko siya. Nakapamulsa siyang naglalakad at parang walang paki sa paligid. Naka-black shirt lang naman siya at maong pants pero napakalakas ng dating at alam mong may kaya sa buhay. Sa sobrang tagal kong nakatitig sa kaniya ay pati ang hikaw niyang black sa may left ear niya ay napansin ko.

Mga gan'yang itsura talaga, halatang-halata na 'di mapapa-sa'kin. Napangiti ako sa sarili kong inisip. Tanga mo, Coleen.

"Saya mo naman, liit," biglang salita ng katabi ko kaya napatingin ako sa kaniya.

Si Tyler yung tipo ng tao na madaldal. Hindi mo aakalain yun sa itsura niya dahil napakaseryoso niya kung titignan. Mukha siyang angry bird, hehe. Madaldal na angry bird. Kalalaking tao, ang daldal.

Saglit na minuto lang ang lumipas at dumating na ang teacher namin sa Bio. Nagulat pa ako nang magtanong siya sa partner ni Tyler, e, samantalang nagpasa naman kami kahapon sa kaniya. Pero ang mas ikinagulat ko ay ang pagbanggit din ni Tyler sa pangalan ko.

Grabe naman, bakit naman buong buo? Pwede namang Ms. Ramos na lang. Parang gusto ko tuloy magpalamon sa sahig ngayon.

"You're blushing, Coleen."

Napatakip ako ng panyo sa mukha dahil sa sinabi niya. Bakit lahat na lang ay napapansin nito?

"Please, proceed here and pick one from here." Tinuro niya ang fish bowl na nakalapag sa teacher's table.

"For what po, Sir?" tanong ng isa naming kaklase.

"For your report. Each paper contains one topic at may number din kung ilan kayo sa mag-re-report. Silence. Don't act like I didn't tell you about this yesterday. Gonzales, Villanueva, Alegra, Asuncion, and Dimapilis, kindly proceed here. Ayaw niyo pa magsitayo."

We're doomed...









~Itutuloy...

THE MAN WHO CAN'T BE MINEWhere stories live. Discover now