KABANATA IV

286 7 0
                                    

All my life my heart has sought a thing I cannot name,' the silver boy said, eyes dancing over the horizon. 'But now that I have found it, I am not so sure I can handle knowing it.

Grace Curley, The Light that Binds Us

[Kumusta ka diyan Adel?] Tanong ng kaniyang inang si Elrina Alarcon na naka-video call sa nakabukas niyang laptop. "Okay lang po ako 'my. Nakaka-sunod naman po ako sa mga subjects, hindi rin po ako nalilipasan ng gutom at napupuyat. Wag po kayong mag-alala sa'kin." Naka-ngiting aniya sa inang palagi na lamang nag-aalala sa kaniya.

[Anak, pinagti-tripan mo na naman ang mommy mo.] Kunwaring nalulungkot na ani ng Ina. Mahina siyang natawa bago nagpa-tuloy sa pag-susulat sa notebook niya. "Hindi kaya 'my. Wag ka na po kasing mag-alala sa'kin. Si Daddy po ba nandiyan?" Pagkaraa'y itinabi niya ang mga gamit at tumingin sa laptop.

[Nag-papahinga ang daddy mo. Tulog pa ang mahal kong si Alejandro.] Napa-ngiti na lamang siya sa himig ng ina at tumango. [Nabalitaan kong parang uulan daw diyan. Makulimlim na ba ang langit? Wag kang magpapabasa sa ulan Adel ha.] Pa-alala ng ina. Agad namang nawala ang ngiti ni Adeline nang mapadako ang tingin sa bintanang nahaharangan ng blinds. Sinadya niya iyon para hindi makita ang pag-kulimlim ng kalangitan. Bumigat muli ang pakiramdam ng puso niya.

[Adel, ayos ka lang ba?] Napa-lingon siyang muli sa laptop niya nang marinig ang ina. "Opo ma, sige po. Maghahanda lang po ako sa pag-pasok." Dahilan niya. Masyadong pang maaga ang klase niya sa araw na 'yon ngunit ayaw niyang mag-tanong pa ang ina.

[Sige nak, tawag na lang ulit kami mamayang gabi.] Agad pinatay ni Adeline ang tawag at bumuntong-hininga. Umaasa siyang mawawala ang paninikip ng dibdib ngunit walang nangyari.

Until My Next Lifetime With YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon