KABANATA II

346 7 0
                                    

Have you ever met someone for the first time, but in your heart you feel as if you've met them before?

—JoAnne Kenrick, When A Mullo Loves a Woman (Pearl Kizzy, #1)

"Hindi naman kita iiwan, kahit naman hindi tayo mag-kasama alam mong kahit gaano ka pa kalayo, pupuntahan kita."

"Pangako mo 'yan ah."

"Oo, kailan 'ko ba binali ang mga pangako 'ko sa'yo? Mahal na mahal kita, Adriana."

"Mahal na mahal din kita, Kairon."

"Ano ba kasing nangyari sa'yo? Namumutla ka?" Nag-aalalang tanong ni Keira kay Adeline nang mapansin nito ang pamumutla ng labi ng kaibigan at pangingintab ng mga mata nito matapos niyang ipakilala ang kapatid sa kaibigan.

Hindi na nga nakapag-paalam si Keira sa kapatid at hinila na lang siya.

"Adeline, bakit parang paiyak ka na kanina? May nangyari ba bago ka pumunta dito? Hindi ka naka-sunod sa'kin agad." Nag-aalalang tanong ni Keira sa balisa paring si Adeline.

Malayo ang tingin niya at hindi siya makapag-isip ng maayos. Paulit-ulit sa isipan niya ang mga ala-alang sumagi sa kaniya nang mag-tama ang kanilang mga mata. Parang nakita niya na ang mga mata nito, parang nakilala ito ng puso niya pero hindi ma-alala ng isip niya.

"Adeline?" Napa-lingon siyang bigla nang marinig ang kaibigan. "Ha?" Takang tanong niya nang makita ang seryosong mukha ng kaibigan.

"Hindi ka naman nakikinig sa'kin eh." Akusa nito ikina-ngiwi niya. Nahuli siya ng kaibigan. "Bakit? Ano ba 'yon?" Tanong niya na lamang. Umiwas na lang ng tingin sa kaniya si Keira bago bumuntung-hininga.

"Anong nangyari sa'yo kanina?" Tanong nito at seryosong tumingin sa kaniya. Siya naman ang napaiwas, paano niya sasabihin ang isang bagay na kahit siya ay hindi niya maipaliwanag?

Para makaiwas ay binigyan niya na lang ng matamis na ngiti ang kaibigan. "Wala 'yon, sumama lang ang pakiramdam 'ko." Dahilan niya. Alam niyang hindi naniniwala sa kaniya ang kaibigan ngunit hindi na lamang din ito nag-tanong pa.

"Tara na nga, pumasok na nga tayo sa klase." Aya niya at sumunod naman ito.

Nang naka-upo na siya sa loob ng silid-aralan nila'y hindi parin niya magawang makalimutan ang nangyari kanina. Ano ba iyong mga na-aalala niya?

Malabo parin lahat ng nakikita niya ngunit napaka-linaw ng mga boses na kaniyang narinig.

Until My Next Lifetime With YouKde žijí příběhy. Začni objevovat