KABANATA III

303 7 1
                                    

I could not tell you if I loved you the first moment I saw you, or if it was the second or third or fourth. But I remember the first moment I looked at you walking toward me and realized that somehow the rest of the world seemed to vanish when I was with you.

—Cassandra Clare, Clockwork Prince

"Kairon, best friend ko si Adriana. Paturo daw ng math." Pakilala ni Emily kay Adriana. Agad namang namula ang mga mukha ni Adriana dahil sa mga binanggit ng kaibigan. "Hoy, grabe ha." Hindi niya alam kung bakit siya nakaramdam ng hiya sa unang pag-tatagpo ng kanilang mga mata.

"Oh, bakit akala mo ka kung sinong mahinhin ngayon? Kanina ang kapal ng mukha mong sumama dito." Asar sa kaniya nang kaibigan. Napa-takip naman siya ng mukha nang maramdaman ang pag-iinit lalo ng mga pisngi niya.

"Emily, tigilan mo na nga. Hiyang-hiya na yung kaibigan mo sa pinaggagagawa mo." Rinig niyang pigil ni Kairon kay Emily. Paniguradong naka-ngiti ito nang sabihin iyon ngunit ayaw nang tingnan ni Adriana kung totoo ba ang hinila.

Narinig niyang mahinang natawa si Kairon nang hindi niya alisin ang mga kamay na naka-takip sa kaniyang namumulang mukha.

Nang maka-dilat siya'y muli niyang napag-masdan ang magagandang mga mata nito. Natigil sa pag-ikot and mundo.

"Hi, Kairon ang pangalan ko. Pasensya ka na sa pinsan ko ah. Malakas talagang mang-asar 'yan." Pakilala nito.

"Sobra ka. Porket honest, malakas na kaagad mang-asar?" Saway ni Emily sa pinsan ngunit hindi na nagawang barahin ni Adriana ang kaibigan dahil sa pagka-lunod ng isipan niya sa magagandang mga mata nito.

"Hala, bakit hindi na nag-sasalita si Adriana?" Nabalik siya sa reyalidad nang marinig ang kaibigan. Gusto niyang hampasin ang sarili sa matagal na pagkaka-tulala niya ngunit sumimple na lang siya ng iwas ng tingin bago tumikhim. "Adriana, Adriana Cojuangco." Ibinalik niya ang ngiti sa mga labi habang nagpapa-kilala.

"Ang ganda naman ng pangalan mo." Ani Kairon na may simpleng ngiti sa labi at pag-hanga sa mga mata. "Hindi lang maganda 'yang pangalan niya. Maganda din buhay niyan, mayaman 'yan eh." Agad namang sinamaan ng tingin ni Adriana ang kaibigang bigla-biglang sumasabat sa kanila.

"Tumigil ka nga, secret lang 'yon." Biro niya sa kaibigan na ikinatawa nila. "Anong biro, sikat na sikat nga ang pamilya niyo sa buong lungsod natin tapos biglang secret? Sinong niloko mo." Pabalang na sagot sa kaniya ng kaibigan. Sasagot pa sana siya nang mapansing naka-titig lang sa kaniya si Kairon na may tipid na ngiti sa mga labi nito.

Until My Next Lifetime With YouWhere stories live. Discover now