KABANATA XV

241 5 0
                                    

Maybe that's why I wanted to get lost somewhere, because I wanted to be found.

—Corey M. P., Hearts and Errors

"T-Tayong dalawa lang?" Utal na tanong ni Adeline kay Kier ngunit mukha namang hindi pansin ng huli ang pagka-utal ng boses niya.

"Oo, kung ayos lang. Bigla kasing parang gusto kong kumain ng lomi. Sorry, ikaw pa yung natapatan 'ko." Ang isang kamay ni Kier ay napa-suklay sa buhok nito na tila nahihiya. Lihim na napa-ngiti si Adeline sa ginawa nito.

"Uhm, ayos lang. Sige, kumain muna tayo." Payag niya nang maramdaman din ang gutom.

"Mahilig ka sa lomi?" Tanong ni Adeline.

Sandaling napaisip si Kier. "Hindi naman, parang gusto ko lang kumain ngayon." Aniya na tinanguan lang ni Adeline.

"Bakit pala may meeting na naman sila Keira? May event bang gagawin yung club nila?" Tanong ni Kier. Napaisip din si Adeline sa sinabi nito.

"Hindi ko lang sigurado, wala pa naman akong nababalitaan tungkol sa magiging events dito. Si Keira ang laging sumasagap ng balita." Sagot niya. Napa-tango na lamang si Kier sa kaniya.

"May nasabi nga pala si Keira sa'kin noong isang araw." Saad ni Adeline nang may ma-alala. Tahimik namang hinintay ni Kier ang susunod na mga sasabihin niya.

"Tungkol sa mommy at lolo niyo, medyo naikwento niya sa'kin 'yung nangyari." Dahilan niya. Medyo nakaramdam siya ng hiya sa isiping baka masyado siya nag-tatanong sa pribadong buhay ng mag-kapatid.

Dumaan ang ilang saglit ng katahimikan sa pagitan nilang dalawa.

"Ano sa tingin mo?"

Napa-nganga si Adeline sa itinanong sa kaniya ni Kier. Seryoso ba talaga na tinatanong din nito kung anong opinyon niya? Mag-kapatid nga silang dalawa ni Keira.

"Tinatanong mo ako?" Paninigurado niya. Diretso namang naka-tingin si Kier sa daan habang nag-mamaneho nang tumango ito bilang sagot sa kaniya.

"Sinabi ko lang na mag-punta parin kayo sa lolo't lola niyo, kailangan niyo din naman sa isang banda na mag-kita. Hindi naman dapat pinapatagal ang galit sa puso natin." Aniya. May pagka-mangha ang mga titig ni Kier sa dinadaanan nang marinig ang sinabi ni Adeline.

Until My Next Lifetime With YouWhere stories live. Discover now