KABANATA XIII

255 3 0
                                    

You, of all people, deserve a happy ending.

—Sylvain Reynard

"Kain muna tayo, Kairon. Gutom na 'ko." Naka-nguso saad ni Adriana nang makita niya ang nobyo sa labas ng silid-aralan nila, nag-hihintay para ihatid siya sa bahay ng kapatid.

Masuyo namang inayos ni Kairon ang ilang hibla ng buhok na humaharang sa magandang mukha ni Adriana. "Napagod ba sa pag-susulit ang mahal ko?" Tanong nito. Naka-labing tumango si Adriana bago niyakap si Kairon at ibinaon ang mukha niya sa dibdib nito. Mahinang tawa ang kumawala sa labi ni Kairon habang naka-yakap pabalik sa nobya upang mapagaan ang loob nito.

"Oh, anong nangyari diyan?" Napa-lingon si Kairon kay Emily na kalalabas lang din ng silid. "Ay na'ko, hoy Adriana, kung maka-yakap ka naman sa pinsan ko." Pabirong saway ni Emily.

"Tumahimik ka mga diyan, nagpa-pahinga ako." Ani Adriana at mas hinigpitan ang yakap kay Kairon.

"Kakain kami sa labas ngayon, gusto mong sumama Emily?" Tanong ni Kairon sa pinsan ngunit umiling lang ang huli. "Hindi na, maaga akong uuwi. Mag-uusap pa kami ni Ate mamaya tungkol sa pag-lipad niya papuntang Australia bukas, isang linggo din kasi siyang mawawala." Sagot ni Emily.

"Oo nga pala, kumusta mo na lang ako kay Ate Elrina ha?" Ani Kairon nang kumalas na sa yakap niya si Adriana.

"Hindi ka sasama?" Tila batang tanong ni Adriana sa kaibigan. Tinawanan naman siya ni Emily. "Hindi na, baka maka-gulo lang ako sa inyong dalawa." Anito na agad sinamaan ni Adriana ng tingin.

"Biro lang, pero sige na, kailangan ko ng umalis. Ingat kayo ha? Saan ka pa ba pupunta mamaya Adriana? Diretso uwi ka na ba?" Tanong ni Emily sa kaibigan.

"Hindi pa, magpapa-hatid ako kela Ate Alina. Kukumustahin ko lang siya tsaka yung magiging pamangkin ko." Sagot ni Adriana. Tumango na lamang si Emily sa sagot ng kaibigan.

"Sige, mauna na 'ko." Paalam nito at kumaway sa kanilang dalawa ni Kairon.

Nang mawala na sa kanilang paningin ang kaibigan ay nag-lakad na rin sila patungo sa paradahan ng sasakyan sa unibersidad.

"Saan mo gustong kumain?" Tanong ni Kairon kay Adriana. Sandali namang nag-isip ang huli.

Until My Next Lifetime With YouWhere stories live. Discover now