Chapter 24

92 34 4
                                    

Cheska.

Kusang tumulo ang mga luha ko nang maalala ko ang naging usapan namin kahapon. At ang mas masakit pa ro'n ay hinayaan niya lang akong walang malay nang mga oras na nahimatay na ako. Kung hindi pa ako nakita ni Jacob ay baka hanggang kinaumagahan ay nando'n ako.

"Still awake?" I turned my head toward him when I heard his voice.

"I can't sleep," I murmured and quickly avoided his gaze.

Paano ako makatutulog kung hanggang ngayon ay parang sirang plaka na nagpapaulit-ulit ang mga nangyari kahapon? It feel like it's tearing my heart apart all over again.

"You need to rest. It's already past midnight and it's not good for your health," he worriedly said.

Hindi ko siya pinansin kaya dahan-dahan siyang lumapit sa gilid ng kama at umupo. Ngayon ay halos magkapantay na kami. Ngumiti siya sa akin kaya muli akong napaiwas ng tingin.

"Matutulog na 'ko, pwede mo na akong iwan." Bahagya akong ngumiti at saka ko inayos ang higa ko.

Nang tumayo siya ay akala ko aalis na siya. Pero yun pala, aayusin niya pa ang kumot ko.

"Good night, Cheska."

Pinatay niya ang ilaw sa kwarto at tanging liwanag na lang mula sa lamp shade sa gilid ko ang nagbibigay liwanag sa silid. Dahil sa ginawa niya ay parang unti-unti akong nakaramdam ng antok. Hindi nagtagal ay nakatulog na din ako.

Kinaumagahan...

Nagising ako dahil sa sinag ng araw na tumatama sa mukha ko mula sa bintana ng guest room ng rest house nila Jacob. Hirap akong imulat ang mga mata ko kaya kinapa ko na lang ang cellphone ko side table. Pagtingin ko sa cellphone ko ay napabalikwas ako ng tayo.

"Fvck! It's 8 am and our class starts at 7 am. Gosh! why Jacob didn't wake me up?" Mabilis akong tumayo at sinuot ang tsinelas ko.

Dahan-dahan akong bumaba sa hagdan at pasilip-silip pa na parang tanga. Iniwan ba ako ni Jacob?

Dumiretso na ako sa kusina at hindi ko siya dinatnan kaya binuksan ko ang ref para magtingin ng makakain.

"Good morning."

Napatalon ako sa gulat nang marinig ko ang boses ni Jacob. Nakahawak pa 'ko sa dibdib ko nang humarap ako sa kan'ya.

Hilaw ko siyang nginitian, nangapa muna ko ng sasabihin ko bago nagsalita. "Ang akala ko ay iniwan mo na ako." Ngumiti ako saka dahan-dahang umupo sa may tapat niya.

Hindi siya umimik kaya nagsalita ulit ako. "Bakit hindi mo 'ko ginising?" tanong ko saka kumuha ng tinapay na nakahain.

"I did but you kept ignoring me so I gave up and just let you sleep."

Tumayo siya at kumuha ng hotdog at egg sa ref. Akala ko ay ibibigay niya sa akin para lutuin ang mga iyon pero siya na pala mismo ang gagawa.

Cheska, ano na? Galaw-galaw, hoy!

Sa sobrang hiya ko ay tumayo na rin ako at lumapit sa kaniya. Nakahihiya naman. Nakitulog na nga ako, ta's paglulutuin ko pa siya?

"Uhm... ako na, Jacob," prisinta ko at tangkang kukunin ang kutsilyo sa kaniya.

"No, sit," maawtoridad na wika niya.

Para akong asong pinagalitan ng amo dahil pagkasabi niya ro'n ay agad rin naman akong sumunod. Grabe, tanggal ang angas ko rito.

"You don't need to worry about us not attending our morning classes. I got it handled." Saglit siyang sumulyap sa akin at bumalik na ulit sa pagluluto.

Siguro ay tatawagan ko na lang si Coleen mamaya pagkatapos kumain. Baka busy pa ang mga 'yon sa klase. Saka sabi naman ni Jacob, nagawan niya na ng paraan.



Tyler.

Maaga akong pumasok—hindi dahil sa gusto ko, kun'di dahil sa message sa akin ni Jacob sa IG. Ang buong akala ko ay pinagti-trip-an lang nila ako ni Cheska tungkol sa parteng magkasama sila.

Sumulyap ako sa upuan nilang dalawa at saka ko siniko si Coleen. "Mga absent ang potek," bulong ko sa kaniya.

Hindi ako inimik ni Coleen at bumalik na lang muli sa pagsusulat. Hindi ba siya interesado? Baka ch-in-at na rin siya ni Cheska kaya gan'yan. Pwede rin naman na ayaw niya lang ako kausapin. Pero bakit naman?

"Sinabi ba sa 'yo kung bakit daw hindi sila pumasok?" tanong ko kunwari para magkaroon kami ng pag-uusapan.

Napaatras ako nang nilingon niya ko at masama akong tinignan, inirapan niya pa ako at muling bumalik sa pagsusulat. May need bang isulat ba?

"Hoy." Kinalabit ko siya pero pilit niya pa rin akong iniiwasan.

"Ano ba?! Kung anong chat ni Jacob sa 'yo ay gano'n lang din ang chat niya sa akin." Pagkasabi niya ro'n ay inusog niya nang kaunti ang upuan niya palayo sa akin.

"Galit ka ba?" takang tanong ko sa kaniya.

"Hindi!" Hindi raw galit pero grabe kung makasigaw. Ano na naman ba ang ginawa ko? Parang bigla tuloy akong kinabahan dahil sa inaasal niya ngayon; hindi naman siya gan'yan dati.

Kanina ring umaga dahil nga maaga akong pumasok ay nakita ko siya sa may tapat ng library. Tinawag ko siya—syempre para samahan or masabayan ko na siya—kaso ang ginawa niya ay hinila yung lalaking kasama niya na hindi naman kagwapuhan.

FLASHBACK

"Coleen!" Kumaway pa 'ko sa kaniya pero parang nagulat siya nang makita niya ako. "Samahan na kita. Mukhang paakyat na rin naman kayo sa room."

"Ah, hindi na. May kukunin pa kasi kaming libro ni Charles." Bigla niyang hinatak yung kaklase namin at saka nagmamadaling pumasok.

"Samahan ko na kayo."

Papasok na rin sana ako nang bigla siyang nagsalita. "Huwag na, baka ma-late ka na." Hinila niya agad ang kasama saka nagmamadaling pumasok ulit.

"Akala ko ba, okay na?" rinig kong bulong ni Charles sa kaniya.

"Wait lang! May nakalimutan ako, promise."

END OF FLASHBACK

Mula umaga ay napaka-weird na niya at parang iwas siya nang iwas sa akin. Close na naman kami, 'di ba? Baka masama lang gising niya. Siguro naman mamaya ay kakausapin niya na ako.

"Wala sina Miss Aquino at Mr. Villanueva?" Nilibot ni Sir ang paningin niya, saka tumingin sa akin.

"Ah... Sir, si Cheska po 'ata ay nagpa-check up. Si Jacob naman po—"

"Sinamahan niya si Cheska?" Nakangiti si Sir at mukhang may ideyang nabubuo sa isip niya. "Bagay naman silang dalawa kaya okay lang. At isa pa, silang dalawa rin ang highest sa pinagawa ko sa inyo noong nakaraang linggo." Ngumiti siya sa amin at ako naman ay pasimpleng sinilip si Jack. Hindi naman siya mukhang badtrip pero hindi rin mukhang masaya.

Jack, ano ba talaga ang nangyari sa inyo ni Cheska?









~Itutuloy...

THE MAN WHO CAN'T BE MINEWhere stories live. Discover now