KABANATA VI

270 6 0
                                    

We do not remember the days Shemei, we remember the moments, and the richness of life lies in memories we have forgotten.

—Terri Herman-Poncé, In This Life

"Adeline, ano bang nangyayari sa'yo?" Bakas sa boses ni Keira ang kalituhan ng matapos siyang mag-bihis ng damit. Wala siyang maisip na sagot.

"Hindi ko alam."

"Hindi mo alam? Adeline, para kang wala sa sarili mo kanina! Umiiyak ka sa ulanan, sa tingin mo hindi ko makikita 'yon? Tinatawag kita para umalis na doon kanina dahil pakiramdam ko uulan na pero parang hindi mo 'ko naririnig. Bakit ka ba nagkakaganiyan?" Dama niyang desperado na ding malaman ni Keira kung anong nangyayari ngunit wala siyang maisagot. Hindi niya talaga alam.

"At tingin mo ba hindi ko alam? Every time it rains, it's always like an automatic faucet, bigla kang luluha. Nakikita ko Adeline." Nanlaki ang mga mata niya sa sinabi ng kaibigan. Alam pala nito. Walang silbi ang pag-lilihim niya.

"Akala ko dati totoong napupuwing ka lang, but what a stupid reason you have there. Paano ka mapupuwing kapag umuulan, wala namang alikabok? But still I let it slide. Kaya lang ito ngayon? Hindi ko na naiintindihan." Saad ng kaibigan niya. Napalapit si Adeline sa kaibigan at hinawakan ang magkabilang pulso nito.

"Hindi ko talaga alam. Hindi ko din naiintindihan, basta kapag umuulan bigla akong maiiyak. Mararamdaman ko 'yung sakit, yung bigat. Parang may nangyaring noong umuulan na hindi ko alam. Basta nasasaktan ako." Paliwanag niya. Hindi niya alam kung malinaw niya bang nasabi pero gusto niya lang ipaliwanag ang sarili sa kaibigan.

"Keira, hindi ko din alam." Naiiyak niyang saad. Lumambot naman ang ekspresyon ni Keira nang makitang nahihirapan din siyang maipaliwanag ang nararamdaman. Huminga ito ng malalim bago tiningnan si Adeline sa mga mata.

"Naniniwala ako sa'yo, sige na. Huwag ka ng umiyak." Pinunasan ni Keira ang ilang luhang kumawala sa sulok ng kaniyang mga mata. "Pag-usapan na lang natin 'yang nangyayari sa'yo mamaya. Baka maka-tulong ako, ngayon pumasok na muna tayo sa klase." Anito na tinanguan lang ni Adeline at sabay na silang lumabas.

Sa tatlong magkaka-sunod na klase, pinilit ni Adeline na ituon ang atensyon sa mga pinag-aaralan. Pinilit niyang huwag mapapa-lingon sa bintana kung saan tanaw-tanaw ang malakas na pag-buhos ng ulan.

Until My Next Lifetime With YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon