KABANATA XII

251 3 1
                                    

Love could only be found by the act of loving.

Paulo Coehlo, By The River Piedra, I Sat Down And Wept

"Gusto ko na tuloy wag pumunta. Mukha kasing nasasaktan parin si mommy sa ginawa ni Lolo." Saad ni Keira habang kumakain sila ni Adeline sa cafeteria ng school.

"Ang personal naman niyang kwento mo. Pakiramdam ko tinatanggalan ko ng privacy ang pamilya niyo dahil sa nalalaman 'ko." Ani Adeline sa kaibigan matapos makinig sa kwento nito tungkol sa nangyari sa kanila kaninang umaga.

"That's all in the past naman na, atsaka kailangan 'ko ng advice. Alam mo namang hindi ako magaling sa decision making tapos hindi ko naman masyadong makausap si Kuya Kier." Paliwanag ni Keira. Napaisip naman si Adeline sa mga sinabi nito.

"Pumunta parin siguro kayo, malay mo naman diba? Ngayong parehas ng matured ang mommy at lolo mo, makuha na nila yung pag-uusap na kailangan nila parehas." Suhestyon niya. Naisip ni Adeline na kung ganoon lang nag-away ang nanay at lolo ni Keira, dapat maayos na nito ang gusot na 'yon dahil buo naman ang pamilya ng nanay nito at napakasalan parin naman niya ang lalaking mahal.

"Siguro tama ka." Ani Keira na mukhang malalim parin ang iniisip. Napatawa naman ng mahina si Adeline, lahat na talaga ng sinabi niya'y palaging kinokonsidera ng kaibigan.

"Kausapin mo parin ang kapatid mo. Ikaw na ang maunang mag-sabi." Napa-tango na lamang si Keira at nagpatuloy na sila sa pagkain.

"Oo nga pala, pwede ba kong humingi ng pabor sa'yo Adeline?" Tanong ng kaibigan habang nag-lalakad sila papasok ng silid matapos kumain.

"Sige, basta kaya 'ko." Masaya namang napapalakpak si Keira. "Kaya mo 'to, swear."

"Ano ba 'yon?"

"Pwede bang puntahan mo si Kuya mamayang uwian sa parking, hindi kasi ako makakasabay sa kaniya. May gagawin kasi ngayon ang Arts Club, late na 'kong makakauwi, sasabay na lang ako kamo sa mga ka-club ko." Agad namang natigilan si Adeline sa hiling ni Keira.

Until My Next Lifetime With YouWhere stories live. Discover now