KABANATA I

381 4 1
                                    

Lovers don't finally meet somewhere. They're in each other all along.

—Rumi

Agad napa-mulat ng mata si Adeline nang marinig ang tunog ng alarm clock niya.

Alas-cinco na ng umaga.

Nag-inat muna siya sa kwarto para damhin ang kasarapan sa pag-higa sa kama. Kahit ayaw pang mag-handa ay pinilit niyang bumangon. Dumiretso siya sa banyo habang kinukusot ang mahahapding mga mata ngunit laking pag-tataka niya nang maramdaman ang pamamasa ng pisngi.

Nang maka-pasok sa loob ng banyo ay nakita niya ang repleksyon sa salamin.

"Bakit umiiyak ka na naman?" Tanong niya sa sarili habang tinitingnan ang repleksyon ng mukhang nababakasan ng mga luha.

Mag-mula nang tumungtong siya ng unang taon sa kolehiyo ay palagi na lang siyang nagigising na basa ng luha ang kaniyang mukha. Wala naman siyang nararamdamang kakaiba o sakit bukod sa mga matang humahapdi na normal lang kapag lumuluha kaya'y hindi niya ito masyadong binibigyan ng pansin.

Pinahid niya ang mga luha at nag-desisyong maligo. Mag-isa siyang nananatili sa unit na binili ng mga magulang niya para sa kaniya dahil masyadong malayo ang unibersidad na pinapasukan niya kung sa bahay mismo siya uuwi.

Dinama niya ang malamig na tubig na unti-unting bumabalot sa kaniyang katawan nang ma-alala ang isang malabong memorya mula sa likod ng kaniyang isipan.

"Susunduin kita pagkatapos ng klase mo, mag-aaral tayo."

Naramdaman niya ang kirot sa sentido mula sa ala-ala.

Palagi na lang. Pakiramdam niya ay may kulang sa kaniya. Ngunit mag-mula pagka-bata ay hindi naman siya nakasama sa aksidente na makapag-papakalimot sa kaniya ng mga bagay.

Huminga siya ng malalim hanggang sa mabawasan ang kirot na nararamdaman niya. Ramdam niya ang lamig ng tubig sa kaniyang balat kaya't pinilit niyang tapusin ang paliligo kahit hirap.

"Bakit ka ba nagkaka-ganito?" Bulong niya sa sarili nang muling tingnan ang repleksyon ng sarili. Dati naman ay kinakaya niya ang sakit ng ulo kapag may mga kakaibang nangyayari sa kaniya pero iba ang naramdaman niya nang tila mayroon siyang na-alala.

Huminga ng malalim si Adeline bago umiling. Inalis niya sa utak ang 'tila bigat ng pakiramdam. Iisipin niyang hindi niya nararamdaman ang sakit, baka sakaling magka-totoo.

Itinuon niya na lamang ang atensyon sa pag-hahanda sa pag-pasok. Matagal pa ang pag-pupuno ng jeep na sasakyan niyang papunta ng Criston University. Nang matapos siya'y agad siyang umalis ng unit para pumunta sa terminal ng jeep papunta sa unibersidad na pinapasukan.

Tahimik siyang nag-hihintay sa pinaka-dulo ng jeep nang marinig ang ringtone ng cellphone niya.

Keira calling...

"Bakit?" Tanong niya nang masagot ang tawag. [Wow, walang good morning friend?] Bungad sa kaniya ng kaibigan sa kabilang linya.

"Wala, ano ba 'yon?" Natatawa siyang saad na ikinatawa din ng kaibigan. [Nasaan ka na ba Adeline Alarcon? Mag-isa lang ako dito.] Hanap nito sa kaniya na ikina-ngiti niya.

Until My Next Lifetime With YouWhere stories live. Discover now