KABANATA VII

259 7 0
                                    

...and when one of them meets the other half, the actual half of himself, whether he be a lover of youth or a lover of another sort, the pair are lost in an amazement of love and friendship and intimacy and one will not be out of the other's sight, as I may say, even for a moment ...

-Plato, The Symposium

"Nabasa 'ko lang 'to sa kung saan eh. Pero posible kaya? Ikaw yung reincarnation ng isa sa kanila?"

Ngayon nag-sisisi na si Adeline na sinabi niya pa kay Keira ang nangyayari sa kaniya. Wala naman napupuntahan ang pinag-uusapan nila.

"Keira, anong taon na? Nasa 2020 na tayo, reincarnation ang sasabihin mo sa'kin?" Hindi makapaniwalang bulalas niya. Mukha naman hindi naapektuhan si Keira sa reaksyon niya at napa-kamot lang ito ng ulo.

"Posible 'yon Adeline. May mas magandang paliwanag ka ba diyan sa nararamdaman at napapanaginipan mo?" Depensa ni Keira.

"Sa pag-iyak 'ko sa ulan, wala. Pero ang mga panaginip 'ko? Baka gawa-gawa lang 'to ng imahinasyon 'ko." Aniya ngunit inilingan lang siya ng kaibigan.

"Sobrang coincidence naman na dalawang mag-kasamang tao lang ang napapanaginipan mo. Imagination talaga? Edi sana iba na lang ang inimagine mo, yung hindi ka paiiyakin kapag gumigising ka." Saad sa kaniya ni Keira. Kung tutuusin ay may punto naman ang dahilan nito, mas may sense ang mga sinabi nito kaysa sa mga dahilan niya. Pero hindi talaga kayang tanggapin ni Adeline, hindi ito makatotohanan.

Matagal na katahimikan ang namayani sa kanila hanggang sa makita niyang parang may napag-tanto si Keira dahil sa biglaang panlalaki ng mata nito.

"Ang kapatid ko..." Hindi maituloy ni Keira ang gustong sabihin habang naka-tingin sa kaniya. Nangunot naman ang noo ni Adeline sa sinasabi ni Keira. "Anong ibig mong sabihin?"

"Noong ipinakilala kita kay Kuya Kier, ganoong-ganoon ka. Noong makita mo siya, para kang maiiyak. Naka-tulala ka sa kaniya na parang kilala mo siya at ngayon lang ulit kayo nag-kita." Wala sa sariling bulalas ni Keira at parang binuhusan ng malamig na tubig si Adeline sa mga sinabi nito.

"Anong naramdaman mo noong makita mo si Kuya Kier? Walang normal na babae ang biglang iiyak sa unang beses na pag-kikita nila ng kahit sinong tao. Adeline, wala." Natahimik naman si Adeline sa mga sinabi ni Keira.

Sa totoo lang ay sinadya niyang hindi sabihin kay Keira ang tungkol sa kapatid nito. Alam niyang may koneksyon ang kapatid nito sa nararamdaman niya pero hindi iyon sigurado.

At hindi pa siya handang sabihin iyon kay Keira.

"Alam mo, wala ng patutunguhan 'tong usapin na 'to. Tara na bumalik na tayo, baka ma-late pa tayo sa next subject." Aniya at nag-lakad na palabas ng cafeteria.

Hindi na nakapag-salita pa si Keira dahil mabilis na umalis si Adeline kaya't wala na itong nagawa kundi sundan siya.

"Guys, suspended na daw." Iyon ang nabungaran nina Adeline at Keira pag-tapak nila sa pintuan ng kanilang silid. Agad namang nag-hiyawan ang mga estudyante sa loob ng silid na 'yon.

"Tara, gusto 'ko ng umuwi."

"Sabay ako, wala akong dalang payong."

"Sayang pamasahe 'ko, layo-layo ng bahay 'ko."

Iba't-ibang mga salita ang naririnig ni Adeline ngunit nanatili na lang siyang walang reaksyon at hindi na nag-abala pang pumasok sa loob ng silid.

"Suspended daw." Sambit niya kay Keira at dumiretso na paalis. "Adeline, sandali!" Habol ni Keira sa kaniya. Tumigil si Adeline sa mabilis na pag-lalakad ngunit hindi na ito lumingon.

"May payong ka ba? Gusto mo bang sumabay na lang ulit sa'min?" Nahihiyang tanong ni Keira. Hindi niya alam kung bakit nakaramdam siya ng pagka-ilang nang tanungin niya 'yon sa kaibigan. Bigla niya lang kasi na-alala ang mga naibulalas sa kaibigan.

"May payong ako, hindi na 'ko sasabay. Salamat na lang." Seryosong saad ni Adeline. Mabagal na napa-tango naman si Keira at hinayaan na lamang mag-lakad papalayo ang kaibigan. Marahil ay iniisip ni Adeline ang tungkol sa mga sinabi niya.

Nag-desisyon si Keira na pumunta na lamang sa parking lot ng unibersidad para hintayin ang kapatid na si Kier sa loob ng kotse nito. Hindi naman nag-tagal ay nakita niya itong papalapit na sa kotse kung nasaan siya.

"Hi Kuya." Kaswal na bati niya. Tinanguan lang siya ng kapatid na mabibilang sa kamay ang mga sinasabi.

Tahimik na minaneho ni Kier ang sasakyan pauwi sa malaking bahay nila. Naka-masid lang si Keira sa labas ng bintana, pinapanood ang malakas na buhos ng ulan sa kalsadang tinatahak. Dama niya ang mas dumobleng lamig mula sa air-conditioner ng kotse at natural na lamig sa labas.

Naisip niyang muli si Adeline, ngayon nakumpirma niyang totoo ang mga napapansin niya dito, talagang umiiyak ito kapag umuulan. Habang pinagmamasdan niya ang sunud-sunod na pag-tulo ng patak ng ulan sa bintana ng kotse, hindi niya mapigilang maisip kung umiiyak ba ang kaibigan ngayon. Kumusta na kaya ito?

Siguro kaya hindi ito sumabay sa kanila ay dahil na rin baka makita ng kapatid niya ang walang dahilang pag-iyak nito.

Bigla siyang natigilan ang pasimpleng inilipat ang tingin sa kapatid na diretso lang ang pagmamaneho sa sasakyan.

Alam niyang tama ang nakita niya, muntikan ng lumuha ang kaibigan nang unang makita ang kapatid niya. Pero bakit?

"Bakit?"

"Ay bakit!" Napa-talon siya ng bahagya sa inuupuan ng marinig si Kier.

"Bakit mo 'ko tinitingnan?" Tanong ni Kier, hindi pinansin ang reaksyon niya.

"Ahh, wala. May na-alala lang." Dahilan niya at ibinalik ang tingin sa labas. Hindi na sumagot si Kier sa kaniya kaya't namayaning muli ang nakabibinging katahimikan.

"Kumusta 'yong kaibigan mo?" Napa-lingon si Keira nang marinig ang tanong ni Kier. "Ha?"

"Si Adeline. Okay na ba siya?" Hindi sigurado si Keira kung pag-aalala ba ang nahimigan niya sa boses ni Kier dahil nang tingnan niya ang mukha nito'y wala naman siyang emosyong nakita. Marahil guni-guni niya lang.

"Ah, oo kuya. Ayos naman na siya. Nauna na siyang umuwi sa atin. Mag-isa lang 'yong umuuwi eh, naka-commute" Sagot niya. Alam niyang hindi na muling mag-tatanong ang kapatid, hindi naman ito ganoon kalapit sa kaniya para magkaroon sila ng mahabang pag-uusap.

"Bakit siya umiiyak kanina?" Itinago ni Keira ang gulat. Ito na siguro ang pinaka-mahabang usapan nila ng kapatid sa isang araw at ito pa ang nag-simula.

Hindi niya alam kung paano sasagutin ang kapatid. Dahil umuulan? Pero baka mawirduhan ito sa kanila parehas.

"M-May na-alala lang daw siya." Totoo naman, pero hindi ang kabuuan. Hindi niya alam kung naniwala sa kaniya ang kapatid ngunit hindi nasundan pa ang tanong nito.

Until My Next Lifetime With YouWhere stories live. Discover now