KABANATA XI

274 5 0
                                    

One day, you will do things for me that you hate. That is what it means to be a family.

—Jonathan Safran Foer, Everything is Illuminated

"Hindi ikaw ang gusto ko para sa anak 'ko! Bakit 'ko ibibigay ang tiwala ko sa kagaya mong isang Villanueva? Nananalaytay sa'yo ang dugo ng mang-aagaw mong ama!"

"Anak? Gising anak. Kier, gising." Unti-unting nag-mulat ng mata ang binata at nakita ang maamong mukha ng kaniyang ina. "Mommy?" Inaantok na tanong nito at nag-desisyon umupo sa kama.

"Binabangungot ka ata." Saad ng kaniyang ina. "Wala 'yon ma, panaginip lang po 'yon." Aniya. Maunawa namang tumango ang kaniyang ina at tumayo.

"Pagkarating namin kagabi, hindi ka na namin masyadong nakausap. Kumusta ang naging araw mo kahapon? Mukhang napagod ka ng husto." Pangungumusta sa kaniya ng ina.

Bigla niyang na-alala ang mga nag-daang araw. At iisang mukha lang ang rumehistro sa kaniyang isipan.

Ang kaibigan ng kaniyang kapatid.

Si Adeline na nga ba ang matagal niya ng hinahanap?

Sa unang pag-tatagpo ng mga mata nila, parang may kung anong kumislap sa kaniyang isipan. Tila isang memorya, ala-ala.

"Ang ganda naman ng pangalan mo."

Ngunit malabo ang mga imaheng na-aalala. Parang pinag-lalaruan lang siya ng isipan. Ipinakikita ang mga ala-alang hindi kaniya.

"Anak? Ang lalim ata ng iniisip mo?" Nabalik siya sa kasalukuyan nang marinig muli ang ina. "Kinukumusta ko lang ang mga naging araw mo."

Napa-iling naman si Kier bago sumagot, "Wala 'to ma. Maayos naman po ako nitong mga nakaraan." Tumango na lamang ang kaniyang ina.

"Mauuna na 'ko sa baba, sumunod ka na para sabay-sabay na tayong kumain ng daddy mo." Saad ng kaniyang ina at nauna ng lumabas ng kaniyang kwarto.

Napa-hilot si Kier sa sentido. Bakit ba siya nagkaka-ganito?

Simula nang tumungtong siya sa Criston University, tila palagi na lamang siyang may hinahanap at parang kahit unang beses niyang tumapak sa unibersidad na 'yon ay kabisado niya na ang buong lugar. Nagdadalawang isip tuloy siya sa naging desisyon na sa Pilipinas na lamang mag-aral at mag-tapos, hindi niya alam kung ano ba 'tong kakaibang nararamdaman niya.

Until My Next Lifetime With YouWhere stories live. Discover now