KABANATA XIX

140 6 0
                                    

"I melted into the dream as if I had always been there. I knew where I had come from; I knew where I was going."

Chelsie Shakespeare

"Salamat." Maikling ani Adeline matapos siyang pag-buksan ni Kier ng pinto ng kotse nito nang makarating na sila sa unibersidad ng Criston.

"Kuya? Adeline?"

Natigilan si Adeline sa pag-labas nang marinig ang pamilyar na boses ng matalik na kaibigan.

"K-Keira..."

Kitang-kita niya ang mabilis na pag-balot ng kalituhan ang pagka-bigla sa mga mata ni Keira habang naka-tingin sa kanilang dalawa ni Kier.

"Hindi niyo naman sinabi sa'kin, magkasabay pala kayo." Ani Keira na may kalituhan parin sa mata.

"Keira magpapaliwanag ako." Saad ni Adeline ngunit ngumiti lamang si Keira at umiling.

"Mamaya na 'yan, tara na sa classroom. Baka nandiyan na si Prof." Sagot ni Keira at hinila na ang kamay niya. "Una na kami Kuya ha? Mamaya na lang." Paalam ni Keira sa kapatid at dumiretso na ng lakad papunta sa klase kasama si Adeline.

Naiwan si Kier na nakasunod lang ang tingin sa dalawa hanggang sa hindi niya na makita ang mga ito.

"Ikaw ha, kailan ka pa natutong mag-lihim sa'kin? Akala ko ba best friends tayo?" Kunwari'y nagtatampong saad ni Keira habang nag-lalakad sila papunta sa unang klase nila para sa araw na yon.

"Keira, h-hindi ko na-"

"Ano ba Adeline, kabado ka naman! Joke lang eh." Natatawang putol ni Keira sa kaniya nang mapansing tensyonadong siyang sasagot dito.

"Hindi ko rin alam na pupunta si Kier kanina." Aniya na ikina-tango ni Keira. "Oh well, ako din naman. Nagulat lang ako, may progress na pala ang relasyon niyong dalawa."

"Anong relasyon? Keira, imbento ha." Unti-unti ng gumaan ang pakiramdam ni Adeline habang kausap ang kaibigan.

"May pagsundo't paghatid na sa'yo si Kuya eh at hindi ko pa alam 'yan ah, na'ko sinasabi ko sa'yo Adeline, wag mo muna sasagutin 'yang si Kuya. Hindi man lang nag-abalang sabihin sa'king pinopormahan ka na pala. Anong klase 'yang kapatid?" Mahihimigan ng pagbibiro ang boses ng kaibigan ngunit hindi agad nakaapuhap ng sasabihin si Adeline sa mga narinig.

Until My Next Lifetime With YouOù les histoires vivent. Découvrez maintenant