KABANATA XVIII

179 4 0
                                    

There is an ocean of silence between us... and I'm drowning in it.”

—Ranata Suzuki

Agad napabalikwas ng bangon si Adeline mula sa isang panaginip. Habol niya ang hininga at tila kay bigat ng kalooban.

"A-Anong-? Bakit?" Takang tanong niya nang mapansin ang pag-luha. Hindi niya ma-alala ang kahit ano sa napanaginipan bukod sa boses ng dalawang babaeng nag-uusap, ang isa ay nakatatanda.

At ang isa ay si Adriana.

Agad niyang pinahiran ang mga luhang nag-landas sa kaniyang pisngi at dumiretso sa blinds na humaharang sa bintana ng unit niya. Rinig na rinig ni Adeline ang malakas na buhos ng ulan kaya't nag-dalawang isip siya kung dapat niya bang makita ang pangyayari sa labas.

Tila napaso ang naging pag-layo ni Adeline nang maka-rinig ng pag-kulog. Napakalakas ng ulan, kabaliktaran sa ganda ng panahon kahapon.

"Malubha ang kalagayan ni Emily sa ospital."

"Anong nangyari sa kaniya? Si Kairon? Nakausap mo na ba siya?"

Natahimik ang kaniyang kausap, hindi sigurado kung dapat na bang sabihin kay Adriana ang totoo. Malakas na buhos ng ulan lamang ang maririnig sa mga sandaling iyon.

"Adriana, wala na si Kairon."

Napaupo si Adeline sa sahig nang lumandas sa kaniyang isipan ang isang malabong ala-ala.

Hindi niya napigilan ang pag-hagulgol nang dahil sa sobrang kirot sa kaniyang sentido. Hilam ang kaniyang mga mata sa mga luha at takip niya ang mga tainga upang hindi marinig ang malakas na buhos ng ulan.

Nang tila nababawasan na ang sakit ng ulo niya, nakarinig siya ng isang marahang katok sa pinto. Bakas ang luha sa mukha ay pinilit niyang pag-buksan ang bisita.

"K-Kier."

May pangungulila ang biglaang pag-yakap ni Adeline sa binata. Tuluy-tuloy ang pag-patak ng luha niya ngunit parang may isang mabigat na nakadagan sa puso niya ang biglang nawala nang makita niya si Kier. Totoong nasa harap niya ito ngayon.

"Tahan na..." Bulong ni Kier habang masuyong nakayakap pabalik sa kaniya. "Nandito na 'ko, hindi kita iiwan."

Tila mahikang kumalma ang kalooban ni Adeline sa mga narinig. Dahan-dahan siyang kumalas mula kay Kier at agad niyang pinunasan ang sariling luha.

"S-Sorry."

Isang tipid na ngiti lang ang iginawad ni Kier kay Adeline bago hinawakan ang mga braso nito upang siya na mismo ang mag-tuyo sa mga luha niya.

Nararamdaman ni Adeline ang pamilyar na pagkalunod sa mga mata ni Kier habang naka-titig siya sa mga ito na masuyong naka-tingin sa kaniya.

Until My Next Lifetime With YouWhere stories live. Discover now